Trevor's POV .1

6.5K 138 20
                                    

I was busy checking up proposals in the company.


Hindi pa 'ko CEO pero pinasa na agad sa 'kin ni Dad 'to since he's taking care of our company in US.


I don't want to go there either kaya buti na lang Dad insisted. Si lolo kasi, ako ang gusto niyang ipaghandle roon.


I told Dad I wanna stay here instead. Nagpaligtas ako kay Dad at buti na lang, pumayag siyang siya na lang ang sa US ulit. Siya na ang kumausap kay lolo. He reasoned out na ako raw ang maghahandle ng branch sa Pilipinas so I needed to be here.


Mom's calling me constantly again. Hindi ko alam kung kailan ang huling uwi ko sa bahay. Madalang na lang akong magpunta doon dahil condo-company lang ang ginagawa ko since college.


That's my routine. My daily life.


I don't know what Mom's up to pero pinapauwi na naman niya 'ko sa bahay.


She called me while I was in our company's office.


"Mom," I greeted as I answered the phone.


[Hey, TJ my honey. Can you come over?] Bungad niya.


I sighed. "Mom, I told you, I don't wanna go home." Pagtanggi ko.


[Pero, when was the last time na umuwi ka rito? I missed you. Hindi ka ba nasasawa sa company at condo mo? I bet you already forgot how our house looks like]


I scratch my nose. "Mom, please..." She's always pushing me to come home when my home is our company.


I could hear her heavy sighs. [Please, last na 'to. Then I'll never bug you na. Please anak... Umuwi ka muna. I'm very lonely, I'm all alone here]


I sighed. "Nariyan si Nay Delya, Mom,"


[Please]


Sa kakulitan ni Mom ay pumayag na rin ako. Kinagabihan din no'n ay umuwi ako sa amin.


And to my horror, Mom hired a maid again.


Mom was aware na ako lagi ang nagpapaalis ng maid niya. I'm not just... you know? Comfortable seeing other person who's totally 'stranger' to us. Si Nanay Delya lang talaga ang nakapalagayan ko ng loob. Siguro kasi she reminds me of my grandma, the mom of my mom.


Sinuri ko ang bagong yaya at nakita kong nakatayo siya roon sa gilid ng mesa habang nanonood sa kumakain. Malalim ang iniisip. She looks clumsy too.


She's... the youngest. I mean, over all the maids my Mom hired. Either kasing age o mas bata siya sa akin. Well, I don't care.


Maya-maya, nang naka upo na 'ko, lumapit siya. Sasalinan na niya sana ang baso ko pero nilayo ko iyon. Just what the hell is wrong with this girl? Malapit naman ang pitsel at baso tapos siya pa ang maglalagay ng tubig sa akin? May kamay ako kaya ako na ang gagawa no'n. Hindi ko siya kailangan.


Umalis na rin ako no'n at dumaan muna sa law firm. May binigay lang akong papers sa kaibigan kong abogado dahil kailangan niya raw. Nag aya rin sila Eros na mag hang out pero may kikitain akong Client sa malapit na resto kaya tumanggi ako.


Nakipagkita ako kay Mr. Lucena. Nag aya siyang mag dinner at pumayag na rin ako. Nag restroom muna ako at habang naglalakad pabalik sa table, nagbanggaan kami ng isang waiter. Tumapon sa polo ko 'yung Veloutè sauce.


I was about to scold him for being clumsy but the manager of the resto suddenly appeared.


"I'm sorry for the mess, Mr. Frenielle." Bahagyang yumuko sa akin 'yung manager saka ako inabutan ng tissue.


His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon