1: Job

10.7K 226 5
                                    

Tharia's POV


"Ma, ano ba! Sabing hayaan mo na lang 'yang lalaki na 'yan!" Pigil ko kay Mama na hinihila si Papa pabalik dala ang bagahe niya. Halos napaluhod siya!


"Papa mo siya! Saka... Mahal ko e!" Sigaw pabalik sa akin ni Mama.


"May ibang babae nga! Hindi ka na mahal!" Pinipilit kong kontrolin pa ang boses ko dahil ayokong mabastos si Mama.


"E pa'no tayo?" Naiiyak na sabi niya.


"Anong pa'no tayo? Edi mag tatrabaho ako!" Napakamot ako sa ulo ko. Frustrated. Kung ang inaalala ni Mama ay pera, kayang-kaya kong magtrabaho! Kaya kong mag provide!


"Hindi ka pa graduate! Under ka! 1st year college lang naman ang natapos mo dahil wala tayong pera!" Sigaw niya.


Napaismid ako. "Ayaw mo pang magpaiwan kay Papa, e kahit naman andito 'yan, wala tayong makain." Angil ko.


Napayuko na lang si Mama sa sinabi ko. Marahas na hinila ni Papa ang braso niya mula kay Mama at lumabas na ng bahay. Napairap na lang ako.


Lumapit ako kay Mama at hinawakan ang kamay niya. "Ako ang magtatrabaho para sa'tin, Ma. Huwag mo nang habulin 'yan. Siya mismo ang gagapang pabalik sa atin." Pang-aalu ko.


Huminahon na si Mama pagkatapos naming mag usap. Nagpunta ako kila Aloha para manghiram ng cellphone at maghanap ng trabaho.


Wala akong cellphone pero alam ko naman kung paano gumamit no'n.


"Ano, gaga?" Tanong ni Aloha sa akin.


"Pahiram ng cellphone, ha?" Ngumiti ako sa kan'ya at kinuha ang cellphone mula sa kan'yang kamay.


Nag browse ako sa google at job searcher, puro required ay graduate o di kaya naman ay at least 2nd year college.


May nakita naman akong trabaho na pwede ang high school graduate pero malayo iyon at hindi rin kalakihan ang sweldo, baka sa pamasahe ko lang mapunta lahat ng seswelduhin ko.


"Sa Forbes daw maraming trabaho." Singit ni Aloha sa akin.


"Forbes? Mayayaman doon, 'diba?" Tanong ko.


"Oo!" Hinampas pa ako ni Aloha. "Mga yaya raw! Tara, apply!" Humagikgik siya.


"At saan mo naman nalaman 'yan? Baka scam 'yan, ha?" Tanong ko.


"Hindi! Narinig ko sa kapitbahay! Saka sa mga bar na pinapasukan ko!" Sagot niya.


"Hay, sa kapitbahay lang pala. Baka chismis lang 'yan?" Tinaasan ko siya ng kilay.


"Edi pumunta tayo!" Ideya niya.


"Diba may trabaho ka?" Tanong ko.


"Oo nga, sasamahan lang naman kitang mag apply, no!"


Napangiti na lang ako, ang kulit talaga ni Aloha.


"Ano? G?" Tanong niya.


"Oo naman! Kailangan ko ng pera!" Umirap ako.


Tumawa siya ngunit napawi rin ang ngiti. "Ah teka, nakita ko nga pala yung Papa mo kanina. May dalang maleta! May trabaho na ba?"


Napaismid ako sa sinabi niya. "Trabaho? Yung lalaki na 'yon? Hindi." Umiling ako "Lumayas sa amin, sumama sa babae niya." payak kong sabi.


"Aba, hindi na talaga tumino ang Papa mo."


"Talaga! " Umirap ako. "Pinipigilan pa nga ni Mama e, dahil pa'no raw kami kung wala si Papa" I sighed.


"Nako, para namang may naitutulong ang Papa mo. E palamunin lang din naman sa bahay. Puro inom at sigarilyo lang ang inaatupag." Humalukipkip si Aloha.


"Kaya nga e. Mahal na mahal niya kasi si Papa, kaya kahit niloloko... ayos pa rin sa kanya. Tssk, hindi naman siya mabubusog sa pag- ibig e." Tumango si Aloha sa sinabi ko.


"Tara na nga. Magbihis ka na." Ngumiti sa akin si Aloha. Tumango naman ako at tumayo na para umuwi sa bahay at mag bihis sa amin.


Papatunayan ko kay Mama na kahit wala na ang walang kwenta kong tatay, kaya pa rin naming mabuhay.

His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon