18: Choose

5.5K 150 14
                                    

True enough, dumating na nga kinabukasan 'yung mga mag aayos ng mansiyon.


Tatlong truck ata ang dumating dala ang mga gamit na ipang dedesign sa bahay.


May nag aayos sa garden, nagdedesign ng gate, nag oorganize ng mga tables at chairs at 'yung mismong stage kung saan mag announce.


Nakabantay at nakatingin lang ako sa mga taong nag aayos. Minsan lalapit ako para tanungin sila kung kailangan nila ng tulong pero tumatanggi sila. Ang sabi raw ni Ma'am Amina ay huwag akong patutulungin sa kanila.


Mabilis ang araw dahil ngayong araw na mismo ang party. Andito lang ako sa kwarto at kakatapos lang din maligo. Dito lang siguro ako hanggang sa matapos ang party. Hindi pa rin daw makakauwi si Nay Delya dahil mas lumala pa ang lagay ng anak niya.


Maya-maya, bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Sumungaw si Ma'am Amina at ngumiti sa akin.


"Ria, let's get ready," aya niya sa akin nang makita akong nagliliwaliw lang sa kwarto ko.


Umiling ako. "Hindi naman po ako lalabas," sabi ko at ngumiti.


Kumunot ang noo niya. "At sinong nagsabing hindi? I want the world to see you, Tharia! I will tell them that you're my daughter!"


Napakamot ako sa ulo ko at tumawa. "Yaya lang naman po ako,"


"Whatever, Tharia. Tara na. I bought you dress for today's party."


"Po?" Napatayo ako. "Nakakahiya naman po!"


Natawa siya. "Kaya nga huwag mong sayangin. Let's go." Sabi niya saka lumabas ng pintuan. Sumunod naman agad ako sa kan'ya at inakay ako papuntang kwarto niya.


Inabutan niya 'ko ng robe pagdating. Isuot ko na raw iyon kaya't pumunta na 'ko sa cr para magpalit. Paglabas ko ay nakarobe na rin siya at inaayos ang mga make-up sa harap ng salamin. Akala ko pa naman ay may maabutan akong make-up artist kuno dito. Gano'n kasi 'pag mayayaman.


"Ahm, ineexpect ko po na may hinire kayong artist o ano..." sabi ko paglabas.

She chuckled. "No, I don't hired artist like that. Kaya kong ayusan ang sarili ko. I enrolled on fashion School back then."


"Wow, fashion School?" Tanong ko.


Tumango siya. "Yup,"


Pinaupo na niya 'ko sa upuan kaharap ng salamin at sinimulan nang ayusan.


Tutok na tutok sa akin si Ma'am Amina na tila ba ayaw niyang magkamali. Natural lang ang inayos niya sa akin dahil maputi naman daw ako. Hindi bagay kung masyadong dadamihan ang make-up. Bahagya niya ring kinulot ang buhok ko dahil sabi ko ay parang wavy hair ang gusto kong style.


"We're done!" Anunsiyo niya.


Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Perpekto at bagay na bagay sa akin ang ayos. "Ang ganda po," puri ko.


"Ang ganda mo," sagot naman niya.


Ngumiti lang ako at hindi na nagsalita.


Pumunta siya sa closet at may kinuhang damit.


"Wear this na," Sabi niya.


Tinignan ko ang damit na orange bodycon dress. Mahaba din iyon, baka hanggang tuhod ko.


"Ang ganda naman po nito," sabi ko nang iniabot niya na sa akin ang damit.


"Yeah. I saw that on Dior at naalala kita. Tiyak bagay sa'yo 'yan." Itinapat niya pa sa akin ang dress na para bang sinusukat niya 'to.


His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon