4: Cold

6.1K 176 1
                                    

"Bye, Ma!" Kumaway ako kay Mama bago sumakay ng tricycle na magiging service ko papuntang Forbes.


Napag usapan na namin ito ni Mama kagabi. Medyo nagtalo pa kami dahil ayaw ni Mama na mahiwalay ako sa kan'ya pero okay naman na. Tinawagan ko na si Aloha at sinabing doon na ako titira sa mansion ng mga Frenielle. Wala kasi siya doon sa bahay niya at nandoon sa apartment niyang malapit sa bar na pinagta-trabahuhan niya. Tuwing day off lang kasi siya umuuwi sa barangay namin.


Tinulungan ako ng guard na buhatin ang mga bag ko, dalawa lang naman iyon.


"You're here, Tharia!" Bati sa akin ni Mrs. Amina. Halatang hinihintay ako.


"Opo, good morning po." Tinanguan ko siya.


"Iyong uniform mo ay nasa kwarto mo na. Kung kaya mo, pwede ka nang mag start." Ngumiti siya.


Tinanguan lang ulit ako.


May lumabas na isang matandang babae na sa palagay ko'y nasa 50s. Iyon siguro si Yaya Delya.


"Ah! This is Yaya Delya, Yaya Delya si Tharia po, bago lang." Pagpapakilala ni Mrs. Amina sa akin.


"Tatagal ba iyan, Amina?" Tanong ni Yaya Delya na ikinatawa nila. Mukhang hindi siya yaya rito, para siyang parte ng pamilya dahil sa paraan nang pakikipag-usap niya. Mukhang close na close sila.


"Good morning po, Nay Del." bati ko.


"Nako, Tharia, kapag tumagal ka ng isang buwan dito, ibibigay ko sa 'yo ang pang isang buwan na sweldo ko!" tumawa si Yaya Delya at tinapik ako.


"Kayang-kaya po iyan," kinindatan ko si Yaya Delya at nakipagtawanan sa kanila.


Sinamahan ako ni Yaya Del sa kwarto. Magkasama pala kami ro'n. Nakita ko na rin ang unipormeng kaparehas ng kay Nanay Delya. Pwede naman daw huwag ko na lang itong suotin kung gusto ko.


"Sana tumagal ka, Tharia, ha? Gusto ko namang may makasundo na si Trevor dahil baka umalis na rin ako dito." malungkot na sabi niya.


Kumunot ang noo ko. "Mukha pa naman po kayong malakas, Yaya Del, ah?"


Umiling lang siya at tumawa.


"Ang ganda mo 'nak, parang hindi ka yaya. Mapagkakamalan ka pang kamag-anak ni Amina sa itsura mong 'yan." Puri niya.


Napakamot naman ako ng ulo sa puri niya. "Nako, hindi naman po siguro,"


"Bakit ba pangangatulong ang pinasok mo? Maraming pwede riyan na trabaho na babagay sa iyo?" Kuryosong tanong ni Yaya Del.


"Malaki ho kasi ang sahod e. Saka kailangan ko na ho ng pera. Ito na po siguro ang pinakamadali kaso... mukhang hindi rin." Naisip ko bigla ang mga sinabi ni Ma'am Amina at Yaya Del na walang tumatagal nang isang buwan dito. Kaya rin siguro malaki ang sweldo ay dahil nga talagang gusto nilang may tumagal sa kanila. Tatagal naman siguro ako 'no? Hindi ko pa rin nakikita iyong Trevor na iyon. Palagi siguro siyang wala sa bahay.


"Halika, iiikot kita sa bahay." Aya ni Yaya Delya sa akin.


Halos bente minutos din kaming nag iikot at masasabi kong sobrang laki nga talaga ng bahay nila. Hindi na 'ko magugulat kung maligaw man ako dahil hindi ko pa rin ganoong saulo ang mga pasikot sikot dito.


"Ria, Tulungan mo 'ko rito sa kusina!" Tawag ni Yaya Delya sa akin. Pumasok na ako sa loob at naghugas ng kamay. Kakagaling ko lang kasi sa garden at naglinis doon.


"Maghahanda na tayo ng hapunan. Hugasan mo 'yung mga gulay." Utos niya. Tumango naman ako at agad na sumunod.


"Ahm.. hindi naman po siguro sila maselan sa ulam 'no?" Tanong ko.


"Naku, hindi. Lahat sila ay kumakain naman ng gulay. Lalo na si Amina at Trevor, paborito nila iyon!"


Ngumiti na lang ako at pinagpatuloy ang paghuhugas sa mga gulay.


"Maghain ka na roon. Ako na rito tutal maluluto naman na ang mga ito." Sambit ni Yaya Delya.


Pumunta na ako sa lamesa at naghain para sa dalawa. Si Ma'am Amina lang naman daw ang kakain saka ang anak nito. Dumating daw 'yon kanina. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Ano kaya ang mangyayari kapag nakita ako ni Trevor? Magagalit kaya siya dahil may ibang tao na naman?


"Oh, tapos na pala kayo?" Tanong ni Ma'am Amina.


Sumulyap ako sa kan'ya. "Opo, kain na po kayo," aya ko.


Hinila na ni Ma'am Amina ang upuan at umupo na.


Nilapag na rin ni Yaya Delya ang mga putahe.


"Si TJ, nasaan?" Tanong ni Yaya Delya.


"Bababa na iyon, nagbibihis lang." Sagot naman ni Ma'am Amina at sumubo ulit ng kanin.


Nasa isang minuto na siguro ang lumipas nang may marinig akong yapak ng paa na pababa sa hagdanan. Tumingin ako roon at nakitang iyon ang lalaki sa frame at ang Trevor na sinasabi ni Ma'am Amina. Mas gwapo siya at matangkad sa personal. Nakasuot siya ng polo shirt na blue na bukas ang dalawang butones at may bag na parang lalagyanan ng laptop. Seryosong- seryoso ang ekspresyon niya at diretso lang ang tingin. Nakatikom din ang bibig niya na tila napaka ilegal kung ibubuka niya ito. Nakakaintimidate ang aura niya.


"Eat first before you go, Trevor." Utos ni Ma'am Amina.


Walang sinagot 'yung Trevor sa kanyang ina at umupo lang sa tapat nito.


Bahagya akong nataranta at kinakabahan sa galaw niya. Kumuha siya ng kanin at nagsandok na rin ng ulam. Napansin kong wala pa pa lang tubig ang baso niya at 'yung kay Ma'am Amina lang ang nalagyan ko kaya lumapit ako at kinuha ang glass na pitsel saka itinapat sa baso niya.


Akmang isasalin ko na ang tubig nang bigla niyang inilayo ang baso. Muntik na tuloy tumapon 'yong tubig!


"I can do it myself." Malamig niyang sambit. Malaki ang boses niya at matigas mag ingles. Napalunok tuloy ako at ibinaba ang pistel saka lumayo. Medyo nahiya dahil sa nangyari. Kaya naman pala walang tatagal ay ganyan ang ugali niya. Kahit wala pa naman siyang ginagawang matindi ay natatakot na ako. Pero hindi ako aalis dito. Iyon ang nasisiguro ko.


Ang pagpipilian ko lang ay aalis ako at magugutom kami ni Mama o magtitiis ako at makikisama sa lalaki na 'to.

His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon