24: Towel

5.3K 154 24
                                    

Gano'n ang ayos namin ni Sir Trevor nitong mga nakaraaang araw. Text o kaya naman ay tawag.


Hindi tuloy ako naiinip o ano man dahil nag fefacetime rin kaming dalawa.


Isang buwan nang wala si Sir Trevor dito sa bahay at kapag naman tinatanong ko siya kung kailan siya uuwi ay hindi niya 'ko sinasagot. Hindi ko alam kung hindi niya ba talaga alam kung kailan siya uuwi o talagang ayaw niya lang akong sagutin.


Nasa garden ako at naglilinis, pinakain ko rin si Polar at nilinis ang Van nila Ma'am Amina. No'ng isang araw din ay umalis na si Sir Garcio at bumalik ng US


Alas tres ako natapos sa mga ginagawa at pumasok na ulit sa loob. Naupo muna ako sa sofa at nanood ng tv. Wala rin dito si Ma'am Amina at nasa company nila. May meeting daw sila kasama ang anak niya.


Nakatext ko rin si Andrew kanina at kinamusta niya 'ko.


Alas singko siguro ako natapos sa panonood bago napagdesisyunang pumasok sa kwarto at naligo.


Isang oras ako sa banyo at lumabas nang saktong alas sais. Kumuha na 'ko ng damit na isusuot saka pumunta sa salamin at nag ayos ng mukha. Naglagay lang ako ng pulbos at sinuklay ang buhok tapos ay naglagay ng kaunting cologne.


Kinuha ko na ang cellphone ko at naupo sa kama. Binuksan ko iyon at nanlaki ang mata ko sa nakita.


23 messages

29 missed calls


Inopen ko iyon at napahilot ako sa sentido ko nang makitang galing lahat iyon kay Sir Trevor


Trevor:

Where r u?


Trevor:

Are u busy?


Trevor:

Answer me,


Trevor:

Why aren't you answering? Wala ka bang load?


Trevor:

Magreply ka. Meeting will start soon.


Iyan at marami pang iba!


Tinignan ko pa ang ibang messages at talagang niloadan pa niya 'ko!


Load:

A ₱1,000 load is credited to your number by 09********2


Ang dami niya ring missed calls. Ang huling tawag niya ay kaninang 4:25. Mga 4:30 siguro nagsimula ang meeting nila.


Busy pa 'ko sa kababasa ng ibang text niya nang mag ring bigla ang cellphone 'ko. Muntik ko pang maitapon!


Sinagot ko iyon at inilagay sa tenga.


"Hello?" Bungad ko.


[Thank goodness, you finally answered my call]


I sighed. "Ano bang kailangan mo? Ang daming mong text at missed calls. Niloadan mo pa 'ko."


[I called you for so many times, why aren't you answering?]


"Duh, may ginagawa kaya ako! Hindi ko naman laging dala ang phone ko 'no!"


[Always bring your phone with you please]


Umirap ako. "Sagabal lang iyon, at saan ko naman ilalagay?"


[Bakit? Wala bang bulsa 'yang shorts mo?]


His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon