3: Trevor

6.6K 172 0
                                    

"This is it ,Tharia. Taralets na!" Sabay hila sa akin ni Aloha.


"Sandali lang naman. Baka maputol ang braso ko dahil sa'yo!" Singhal ko kay Aloha.


"Dali na kasi!" Hila niya sa akin.


Pumunta na kami sa harap ng gate at may lumabas sa security doon sa guardhouse.


"Good day po," ngumiti sa amin si kuyang guard. Kababait naman ng mga sekyu dito.


"Ahm, mag aapply po sana itong freny ko kuyang guard. Andiyan po ba si Mrs. Frenielle?" Tanong ni Aloha sa guard.


"Opo, nasa loob po. Sandali lang po, tatawagan ko lang." Saka tumango ang guard sa amin.


Pumunta 'yung guard doon sa telepono saka tinawagan yung Mrs. Frenielle na sinasabi ni Aloha. Ano kayang itsura non? Ayoko sa masungit na amo. Baka kung ganoon nga ay wala pang isang linggo, umalis na 'ko sa trabaho.


Sinipat ko si Aloha. "Hoy, ano bang itsura nung Mrs. Frenielle na 'yon? At sa'n mo naman nakilala yung gano'ng kayaman na tao?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, si Mrs. Frenielle ba? Naku, maganda iyon! Nakilala ko siya sa bar dahil kaibigan siya ng boss ko! Doon ko rin nalaman na naghahanap siya ng yaya!" Sambit ni Aloha.


"Kaya pala..." Napawi ang tingin ko kay Aloha dahil nandito na ulit ang guard sa harap ko.


"Pasok na raw po kayo. Sasamahan ko po kayo sa office niya. Dito po..." Minuwestra ng guard ang daan.


Nakarating kami sa isang malaking silid. Ito siguro ang tinutukoy nung guard na office ni Mrs. Frenielle. Malaki ito at may mahabang table sa gitna. Madami ring paintings at frames sa paligid pero may isang pumukaw sa atensiyon ko. Iyon ay 'yung lalaking matikas ang katawa. Woah, well-build body. Makapal din ang kilay niya at manipis ang labi. Bahagya siyang nakatagilid sa frame kaya kita mo ang hubog ng panga niya. Malalalim din ang mata na kung tititigan mo ay parang mapupunit ka. Sino kaya iyon? Anak siguro niya. Mukha siyang masungit at snob pero ayos lang iyon basta't huwag niya lang akong papagalitan nang walang dahilan. Mukhang gano'n siya e.


"Good afternoon!" Bati ng isang eleganteng babae na kakapasok lang. Galing siya doon sa isa pang pinto. Siguro'y restroom iyon.


Siniko ako ni Aloha. "Iyan si Mrs. Frenielle. Ang ganda niya 'no?" Tinaas taas pa niya ang kilay niya pagkatapos bumulong.


Tinignan ko ulit si Mrs. Frenielle pero mas matagal ngayon. Tama siya, napaka ganda nga nito. Palagay ko'y nasa 40s na siya. Manipis ang kilay niya at makinis ang balat. Wala rin siyang wrinkles sa mukha o ano. Tssk, bakit parang mas bata pa siyang tignan kaysa sa akin? 'Pag talaga mayaman ka, hindi halata sa'yo ang edad mo dahil hindi ka nai-stress at wala masyadong pinoproblema. Lalo na pagdating sa pera.


"How are you Aloha?" Ngumiti siya kay Aloha.


"Okay na okay, Madam. Ito nga po pala si Tharia, iyong sinasabi kong naghahanap ng trabaho na willing sa lahat!" Maligayang sambit ni Aloha at sinipat ko naman siya. Makasabi naman siya na willing ako ay wagas.


Tumingin sa akin si Mrs. Frenielle. "I-it's her?" Gulat na tanong niya.


"Ah... bakit po? Hindi po ba ako pasado?" Kabado kong tanong.


"N-no!" Agad niyang depensa. "I just... didn't expect na gan'yan ang itsura mo. I thought you're around 30s or something." Nagkibit balikat siya.


"Naku, Madam, hindi ko nga po pala nabanggit na bata pa si Tharia 'no?" Napakamot ng ulo si Aloha.


"Masyado kang maganda para sa yaya." Mrs. Frenielle chuckled. "You're not fit in here, actually. Pero wala naman akong magagawa, sisiguraduhin ko namang sulit ang ibabayad ko sa'yo." Ngumiti siya sa akin.


"Salamat po..." Ngumiti ako.


"Ah, Madam, una na po ako, ah? Alas kwatro na po at maghahanda na ako sa trabaho. Kayo na po ang bahala kay Ria. Iiwan ko na po siya sa inyo." Bilin ni Aloha at nagpaalam na ulit saka lumabas.


Nang makaalis si Aloha, kinausap na ulit ako ni Mrs. Frenielle. "Upo ka iha..." utos sa akin ni Mrs. Frenielle.


Tumango lang ako at umupo na.


"So, this is your first meeting. Sasabihin ko na ang dapat mong malaman para bukas, pwede ka nang magsimula, okay?"


Tumango lang ulit ako.


"So... my name is Amina Frenielle and this is my beloved husband, Garcio." Tinuro niya ang frame sa kaliwa niyang bahagi. "Meron din naman kaming katulong, si Nanay Delya. Nag iisa lang siya kaya nagpahanap pa ulit ako ng isang pang yaya and eventually, ikaw ang nahanap ko." Bahagya siyang tumawa.


Tumango lang ako at napatingin sa frame na nasa bandang kanan niya.


"Ahm..." Parang nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin ba niya ang tungkol doon o hindi. "This is my son, Trevor. And there's something I really really need to tell you. It's about him." Umayos siya ng upo. "Ah, you know... the reason why we only have one maid is because Trevor doesn't go along with other people. Pili lang ang napapakisamahan niya. Ayaw niya nang may ibang tao at yaya except Yaya Delya. He's a bit off when it comes to socializing." Napangiwi si Mrs. Frenielle. "Sana mapanindigan mo ang trabaho na 'to dahil lahat nang na hire kong yaya ay puro hindi tumagal ng isang buwan dahil sa ugali niya." She smiled at me.


Ngumiti ako pabalik. "Kailangan ko po ng pera, at sa ngayon... ito lang po ang pagkukunan ko kaya't sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong pag tiyagaan ito." Seryoso kong sabi.


Ngumiti siya. "I hope that mindset will last, Tharia. By the way, kunin mo na ang mga gamit mo dahil dito ka titira syempre. Sa maid's quarter ka."


Tumango ako. "Opo, bukas na bukas po ay gagayak ako."


"Good. Si Yaya Delya na ang mag aassist sa'yo, okay?"


Tumango ako at ngumiti. Marami pa rin siyang sinabi sa akin bago napagdesisyunang umuwi at mag impake.


Kampante ako na magtatagal ako rito dahil mabait naman si Ma'am Amina. Ewan ko lang sa anak niya. Sana'y magkasundo kami. At kung hindi man, magtitiis pa rin ako.

His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon