Twenty Three: Seductive in His Ways

17 1 0
                                        

Quiro's POV

"We're going out of town?! Oh my God. That is so exciting!" eksaheradang sabi ni Ceska sa dining table. Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner at kakauwi lang namin galing school ng isambulat ni Tito ang isang malaking balita.

"Yes anak. Pupunta tayo sa Lola mo sa Mindoro." sabi pa ni Tito. Mindoro? Diko alam yun.

"Lola? May Lola pa ako?" nagtatakang tanong ni Ceska. Yung totoo, walang alam sa pamilya?

"Yes. Buhay pa ang nanay ko Ceska. Sorry at ngayon ko lang sinabi sayo anak." sabi ni Tito.

"Ano ka ba Dad, maliit na bagay. So kelan tayo aalis?" excited na sabi ni Ceska.

"Since friday na bukas, diba hanggang 1 pm lang kayo? After your class we will go na. We will be there until Monday since holiday." sagot ni Tito sa anak.

"I'm so exciteeeeed! I so love you Dad. But, how's your work? Tsaka bakit parang biglaan?" tanong ulit nya. Nakikinig lang ako habang kumakain. Napapadami na kain ko ah. Yung vitamins kasi na binigay nung kambal, nakaka-takaw kumain.

"Well, nagleave ako for 3 days. Si Mark na muna ang bahala sa kumpanya. Ayun, nag-inarte ang Lola mo, gusto daw tayong makita at baka daw mawala na sya sa mundo." wika ni Tito.

"Ganun? Dramabelz. Pero okay lang. Excited pa din ako."

+++

I'm wearing my eyeglasses habang nakasandal sa head board ng kama. I'm reading twilight and I can't sleep. Isama daw ba ako sa Mindoro kasama ng mag-ama? Ano namang gagawin ko dun >< Kesyo kelangan daw ng magbabantay kay Ceska. Ano ako, body guard?

"Yes girl, oo kaya... I know right... talaga?!.... Masaya yan." naririnig ko mula sa kwarto ni Ceska ang boses nya. Baka kausap ni Trixie. Pader lang kasi ang pagitan ng parehong ulunan ng kama namin eh. At sa lakas ng boses nya, malamang sa malamang na narinig ko nga sya.

Kinuha ko yung earphone at nakinig ng music habang nagbabasa.

Wrong move -__- lalong wala akong maintindihan sa binabasa ko. I'm not a music learner talaga. Tinanggal ko ulit ito.

"Ayyyy! God, girl I'm so proud of you. Buti namam kung ganun... Di nga? Grabe, naunahan mo pa akong bakla ka..." kinikilig nyang sabi na may kasama pang hampas sa pader.

Grabe, hindi ba sya pwedeng makipag-usap ng tahimik? Bakit ba kasi magkatabi ang kwarto namin? Wait, papatahimikin ko lang sya.

Ceska's POV

Ang saya-saya. Nag-go-group call kami ngayong tatlo nina Juno at Trix at nagki-kwento sila tungkol sa mga buhay pag-ibig nila. Akalain nyong, may namamagitan na pala kay Juno at Gelo. Ang GeNo loveteam. Haha!

tok tok tok

"Pasok." sabi ko.

Iniluwa ng pinto si Quiro na nakashorts, white fitted shirt, nakasalamin at tsinelas na pambahay.

He is so d*mn hot *_* and I'm drooling. OMG! Anong ginagawa nya sa... sa... kwarto... oo... kwarto ko? Kaming dalawa, malamig, madilim... Wait, what is his plan? Is he going to... Oh. My. God.

"Ceska? Oy, bakit para kang nakakita ng mul..." hindi ko na tinuloy ang sinasabi ni Trix at isinara ang laptop. Who's here right now is more important XD.

"Ahh, anong... ginagawa mo dito Quiro?" sabi ko na may hindi maintindihang nararamdaman. Kaba, excitement, happiness? Halo-halo. And my heart is beating so fast.

I can barely see his face dahil medyo madilim sa kwarto. The next thing he did, ay dahan dahan nyang isinara ang pinto at sumandal sya dito. Anong bang ginagawa nya? Bakit parang seductive ang dating nito sakin? Is he really seducing me?

Totally OppositeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon