12: 'Dress'

5.4K 154 4
                                    

"Ito, Ria, oh! Isukat mo!" Sabay abot sa akin ni Aloha ng short dress na kulay black.


Tinignan ko iyon. "Oh? Ano namang gagawin ko rito?" Tanong ko habang sinusuri ang dress. Idinikit ko ito sa katawan ko para maisukat at napagtantong hanggang taas lang ito ng tuhod. Siguro mga 6 inches ang taas mula sa tuhod ko. Spaghetti strap din ito at loose sa bandang dibdib. Tinignan ko ang presyo at napangiwi  ako.


"Hindi na! Ang mahal! Saka wala naman akong pag-gagamitan niyan!" Binalik ko sa kan'ya 'yung dress.


"Ayaw mo, edi huwag! Ako na lang ang bibili nito!" Umirap siya at nag ikot pa para mamili.


Ako rin ay umikot sa mga t-shirt. Tatlo rin ang napili kong t-shirt bago pumunta sa pants section.



Bumili ako ng dalawang high waist short at namili na rin ako ng pantalon para kung sakaling may pag-gagamitan.


"Ma'am, do you need basket?" Tanong sa akin ng saleslady.


"Yes please," sabi ko at ngumiti.


"Ito na po, Ma'am," ngumiti siya sa akin at inabot ang basket. Tinanguan ko naman siya at inilagay na roon ang pinamili.


Pumunta ako sa women's wear at namili ng iba pang klase ng damit.


Kumuha ako ng off-shoulder croptop at isang tank top. Sinukat ko muna iyon sa fitting room.


May nakita rin akong dress na sale. Maganda iyon kaya sinukat ko. Bagay naman sa akin kaso parang masyado naman atang revealing iyon. Hinihintay ako ng saleslady sa labas dahil inaassist niya ako. Naisipan kong lumabas para manghingi ng opiniyon sa kan'ya.


"Uh... ayos lang ba?" Tanong ko sa saleslady na nakatayo roon sa harap ng pintuan ng fitting room dala ang basket ko. Napatulala siya sa akin bago sumagot.


"O-opo, Ma'am! Ang ganda n'yo po!" Ngumiti siya.


"Baka binobola mo lang ako ha? Para bilhin ko 'to?" Tanong ko at tumawa.


"Hindi po, Ma'am! Bagay po talaga sa inyo! Maputi po kasi kayo at may pagkamatangkad. Maganda rin po ang hubog ng katawan niyo." Komento niya.


Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya at tumango na lang.


Pumasok na ulit ako sa loob ng fitting room at sinuri ang sarili sa huling pagkakataon.


Bagay nga sa akin ito. Red dress siya at yakap yakap ang katawan ko. Saktong sakto lang sa akin. Kasing iksi siya nung black dress kanina. Mas malapad naman nang konti ang strap nito pero may slit siya sa kanang hita ko. Pa square din siya sa bandang dibdib.



Lumabas na 'ko ng fitting room at sinabi sa saleslady na kukunin ko ang dress. Natuwa naman ito sa sinabi ko.


"Tharia! Kanina pa kita hinahanap!" Sabi ni Aloha nang makita ako.


"Bakit?" Tanong ko.


"Halika dito, dali!" Saka niya 'ko hinila.


"Saan ba tayo pupunta?" Reklamo ko.


"Charan!" Iginaya niya ko sa swimsuit section.


"Ano na naman 'to, Aloha?!" Singhal ko.


"Edi swimsuit! Bibili tayo, dali! Para pagka nagkapera na ulit tayo, nagbebeach tayo!"


Agad akong umiling. "Ikaw na lang mamili. Ayoko niyan." Pagtanggi ko.



"Ang KJ mo talaga! Tinanggihan mo na kanina 'yung dress, ah? Pati ba naman ito?" Nagdrama siya at ngumuso.


Umirap ako. "Sige na nga!"


Pumalakpak si Aloha at siya na ang namili ng swimsuit para sa akin.


"Sukat mo ito." May inabot siya sa aking black two piece.


May mga string iyon kaya napailing na lang ako.


"Ayoko nito."


"Sasampalin kita, Ria. Kung ayaw mo niyan, sige ito na lang," inabot niya sa akin iyong yellow tube top at high waist na panty.


"Sukat mo na lang 'yang dalawang iyan para malaman natin kung anong mas maganda." Sabi niya at hinila ako papuntang fitting room.


Binuksan niya ang isang pinto at naunang pa siyang pumasok!


"Bikini ito tapos isusukat? Bawal 'yon!" Sabi ko sa kanya.


"Gaga, hindi. Ilapat mo lang sa katawan mo. Ka-size mo naman 'yang bikini e. Nanghingi ako ng size mo tapos iyon ang pinakuha ko."


"Ito na lang black," sabi ko sa kan'ya.


"Iyan ang first choice ko, buti iyan ang pinili mo?" Sabi niya.


"Maganda e," nagkibit balikat ako.


"Tara na," aya niya.


Nakapagbayad na kami at pumunta ng parking. Sumakay na kami sa kotse ni Aloha.


"Ang yaman mo na, ah. May kotse ka na." Bati ko sa kanya.


"Sabi ko naman sa'yo, malaki ang kita sa bar..." Nagkibit siya ng balikat.


Pinaandar na niya ang sasakyan. Dumaan kami sa isang fast food at nag order sa drive thru, puno kasi ang mga resto sa mall e.


"Ang dami mo ring nabili, ah?" Sambit ni Aloha nang masilip sa rearview mirror ang paperbags sa likod ko.


"Puro t-shirts at shorts, nakabili din ako ng dress." Sabi ko at uminom na sa iced coffee ko.


"Taray ni madam," ngumisi siya.


"May pool sa mansyon ng Frenielle, 'diba?" Tanong niya.


Kumunot ang noo ko. "Oo, bakit?"


"Magswimming ka roon," tulak niya.


"Ayoko nga! Bakit naman ako magsiswimming doon?" Tanong ko.


Tumawa siya. "Pwede naman siguro. Pagka wala lang tao doon syempre 'no! Pag kayo kayo lang mga yaya ang andoon. Kunwari, hindi uuwi sila madam Amina kasi nasa business trip, gano'n!"


Hindi ako nagsasalita at kumakain lang.


"Saka, diba sabi mo, madalas ding wala 'yung Trevor? Pwede kang magswimming pagka gano'n! Para magamit mo rin 'yang two piece mo!"


Umirap ako. "Ewan ko sa'yo, magdrive ka na lang nang magdrive!" Pagpapatahimik ko sa kan'ya.


"Magpapaalam ka naman e, papayagan ka no'n! Pampatanggal stress gano'n!" Sabi pa niya



Napailing na lang ako sa sobrang kulit ni Aloha.


Sabi ko sa kan'ya ay sa mansyon na lang ako ihatid dahil ayokong umuwi sa bahay. Mas okay nang si Sir Trevor ang maka-bangayan ko kaysa makita si Papa. Pinilit pa ako ni Aloha na roon matulog sa apartment niya pero sabi ko ay wala akong dalang damit. Hindi na rin siya nakipagtalo dahil may pasok siya sa bar mamaya.

His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon