26: Scam

5.6K 152 13
                                    

Hindi ko alam kung makakahinga pa ba ako sa sinabi niya. Hindi ko maproseso lahat ng nangyari maging kahit ano sa sinabi niya. Basta lumakad lang ako palayo at pumasok sa loob ng bahay.


Hindi ko na kayang makinig pa sa sasabihin niya. He's too much. His words were too much to handle. Too good to be true ika nga.


at crazy? Sobra naman ata iyon.


Pumasok ako sa kwarto at tinawagan si Aloha. Nasabi niya sa akin na day off niya ngayon kaya pwede akong pumunta sa apartment niya.


"Ano?! Sabi ko na nga ba may gusto sa'yo 'yang Trevor na 'yan e!"


Bungad niya agad nang ikwento ko ang mga nangyari. Nandito na 'ko sa apartment niya. Umalis agad ako sa mansyon noong nalaman kong wala siyang pasok.


Bumuntong hininga ako. "Sabi ko sa kan'ya... baka sex lang ang habol niya sa akin."


Nanlaki ang mata ni Aloha. "Ano?! Sinabi mo 'yon?! Boba ka talaga, girl! Nag iisip ka ba? Edi sana matagal ka nang pinagsamantalahan niyan kung sex lang ang habol sa'yo!"


Hindi ako nakapag salita sa sinabi ni Aloha. Tama siya.


Humalukipkip siya. "Saka sige nga, pa'no mo nasabing sex lang ang gusto niya sa 'yo?"


"H-ha?" Napaisip ako. "Syempre mayaman, ako mahirap lang, kaya malamang... k-katawan ko lang ang habol niya." Nag iwas ako ng tingin.


"Jusmiyo mahabagin, Ria." bulong ni Aloha sa sarili. Napasapo siya sa kan'yang noo na para bang pagod na pagod na.


"Kung katawan lang din naman ang hanap niya, marami siyang makukuha diyan! Kusa pang lalapit sa kan'ya! Mas magaganda at sexy pa sa 'yo! Posibleng mga modelo at tulad niya na nasa business world din! Kaya huwag mo 'kong paandaran ng gan'yang rason!" Asik niya.


Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Aloha.


"Hay! Ano ba naman 'yan! Teka nga, may nangyari ba na hindi mo sinasabi sa akin?" Tanong niya bigla.


Kumunot naman ang noo ko. "Gaya naman ng ano?"


"Tharia, ha. Ayusin mo. Alam kong alam mo na kung katawan lang ang habol niyang Trevor na 'yan, marami siyang mahuhuli! Mas magaganda pang katawan kaysa sa'yo! Malamang, may iba kang pinaghuhugutan, nararamdaman ko. Kasi, hindi mo naman masasabi 'yan kung walang nangyari e." Ispekulasyon niya.


"Aloha naman e!" Ngumuso ako.


"Aloha naman e!" Ginaya niya 'ko na parang bata. "Huwag mo 'kong idaan sa ganyan, ha! Anong nangyari?" Tanong niya. Nililiit ang mga mata sa akin.


"Okay!" Pagsuko ko. "No'ng sa bar..."


"Oh?" Tinaasan niya 'ko ng kilay.


"Nag..." Pagputol ko.


"Ano?" Mas lumapit pa siya sa akin.


"Nag kiss kami sa kotse niya," sabay yuko ko.


"Kiss?! Anong kiss? Baka mamaya smack lang 'yan!"


"Hindi, uh... kiss talaga." Nag iwas ako ng tingin.


"Omg, girl! I knew it, you're in love!" Tumalon talon siya at sumigaw.


"Hindi 'no!" Hinampas ko siya.


"Gaga! Anong hindi? Bakit ka magpapahalik kung hindi mo gusto, 'diba?"


Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya.


His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon