Eleven: Confession

29 4 0
                                    

Ceska

"Quiro, wait, Quiro!" hinabol ko sya na ngayon ay paalis na mula sa lugar na iyon. Sumunod naman sa akin ang kambal pati na si Trix at Juno.

"Hey, Quiro. Hintay naman. Sorry!" sabi ko sabay hila sa kamay nya.

"Bakit ka nag-so-sorry?" sabi nya. Oo nga? Ba't nga ba ako nagso-sorry sa kanya? Hindi naman sya yung sinabunutan ko ah? HAHAH. Para akong ewan.

Wala lang. I just feel like being sorry kase nakita nya akong ganun. Alam ko in-expect na nya na nagbago na ako.

"Uhh, w-w-wala lang. Kasi ang bad ko ata?" nag-aalinlangan kong sagot sa kanya.

"Huh?" nagtataka nyang tanong sabay alis.

Nasampal ko ang sarili kong noo sa ginawa ko. Ano ba Ceska? Nasisiraan na ata ako eh.

"Ano ka ba girl? Kung anu-ano sini-say mo kay Quiro." sabi ni Juno ng makalapit sya. Narinig pala nya usapan namin.

"Oo nga. Para kang baliw. Hihingi-hingi ka pa ng sorry. Praning ka na ata eh." sabi naman ni Trix.

"Masyado ka ng halata bakla!" si Juno.

"Anong mahahalata?" nagulat kami ng biglang magsalita sa likod si Angelo.

Sheeeems! Kasama nga pala namin ang kambal. For sure, di kami tatantanan nyan sa katatanong.

"Ahhh, ehh," wala akong maisip na dahilan.

"Ihh, ooohhh uhhh?" pabirong dugtong ni Gelo.

"Come on, spill it. May gusto ka kay Quiro kaya ganun na lamang kung mag-alala ka sa reaction nya sa pagiging amazona mo." mahabang litanya ni Angelo.

Shooocckkss! How come na-conclude nya yon? Mind reader ba sya?

"Oyy hindi ah! Wala kaya." syempre tatanggi ako.

"Osige mamatay sinungaling." pabirong sabi ni Gelo na pilit hinuhuli ang mata ko.

"Sige na Ceska, magkakaibigan na tayo dito kaya dapat sinasabi mo na samin yang mga ganyang bagay." si Angelo ulit. Yung totoo? Galing ba talagang Korea itong kambal na ito? O baka kapamilya nila si Francisco Balagtas?

"Okay fine, gusto ko si Quiro, but, ayaw nya sakin because we're totally opposite. Hindi ko ma-reach ang standards nya." sabi ko na nakatingin sa lupa. Walang imik ang dalawa kong kaibigan.

"Ooooh. Mukhang problema nga yan." si Gelo.

Saglit na tumahimik ang paligid na parang may anghel na dumaan at may dalang tuba :-D Tila nag-iisip ang kambal.

"Sige, washroom lang kami." Paalam ko sa kambal. Pumunta nga kami doon upang makapag-ayos na din ako dahil nasira ang beauty ko dahil sa tukong Jessa na yun.

Quiro

Nakakapagtaka lang. Bakit kaya humihingi ng sorry si Ceska kanina sakin eh wala naman akong kasalanan sa kanya? Di kaya naalog utak nun dahil dun sa kaaway nya? Tsk! Napaka-war freak talaga nya. Kahit sino nilalabanan. I'm sure may ginawa na naman sya para awayin sya nung babaeng taga ibang section na yun. Wala na talagang pag-asang magbago yan.

Wala ng klase hanggang sa mag-uwian na. Katulad ng mga nakaraan, sa tabi ako ni Kuya Rudy umupo at sa likod naman si Ceska. Nagce-cellphone lang sya the whole time. Teka, sugat ba yung nasa may labi nya? Baka naman lipstick lang.

Nung dinner na, sabay sabay ulit kami kumain nina Tito at Ceska. Medyo nasanay na din ako sa ganitong buhay. Naisip ko nga eh, ba't parang ang bilis ng swerte at pag-angat ng buhay ko? Wag naman sanang mabilis ding mawawala.

"So Quiro, I'm expecting na sasamahan mo si Ceska sa birthday ni Juno. Ikaw lang ang maaasahan kong magbanta sa kanya." sabi ni Tito Zach.

Akala ko ba tutor lang ako dito? Bakit pati pag-bi-baby sit trabaho ko na din? Isa pa, wala akong hilig pumunta sa mga party. Pero as obvious as it is, wala akong magagawa para tumanggi pa.

"Yes Tito."

"Good."

Napansin ko ang malapad na ngiti ni Ceska. Tsss.

"Umm, by the way Quiro, isa ka pala sa 16 petals ni Juno. So she's execting na naka-formal suit ka." sabi ni Ceska. Magkatabi nga pala kami sa dining table.

+++

"Sissy, don't forget tomorrow ah? 6pm sharp dapat nasa bahay na kayo. Bye!" nagbeso-beso sila tatlo bago sumakay ng sasakyan ni Ceska. Bakit ba ang arte nila magpaalam sa isa't isa?

"Let' s go Kuya." sabi nya pagpasok ng kotse.

Ano kayang isusuot ko bukas? Siguro maglo-long sleeve na lang ako. Atleast formal yun.

"Surprise!" napatigil si Ceska sa harap ko kaya naman nabunggo ko sya pagpasok namin ng bahay. Buti na lang at naalalayan ko sya sa bewang kay hindi sya natumba. Ang bango pala nya. Amoy prutas. Saglit na nagtama ang paningin namin at may kung anong rumehistro sa mga mata nya.

"Eheem. PDA oh." teka sino na ba sila?

"Gelo? Angelo? Anong ginagawa nyo dito?" nagtatakang tanong ni Ceska matapos makatayo.

"Uhh, wala lang. Naisip lang namin na ipaghanda ng damit si Quiro para bukas." -- Gelo.

"Tsaka, diba weekend naman bukas, so naisipan namin na dito mag-sleep over." -- Angelo.

"Thats right. At hindi na kayo pwede tumanggi kasi nagpaalam na kami kay Tito Zach." -- Gelo.

"Yes, at ready na din ang mga gamit namin sa kwarto ni Pareng Quiro."-- Angelo.

Napatigil ako sa pag-akyat sa hagdan.

"Sa kwarto ko?" nilingon ko sila.

"Yup. Masaya yun diba?" may malapad na ngiting sabi ni Gelo.

Tss. Ayoko pa naman ng may kasama sa kwarto. Pero bahala sila kung saan sila sisiksik dalawa.

"Bahala nga kayong dalawa." natatawang sabi ni Ceska. Umakyat na din sya sa hagdan.

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon