28: Loser

5.1K 125 2
                                    

Nagising ako sa isang parang warehouse. Nakatali ang mga paa at kamay ko sa isang bangko habang may panyo naman sa bibig ko.


"Gising na, oh... " Tinig ng isang lalaki.


"Ang ganda e 'no? Kaya siguro pinakidnap sa'tin," Tumawa 'yung isa.


"Bakit kaya pinadakit 'yan? Gwapo naman si Ser, kayang kaya niya namang bigyan ng pera 'yan tapos sasama na sa kan'ya." Humithit ng sigarilyo 'yung nagsalita.


Umiling 'yung unang nagsalita. "Mukhang hindi nakukuha sa pera ang isang 'yan."


Lumapit sa akin yung isang lalaki at inamoy ang leeg ko.


"Gago pre, ang bango,"


Hinatak siya ng isa. "Tangina mo, huwag daw gagalawin 'yan sabi ni Ser!" Saway ng isa.


"Tanga, hindi ko naman hinawakan."


"Hoy tama na nga 'yan, " Saway ng isa. "Isakay n'yo na 'yan doon sa isang van, dalhin na raw natin sa bahay ni Ser."


Lumapit sa akin ang isang lalaki at kinalag ang tali ko sa paa. Kitang kita ko na namumula ang bukong-bukong ko dahil sa higpit ng pagkakatali.


Tinayo niya 'ko pero masyado akong nanghihina dahil pa rin siguro doon sa gamot na naamoy ko kanina. Hindi ko rin alam kung anong oras na pero sa tingin ko gabi na.


Binuhat na lang ako ng lalaki at isinakay sa van.


Malayo layo rin ang binyahe namin hanggang sa makarating kami sa isang bahay. Nasa isang village iyon at malayo ang mga kasunod na bahay. Malaki iyon at gray-white ang combination.


"Ipasok n'yo na 'yan!"


"Piringan n'yo nga muna pala," Habol noong isang naka t-shirt na black.


"Bakit kung kailan andito na tayo saka pa lang pipiringin?" Alma ng isa.


"E gago ka pala e. Kay Ser ka magreklamo!"


Walang nagawa ang isa at kumuha na lang ng tela at itinakip sa akin. Gusto ko sanang umangal pero alam kong wala rin iyong magagawa dahil may panyo ako sa bibig at ayoko na ring mag sayang pa ng lakas.


Nang tinanggal nila ang piring ko ay nasa isang malaking kwarto na 'ko. Mabango sa loob at maraming sapatos.


Tinanggal din nila ang panyo sa bibig ko pinaupo sa kama.


"Diyan ka lang," saka sila umalis at iniwan ako sa kwarto.


Kinakabahan ako at natatakot dahil hindi ko alam kung nasaan ako at sinong may pakana nito. Malamang ay nag aalala na sa 'kin si Ma'am Amina. At hindi ko rin alam kung alam ba ni Trevor na nawawala ako.


Naagaw ang pansin ko nang bumukas ang isang pinto sa kabilang side ko. Cr siguro iyon.


Hinihintay ko kung sinong lalabas sa pinto na 'yon at nang may lumabas na nga, para akong nakakita ng multo sa gulat.


"C-Chad?" My eyes widened.


"Welcome," ngumiti siya sa akin. He is topless. Medyo basa rin ang buhok.


Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi ko naisip at hindi ko kayang isipin na si Chad ang may gawa nito. Bakit? May ginawa ba 'ko?


Lumapit siya sa akin dala ang isang kutsilyo. Pinutol niya ang tali ko sa paa at kamay naman ang sinunod.


"B-bakit?" Tanong ko. Nanginginig.


His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon