14: Girl

5.3K 154 3
                                    

No'ng nakarating na kami sa court ay natatanaw ko mula sa sasakyan na naglalaro sila Sir Trevor. Lima nga sila. Nakajersey ang iba at ang iba naman ay sando ang suot.


Bumaba na 'ko at dinala ang bag. Si kuya Ogi na ang nagdala ng cooler dahil mabigat iyon.


"Ilalagay ko na lang dito 'to, Tharia, ha?" Tanong ni kuya Ogi at binaba ang cooler sa bench.


"Sige lang kuya.."


"Mauna na rin ako, susunduin ko pa si Sir Garcio e," napakamot siya ng ulo.


Bahagyang nanlaki ang mata ko. "Uuwi si Sir Garcio?" Tanong ko.


"Oo. Sige, mauna na 'ko, Tharia," paalam niya at umalis na.


Uuwi pala ang asawa ni Ma'am. Ngayon ko lang 'yon makikita, sa frame ko pa lang siya nakikita e. Masasabi kong nakakatakot nga ang aura niya, siguro doon nagmana si Sir Trevor na may intimidating aura rin.


Umupo na 'ko sa bench katabi ang cooler. Nakikita kong napapatingin ang kasamahan ni Sir Trevor sa akin at may pagkamangha sa mga mata. Bakit? Mukha ba 'kong tindera?


Tumingin naman ako kay Sir Trevor na nagdidribble ng bola at nakatingin din sa akin. Madilim ang tingin niya sa akin na parang may ginawa akong masama. Ayan na naman siya!


Tumalon at hinagis noong naka nike na sandong black ang bola at nashoot ito. Gusto kong pumalakpak dahil magaling siya, nasa three point line siya at saktong sakto sa ring ang bola pero kakampi ata siya si Sir Trevor kaya't huwag na lang. Mas gusto ko pang suportahan at icheer ang kalaban niya kaysa siya at ang kakampi niya ang suportahan ko.


"Break muna," sabi ng naka jersey na blue at may number 5.


Isa isa silang lumapit sa bench na kalinya ko. Dahil masyado akong tigtig kay Sir Trevor ay nakalimutan ko nang ilabas 'yung towel. Ang gwapo niya ngayon, ah? Mas attractive pa ata siya kapag naglalaro at pinapawisan. Nalalaglag din ang buhok niya sa noo dahil basa ito kaya hinahawi niya patalikod. Ah... ang gwapo.


Pinilig ko ang ulo. Ano ba 'tong iniisip ko? Well, totoo naman na ang gwapo niya, pero arogante siya at walang pakielam sa paligid niya kaya't minus 100 siya sa akin.


"Towel." Sersoyong sabi niya. Nakahawak sa beywang niya ang isang kamay at ang isa naman ay inilahad niya sa akin.


Bahagya akong nataranta at kinuha na ang towel sa bag at binigay sa kan'ya. Lumapit na rin sa akin ang iba pa niyang kasama. Nagtaka ako kung bakit, naalala ko na nasa tabi ko nga pala ang cooler. Malamang, kukuha sila mg maiinom.


Tumayo na 'ko at binuksan ang cooler at kumuha ng gatorade. Una kong binigyan si Sir Trevor at sunod naman iyong naka red na jersey. Sunod kong binigyan yung naka black na jersey at yung naka black na sandong nike, ito yung nagshoot kanina. Huling kong binigyan iyong naka jersey na blue.


Binuksan nila ang mga drinks na binigay ko sa kanila at uminom doon.


"May girlfriend ka pala.." sabi nung naka jersey na black saka napailing-iling.


"Yeah, hindi ka man lang nagsasabi." Sabi naman nung naka red at tumawa.


"Shut up, Eros." Bahagyang sinuntok ni Sir Trevor iyong naka red. So, his name is Eros? Ang ganda ng name! Gwapo rin siya at may dimple. Magkasing tangkad din sila ni Sir Trevor.


"My name is Chad," nagulat ako nang maglahad ng kamay sa akin yung naka nike at nakashoot ng bola kanina.


Awkward akong ngumiti sa kan'ya. Nagdadalawang isip pa ngunit sa huli, tinanggap din ang kamay niya.


"Tharia..." sabi ko habang nagshe-shake hands kami.


"I'm Rich, kapatid ko pala si Chad." Pagpapakilala naman nung naka black na jersey. Kaya pala medyo hawig sila.


"Ako naman si Nicholas," sabi nung naka blue at nginitian ako. Ngumiti naman ako pabalik. Mukhang siya ang pinaka friendly sa kanila. Siya ang may pinakamaamong mukha e.


"Ang ganda ng girlfried mo, You jackass!" Sabi sa kan'ya ni Eros at tumawa ulit. Mukhang siya naman ang pinakamasayahin sa kanila. Kanina pa siya tumatawa e.


"Todo deny ka pang hayop ka!" Sabi naman ni Rich at binatukan si Sir Trevor.


Buti nababatukan niya 'yan? Sa bahay kasi, parang idikit mo lang ang isang daliri mo sa kan'ya, magagalit na siya sa'yo.


Nakikitawa lang sa kanila si Nicholas. Ang tahimik niya naman. Natingin ako kay Chad at nakitang nakatitig lang siya sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kan'ya.


Sa kanilang lima, mukhang si Eros at Rich ang kwela at magaan pakisamahan, si Nicholas naman ay tahimik lang at si Chad... ewan ko. Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang sa akin. Ang awkward tuloy. Medyo hindi ako komportable dahil sa tingin niya.


"Dumbass. Kaya pala ayaw mo sa reto pag nasa bar tayo, ha!" Guyo sa kan'ya ni Eros at ginagatungan naman ni Rich. Natatawa na lang din tuloy ako.


"She's not my girl, maid lang namin siya." Malamig na sabi ni Sir Trevor na ikinaputol ng tawanan ni Eros.


Kahit ako'y napatigil sa sinabi niya. Bahagyang nanlaki ang mata ko. Naramdaman ko rin ang pagsikip ng dibdib ko. Bakit parang kahit totoo naman ay nasasaktan ako? Siguro dahil hindi maganda ang pagkakasabi niya. Ang tono at itsura niya noong sinabi iyon.


"Oh, don't fuck around, TJ. Hindi gan'yan ang itsura ng yaya lang." Sabi ni Rich.


"Denideny lang n'yan," sabi naman ni Nicholas.


"He's kidding, right, Tharia?" Tanong ni Eros saka bumaling sa akin.


Binaba ni Sir Trevor ang gatorade niya matapos uminom doon. "Tsk, go and ask her." Nakangiting sambit niya. He's mocking me. Nakatingin din siya sa akin na parang hinihintay akong sumagot.


"Uh... oo, t-tama siya." Napayuko ako at napalunok.


"I told you..." sambit ni Sir Trevor at tinapik ang balikat ni Eros. Bumalik na siya sa court. Maglalaro na.


May narinig akong tikhim. "Well, hindi halata. Masyado kang maganda." Sa wakas ay nagsalita na rin si Chad.


Bahagya pa ring nakayuko ang ulo ko dahil sa kahihiyan.


"Laro na raw," aya ni Nicholas.


"Yeah, sunod kami." Sabi ni Rich.


Nauna nang bumalik sa court sila Nicholas at Chad. Naiwan dito si Eros at Rich.


Nag angat ako ng tingin sa dalawa. "Pumunta na kayo roon, magsisimula na kayo." Sambit ko at ngumiti sa kanila. Nakatayo pa rin kasi sila sa harap ko. Kita ko ang pag aalala sa mata nila Eros at Chad.


"Don't worry, hindi sila magsisimula, wala silang kalaban e," Rich chuckled.


So sila pala ni Eros ang magkakampi? 2 vs 3?


Ngumiti si Eros sa akin bago tinapik ang balikat ko.


"Sorry, TJ is too mean." Sabi niya bago tumalikod.


Tinapik din ni Rich ang balikat ko at bumalik na rin court.


Alam ko naman iyon. Hindi kayo ang dapat manghingi ng pasensiya sa akin.


Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko. Kahit totoo naman na yaya lang ako, nasaktan pa rin ako sa sinabi niya. Para kasing... minaliit niya 'ko.

His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon