15: Innocent

5.5K 154 7
                                    


Higit sa isang oras pa siguro akong naghintay sa bench bago sila matapos maglaro. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakitang mag aalas nuebe na ng umaga. Hindi pa rin ako nakakapagluto, malamang pagdating nila doon sa bahay nila Ma'am Amina ay magkakainan na sila.


Nagkayayaan na silang umalis at nagpunta sa bench. Kinuha nila ang kani-kanilang bag at kumuha ng spare t-shirts. Walang pasintabi silang naghubad sa harap ko at doon nagpalit ng damit!


Pwede naman silang tumalikod sa akin, pero hindi! Wala man lang nag effort na tumalikod sa kanila o magsabi man lang na 'oh, tumalikod kayo, may babae.' Pero wala! Mukhang sanay sila sa gan'to.


Mukhang wala talaga silang balak tumalikod o sa malapit na cr magpalit kaya ako na lang ang tumalikod. Ang lalaki masyado ng katawan nila, hindi ko kayang tignan!


Si Sir Trevor ang may pinakamalaking katawan sa kanila, sunod si Chad at si Eros naman ang sunod. Magkasing laki naman ng katawan si Rich at Nicholas pero silang dalawa naman ang pinakamatangkad sa grupo.


I heard Eros chuckled. "Innocent girl," sambit niya.


Pinaparinggan niya ba 'ko?


"She's not use to this." Sabi naman ni Nicholas. Hindi ko alam pero nag iinit ang pisngi ko sa mga sinasabi nila!


"You have such a cute girlfriend, TJ." tawa naman ni Rich, halatang nang-aasar.


"Told you she's not." Diin namang sabi ni Sir Trevor.


"Then I'll get her." Biglang singit ni Chad. Nagulat ako roon. Hindi ko alam kung seryoso ba iyon o biro lang.


Humarap na cko sa kanila noong sa tingin ko'y tapos na silang magbihis. Pagharap ko sa kanila ay nagtama agad ang mata namin ni Sir Trevor. Kitang kita kong napahinto siya.


"W-where's kuya Ogi?" Tanong ni Sir Trevor sa akin.


"Susunduin niya raw po ang Papa n'yo," sagot ko.


Bigla namang humagalpak ng tawa si Eros at Rich.


"Pfft, what was that? 'Po'? What are you? A damn old man?" Tumatawang sambit ni Eros.


Inirapan siya ni Sir Trevor. "Fuck you, Eros Lim!"


Walang paki yung dalawa at tuloy tuloy lang sa pagtawa.


Nang makarating kami sa mansyon nila Ma'am Amina ay bumaba na 'ko agad. Kailangan kong maghanda dahil panigurado ay gutom na ang mga ito.


Tinakbo ko ang kusina para lang makita si Ma'am Amina na... nagluluto?


"Ma'am, nandito na po kami," pagpapa-alam ko sa kanya.


"Ah-huh. Sakto, tapos na 'kong magluto," saka niya tinakpan ang kaldero.


"Sana po tinawag n'yo ko para matulungan ko kayo," nahihiya kong sambit.


Umiling siya. "Hindi na, kaya ko naman. Saka, matagal na rin akong hindi nakakapagluto kaya excited akong gawin 'to." Ngumiti siya sa akin.


"Ang bango po! Masarap po pala kayong magluto? Amoy pa lang masarap na!" Puri ko.


"Ah, yes! Iyan nga ang nagustuhan sa akin ni Garcio! First love n'ya ko pati ang mga pagkaing niluluto ko!" She laughed.


"By the way, uuwi nga pala siya ngayon." Sabi niya sa akin.


"Opo, nasabi nga po ni kuya Ogi." Ngumiti ako.


"I missed him so much, ang tagal niya rin sa US."


"Bakit po ba ando'n siya?" Tanong ko.


"Eventually, business. He handle his dad's business there. Ang gusto nga ng Papa ni Garcio ay si Trevor ang ipadala but Garcio insisted. Si Trevor kasi ang future CEO ng Frenielle companies dito sa Pilipinas kaya dapat daw... dito siya magtatrabaho, not in the branch in US." Ma'am Amina shrugged like it's nothing.


"Wow. Ang yaman n'yo po talaga. Kahit sa US, may Company kayo!" Sabi ko.


"Actually, iyon naman talaga ang first company nila. Garcio originally lives in US, doon nakatira ang parents niya since bata pa siya. Doon na rin kami nagkakilala noong nag bakasiyon kami ng family ko roon. Then family of Garcio build a business at lumaki, then pinamana kay Garcio at nagtayo ng branch dito at si Trevor naman ang future CEO kapag binigay na ni Garcio." Napanganga na lang ako sa kwento ni Ma'am Amina.


"Hilig n'yo po sa business , 'no?" Tanong ko habang nagsasalin na ng menudo sa bowl.


"Yeah, especially Trevor. Mas mahilig pa ata siya sa business kaysa sa Dad niya e. He is more business-centered pero... Garcio is a bit.. you know? Thinking about if he will really appoint TJ as the CEO." napangiwi siya.


"Bakit naman po?" Medyo nagulat ako sa sinabi niya.


"Si TJ kasi is too ruthless when it comes to business world." She just shrugged. "Alam mo, walang pahinga ang batang 'yan, lagi lang sa company namin at sa condo niya lang siya umuuwi. Company-condo lang siya but you know? Yung first meeting niyo? Noon lang siya umuwi at pinilit pa, then nagulat ako dahil dito na raw siya mag-i-stay for good!" Pagkekwento niya sa akin.


"Baka po sawa na sa condo niya?" Tanong ko.


"Hell no! Since 1st year college ay doon na siya nakatira, ngayon pa ba siya magsasawa kung kailan he's really a grown man na?" Napataas ang kilay niya. Nagkibit balikat lang ako.


Sabi ni Sir Trevor sa amin ay magkakainan na sila kaya inayos ko na ang pagkain at sinerve.


Nakaupo na sila sa table at seryosong nagkekwentuhan. About business ata?


Pumunta pa 'ko sa pintuan para kunin ang pina-order na steak ni Ma'am Amina.


Nagserve na rin ako ng juice at nagsimula na silang kumain.

His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon