9: Flirt

5.6K 172 2
                                    

"Uh... excuse me." Pasintabi ko sa kan'ya bago pumasok ng kwarto. Kailangan ko nang magbanlaw at magbihis dahil basang basa at nilalamig na 'ko. Isa pa, nababasa ko na rin itong sahig.


Isasara ko na sana ang pinto pero hinarang ni Sir Trevor ang kamay niya.


Tinulak niya ang pinto at pumasok sa loob. "Let's talk." Seryoso at may diin niyang sabi.


Padabog niya sinarado ang pinto at tinitigan ako. Napaatras ako nang bahagya dahil doon.


"What do you want?" Tanong niya.


Huh? Anong gusto ko? E siya nga itong pumasok sa kwarto ko at gustong makipag usap sa akin!


Kumunot ang noo ko. "Anong ako? E kayo nga po 'yung pumasok at gustong makipag usap sa akin?" Taka kong tanong.


"Don't be difficult, Tharia. Alam kong may kailangan ka." His lips pursed.


"Hindi ko kayo mainitindihan." Sabi ko nang umiiling at tumalikod na.


Napabigwas ako nang hilahin niya ulit ako pabalik.


"You're flirting with my brother!" He accused. Parang siguradong sigurado siya sa akusa niya sa akin.


"Ano?!" Gulat kong tanong. Ano bang tumatakbo sa isip niya? Paano niya nasabing nilalandi ko ang kapatid niya?


Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. "Go and fucking deny it!" Namumula ang mukha at leeg niya. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit! "What do you want from him? Hmm? Money? Car? House?" Sunod-sunod niyang tanong habang humuhigpit lalo ang kapit sa braso ko.


Napangiwi ako sa sakit. "Wala akong ginagawang masama at lalong wala akong kailangan kay Andrew!" Sigaw ko sa kaynya.


"Wow! First name basis?" He scoffed. "Gan'yan ka kabilis, huh?" Tumango-tango siya.


"Ano ba, bitawan mo nga ako!" Sigaw ko. "kasalanan ko bang mas mabait at mas madaling pakisamahan ang kapatid mo kaysa sa'yo?" Asik ko.


Lalong namangha ang mukha niya. "Really? So you're saying mas madali siyang makuha kaysa sa akin kaya siya na lang? You'll seduce him instead of me?" Nakangiting niyang sambit pero kitang-kita pa rin ang galit sa kan'yang mga mata.


Napaismid ako sa sinabi niya. Gan'yan pala siya kaduming mag isip?


"Isipin mo na kung anong gusto mong isipin. Wala akong ginagawang masama!" Depensa ko sa sarili.


Tumaas ng kilay niya. "Okay then. Alam mo ba kung anong tingin at iniisip ko sa 'yo?" Nakatitig lang siya sa akin at hindi pa rin ako binibitawan.


"You're a gold digger." Diin niya na nagpahinto sa akin. Wala na akong hinintay na oras at sinampal siya.


Alam kong malakas iyon dahil pati ang kamay ko'y sumakit. Napabitaw din siya sa akin dahil sa ginawa ko.


"Ang kapal ng mukha mo! Kung iyan ang tingin mo sa akin, alam mo kung anong tingin ko sa 'yo? You're heartless, arrogant and jerk! Wala kang pakielam kung may nasasaktan ka! Your mouth has no filter!" Sigaw ko nang hindi na makapagpigil. Siya nama'y nakatagilid pa rin ang mukha dahil hindi pa rin nakaka get over sa sampal ko.


I had enough. Tumalikod na 'ko sa kan'ya at pumunta ng CR. Binuksan ko agad ang shower para mahimasmasan at doon umiyak.


Napakasama niya! Grabe siyang mang-maliit ng kapwa! Porke ba mayaman siya at ito lang ako? Si Ma'am Amina nga, hindi ako pinagsasalitaan nang masama pero siya naman kung makahusga sa akin, parang ako na ang pinaka masamang tao sa paningin niya.


Ibang-iba nga siya kay Andrew.


Nagtagal din ako sa CR at nang nilamig ay nagbihis na rin.


Paglabas ko'y andoon na rin sa kama niya si Nay Delya.


Tinapunan niya 'ko ng tingin at kumunot ang noo. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin.


"P-po? Oo naman po,"


"Namumula ata ang mata mo?" Pansin niya.


"Ah! Napuwing lang po kanina," pagdadahilan ko.


Umupo na 'ko sa kama ko katapat nang kay Nay Delya nang may naalala.


"Ahmm, Nay? Kayo po ba ang nag ayos ng closet ko?" Tanong ko.


"Kailan?"


"Kanina po?"


"Hindi. Hindi naman magulo, ah?" Tinignan niya ang cabinet ko.


"Ah, sige po." Iyon na lang ang sinabi ko dahil sa pagkalito.


Kung hindi si Nay Delya, sino?


Imposibleng si Ma'am Amina, at lalong imposibleng si Sir Trevor!


Bahala na nga! Isinantabi ko na lang iyon at natulog na.


Kinaumagahan ay naligo rin ako kaagad dahil nga day off ko. Maaga akong aalis para kung sakali ay maaaya kong mamasyal si Mama. Bibili rin ako ng cellphone ko.


Paglabas ko ng pinto ay nakita ko si Sir Andrew na naka corporate attire.


"Aalis ka?" Tanong ko.


"Yeah. Work. Saka doon na 'ko sa condo ko." Sagot niya.


Tumango ako. "Akala ko bakasyon mo?"

"Akala ko rin." He chuckled. "Ang daming gagawin e." Sabay ayos niya sa necktie niya. "Uh, can you fix it for me?" Sabay lahad niya nito sa 'kin.


"Sure," lumapit naman ako.


Habang inaayos ko ang necktie niya ay saktong pagbaba ni Sir Trevor ng hagdanan. Napatingin siya sa amin at bahagyang umirap. Poker face lang siya gaya nang palagi niyang ayos. Napairap na lang ako rin ako. Bahala siya. Isipin niya kung anong gusto niyang isipin.



Biglang natawa si Andrew. "My brother will kill me." Sambit niya habang nangingiti at umiiling. Napatingin ako sa kanya.


"Bakit naman?" My brows furrowed.


"Well..." he shrugged. "Let's say, he already found the love of his life."


Nakakunot pa rin ang noo ko dahil hindi pa rin naiintindihan ang sinasabi niya.


"Soon. You'll know." Sambit niya nang mapansin siguro ang pagtataka ko.


"Edi hindi ka na rito uuwi mamaya?" Pag iba ko sa topic at natapos na ring ayusin ang tie niya.


"Yeah, but I'll visit." Ngumiti siya.


Tumango ako at bahagyang inayos ang buhok.


"Day off mo nga pala 'no?" Tanong niya.


"Yup,"


"Hatid na kita?" Aya niya.


Sasagot na sana ako pero biglang sumigaw si Ma'am Amina.


"Hep hep! Andrew, ako ang maghahatid sa kan'ya!" Banta ni Ma'am Amina na ikinatawa naming dalawa.


"Okay, Mom. You won." Tinaas pa niya ang kamay niya na parang sumusuko.


"Go ahead, Drew. Malalate ka pa!" Paalala ng Mommy niya.


"Fine. Bye, Mom." Bumeso siya sa Mommy niya. "Bye, Ria." Yumakap naman siya sa akin.


Lumabas na si Andrew at natanaw ko rin ang kotse niyang lumabas na sa garahe.


"Here..." May inabot si Ma'am Amina sa akin na sobre.


"Your salary, Tharia." Ngumiti siya sa akin.

His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon