Fourteen: The Rain Experience

13 3 0
                                    

Ceska's POV

"Happy birthday ulit Junobility." panghuling bati ni Trix kay Juno. Eto talaga, kung ano-ano tawag sa amin. Pauwi na kami ngayon kasi past 1 am na din. Nauna lang umalis si Trix kase nandyan na yung sundo nila.

"Pare, Ceska, aalis na din kami ni 'Bal ah?"

Yung totoo? Asan na ba si Kuyang driver namin? Ang tagal ah. Inuugatan na kami sa may gate ni Quiro. Lakad ako ng lakad kasi naiinip na ako. Gusto ko ng matulog hello! Pati sapatos ko hinubad ko na.

"Stop that."

Ooops. Eto na naman si Mr. Serious slash stickman. Aheeem. Wala na po syang coat nyan at nakasampay n lang sa balikat nya. Geeee! He is so CUTE. >__<

"Eh naiinip na talaga ako eh!" medyo galit slash pacute kong sabi.

"K. Let's commute."

Woooaaah O_O magco'commute daw kami oh. Gusto ko yan gusto ko yan *__*

Tumayo sya mula sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad.

Ang lamig. Grrrr. Palibhasa mapuno dito sa subdivision. Poootek. Ang sakit na ng paa ko sa semento.

Ba't ba ang laki ng hakbang nitong lalaking to. Napapagiwanan tuloy ako.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nakayuko at hawak ang braso ko. Nilalamig na talaga ako :(

*booooog*

Aray, ba't ba may pos...

"Quiro? Sorry."

"Here take this."

Kyaaaaaah >_< OMO. Kinikilig ako. Ang sweet nya talaga. Nilagay kasi nya yung coat nya sa balikat ko, tas pinasuot nya pa yung sapatos nya sakin (kahit medyo malaki) tapos binitbit pa nya ang sapatos ko. Geeeee. Sobrang caring nya talaga XD

"Salamat." sabi ko.

Maya-maya, biglang kumulog ng malakas, kasunod nito ay ang malakas na ulan.

O___O sa sobrang gulat ko, napasalampak ako ng upo at tinakpan ang aking tenga.

*flashback*

"Ma, wag mo akong iiwan! Ma, dito ka na lang! Ma!"

Kasabay ng pangyayaring iyon ay pagbuhos ng malakas ng ulan.

Yung Nanay ko. Iniwan ako. Yung Nanay ko :'( wala na sya samin. Bakit nya kami iniwan :'(

"Okay ka lang? Hey. Stand up, nababasa na tayo."

Wala akong pakialam sa sinasabi ni Quiro. Ayokong marinig ang ulan. Ayaw kong maalala ang nangyari. Ayaw ko ng maiwan.

Tinakapan ko lang ang tenga ko at nananatili sa ganoong pwesto. Wala akong pakialam kung nababasa ako. Basta ayoko ng ulan.

Ngunit, nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Binuhat ako ni Quiro na parang bagong kasal. Ang lakas nya kahit payat sya. Alam ko naman na sexy ako, pero sa payat nyang to? Parang ang imposible lang na makaya nya ako.

Tinitigan ko ang mukha nya na maamo. Ang cute nya tingnan kapag  nababasa. Mukha syang supermodel na nagpo-photo shoot. At habang naglalakad kami, parang nag set sa slow motion ang paligid. Niyakap ko na lang ang braso ko sa batok nya.

Buhat nya ako hanggang sa guard house. Doon kami naghintay ng taxi. Hindi ako makapaniwala, haba ng hair ko >____<

Buti na lang at tumila na ang ulan. Nakauwi na din kami ng hindi nalalaman kung anong nangyari kay Manong driver :-\

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon