25: Crazy

5.4K 154 1
                                    

Kung nakakamatay lang ang awkwardness, kanina pa 'ko pinaglalamayan dito.


Nasa cr na 'ko ni Sir Trevor at naliligo na. Amoy na amoy ko ang sabong pang-lalaki at iba pang toiletries.


Habang naliligo ako ay iniisip ko kung anong gagawin ko at kung ano ang mangyayari paglabas ko sa banyong 'to.


Tapos na 'kong maglinis ng katawan. Inabot ko na ang tuwalya at tinuyo ko muna ang buhok ko saka pinalupot ang towel sa katawan.


Huminga muna ko nang malalim bago lumabas ng banyo.


Paglabas ko ay nakasando na si Sir Trevor at naka short. Nakaupo siya sa kama at may pinipindot sa cellphone.


"Uh... Tapos na 'ko. Thank you." Saka ako lumakad papuntang pintuan.


Pipihitin ko na sana ang doorknob pero nagsalita pa siya.


"Are you avoiding me?"


Liningon ko siya at nakitang magkasalubong ang kilay niya.


"H-hindi, bakit naman kita iiwasan?" Napalunok ako.


Pinaningkitan niya ko ng mata saka tumayo sa kama at lumapit sa akin.


"You're avoiding me." Deklara niya.


"Hindi nga kita iniiwasan! B-bakit naman ako iiwas?" Nauutal kong tanong.


Hindi pa siya nakuntento sa distansiya namin at humakbang pa siya papalapit sa akin hanggang sa masandal ako sa pintuan. He's at it again! Hindi talaga ako masasanay sa mga gan'tong kilos niya!


"Tell me if I did something wrong." Sambit niya.


Itinukod niya ang kamay niya sa likod ng pinto sa gilid ng mukha ko. He then leaned on me.


Nag iwas ako ng tingin dahil magtatama na ang mukha namin. "W-wala ka namang ginawa," sagot ko.


"Are you mad?" Malumanay niyang tanong. Titig na titig sa akin.


"Hindi. Bakit naman ako magagalit?" Balik ko sa kan'ya sa mahinang boses.


"Stop asking questions back and answer me properly." He hissed.


I sighed and looked at him. "Hindi ako umiiwas, okay? Hindi ako galit at lalong wala ka ring ginawang mali." Saka ulit ako nag iwas ng tingin.


Bakit ba ang weird niya? Pa'no niya naisip na iniiwasan ko siya? Kaya lang naman ako lumalayo dahil hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko 'pag andiyan siya. Nagiging abnormal ang galaw ng katawan ko.


Tumango tango siya at binasa ang labi.


"Alright. Magbihis ka na at matulog."


Tumango ako ngunit hindi pa rin gumagalaw. Nakaharap pa rin siya sa akin at ang kamay niya'y nasa pinto pa rin. Pa'no ako babalik sa kwarto nito?


"Uh... excuse me, babalik na 'ko," awkward kong sabi.


Nakatitig lang siya sa akin at bigla na lang ako hinalikan sa labi. Saglit lang iyon.


"Goodnight," he said huskily. His eyes were sleepy too.


Saka siya umalis sa harap ko.


Halos tumakbo ako palabas ng kwarto ni Sir Trevor.


Sabi na nga ba'y may kakaibang mangyayari kaya ayokong malapit siya e!


His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon