The Girl's Job

5 1 0
                                    


Chapter 27
"Girl, alam mo ba kung nasaan yung kambal?" tanong ko kay Juno na abala pa rin sa pakikipag-huntahan kay Trix habang kinakain yung 'Nachos' ko.

"Aba malay ko sa mga yun. Wag mo nga banggitin sakin ang yang kambal na yan, nag-iinit bungo ko." Irita niyang sabi.

Pabiro kong hinawakan yung ulo niya. "Ouch" sabay tumawa ako. Nakita ko namang umikot ang mata niya.

"Bakit? Warla na naman kayo ni Gelo?" Narinig kong sabi ni Trix. Ako na ang sumagot niyon.
"Nako, sinabi mo pa! They're like aso't pusa kaya always. Parang laging world war, 'day" natatawa kong sabi.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng biglang nagring ang phone ko. Unregistered number ang nasa screen.

"Hello?"

"Hello, this is Ceska right? The richest, you know, freshman at Malaya University?"

"Uhh, yeah?" Naintimidate naman ako dun. Bakit kaya?

"Good. Just wanna inform you, that 3 of your boy friends are here at the bar. And two of them, are really out of their minds." Sabi nito. Englisera ang lola mo! Diko magets, ateng! Haha. Anyway, out of their minds daw? 3 boyfriends? Ang landi ko naman masyado. Nilayo ko yung phone sa bibig ko at bumulong kay Juno.

"Pst. Ano ibig sabihin ng 3 of your boy friends?"

"Uhhh, tatlong kaibigang lalaki, siguro? Kasi, wala ka naman atang tatlong nobyo, diba?" Sabi niya. Oo nga naman. Bumalik ako sa kausap ko sa phone. Sino kaya itong babaeng ito?

"Ahh. Anong ibig sabihin ng 'out of their minds'? Sabi ko. Siguro kung nakikita ko itong babaeng ito, nakita ko na ang umiikot niyang mata.

" I mean like, their so dizzy na kaya." Sabi niya sa kabilang linya. Umm. Okay. Dizzy. Lasing? Wait, what? Lasing? 3? Kasama si Quiro?! No way!

"Sino ka nga pala?"

"It's not important. Just be here, before they die." Sabay pinatay niya ang linya. Oh! My! God! Now I know kung bakit hindi siya nagtitext!

"Bye Trix, kausapin ka namin later, may gagawin lang kami. Mwuah. Lave yah dear" at agad kong pinatay ang laptop.

"Oh, bakit? Anong meron?" Takang tanong ni Juno.

"We have a mission"

+++

Sumalubong sa amin ang malakas na tugtugan at sumasayaw na ilaw. Kasabay niyon ang mga taong waring walang pakialam sa paligid at ini-enjoy lang ang saliw ng tugtugin. Hindi na bago sa akin ang amoy ng alak at sigarilyo. Minsan kasi, pumaparty din ako. Anyway, we are not here to party naman. Nandito kami, para pigilan ang 'pagkamatay' ng mga tukmol na yun. Naipaliwanag ko na din kay Juno lahat.

"Girl, asan na daw?!" Halos pasigaw ng sabi ni Juno dahil di kami magkarinigan dito sa loob.

"Hindi ko alam! Wait, tatawagan ko." Kinuha ko yung cellphone ko at sinimulang i-dial ang number ni Quiro. Makalipas ang ilang ring ay hindi pa din niya sinasagot kaya iritable ko itong ibinaba. Uggggh. I'm getting pissed. Isama mo pa 'tong mga malalanding lalaking ito na pilit kami isinasayaw.

"Hi Babe, wanna go out with me tonight?" Uggggh. Nag-roll eyes na lang ako at nagdial ng number. Subukan kong tawagan yung babaeng tumawag sakin kanina.

"Yes?" Malakas ang boses niya dahil na rin siguro sa malakas ng tugtog ng bar. I'm sure, nandito din siya sa loob. Maya-maya pa, nahagip ng mata ko ang isang babaeng nasa counter, naka-black-leather jacket na may hawak na cellphone. Wait, kilala ko ito ah. School mate ko siya. At siya yung, yung aksidenteng nahalikan ni, Angelo sa cafeteria. Right, siya nga yun. What's her name again? Yeah, Jahzel.

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon