17: Fired

5.5K 159 3
                                    

Hindi ko alam kung ano'ng nangyari pero sumunod ako sa sinabi ni Sir Trevor. Nanatili nga ako rito sa kwarto ko. Hindi naman sa natakot ako sa kan'ya pero gusto ko rin kasing mag isip. Ginugulo niya ang utak ko. Mahilig siyang magsalita at magsabi ng mga bagay na hindi ko naiintindihan katulad na lang kanina. Ano bang ibig niyang sabihin?

Bahala na nga. Basta ako, gagawin ko na lang ang mga dapat kong gawin. Bahala siya.

Umuwi na kaninang alas siyete ang grupo nila Eros. Si Eros lang at si Nicholas ang nakapagpaalam sa'kin dahil nag uusap daw sa Ford si Rich at Chad. Pinaalis daw sila doon at usapang magkapatid iyon.

Mga kalahating oras siguro pagkaalis ng grupo ay dumating na rin si Sir Garcio. Tama nga ako. Sa kan'ya nga nagmana si Trevor. Magkamukhang magkamukha silang dalawa. Pero ang mas kinagulat ko...

"Tharia, come on, andiyan na sa gate si Sir Garcio mo," inakay ako ni Ma'am Amina.

Pumunta na kami sa harap ng mansiyon. Sakto kabababa lang din ni Sir Garcio.

"Hon! You're home, finally!" Yumakap si Ma'am Amina sa asawa niya.

"Ang traffic talaga, sa NAIA pa lang hassle na," hinilot ni Sir Garcio ang sentido niya

"Let's go inside para makapagpahinga ka na." Alu ni Ma'am Amina.

"Alright." Si Sir Garcio saka napatingin sa akin.

"Tharia? Ikaw 'yon?" Seryoso niyang tanong sa akin.

Napatuwid ako ng tayo. "Opo,"

"Can you hold this for a moment?" Sabay abot niya sa akin no'ng briefcase na hawak niya.

"Sige po," sagot ko.

Iniabot na niya sa akin ang briefcase pero bago ko pa man mahawakan ay nalaglag na iyon!

Nanlaki ang mata ko at nabitin ang kamay sa ere habang tinitignan ang briefcase na nahulog sa sahig! Hindi ako ang nakahulog noon! Binitawan niya iyon nang hindi ko pa nahahawakan!

"What the–" hindi na natuloy ni Sir Garcio ang sasabihin niya dahil sa pagkagulat na nabagsak ang briefcase niya. Tumingin siya sa akin nang may galit sa mga mata.

"What did you do?! Do you know how expensive is that? Kaya mo bang bayaran 'yan? Nagasgasan na!" Sigaw niya sa akin.

"Hon, kalma." Pigil ni Ma'am Amina.

"Can't you hold this briefcase properly?! Gano'n ba kabigat kaya nabitawan mo?" Sabi pa.

Abot-abot ang tahip ng puso ko. "S-sorry po,"

"You're fired!" Sigaw niya sa'kin.

Ako naman ay tumingin sa kan'ya nang nanlalaki ang mga mata. Nanginginig ang labi ko sa pagkagulat. Hindi ako makagalaw. Ni hindi ko nga nahawakan ang briefcase tapos... hindi ako ang mali. Pero bakit?

He's cruel. Cruel than–

My thoughts has been cut off when he laughed. "Look how shocked she were!" Patuloy ang pagtawa ni Sir Garcio.

What the hell just? Tinatawanan niya ba 'ko?

"No wonder why Amina is really fond of you. Ang ganda mong bata!" Patuloy pa rin ang pagtawa niya.

"I told you, Garcio... " si Ma'am Amina.

"Kaya pala madalang mo na lang akong kausapin, malamang puro kay Tharia ang oras mo, you're imagining things like you're the mother of this lady," umiling-iling siya.

His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon