Twenty Six: Panahon na Siguro Para Umamin.

10 2 0
                                    

Quiro's POV

Gusto ko sanang tulungan si Ceska sa pagdidilig ng halaman pero may inuutos din sa akin si Lola. Ngayon ay nagta-try syang magtanim ng daisy at rose sa ibang parte ng bakuran. Kawawa naman, pawisan na. Pero bakit ganun, maganda at mabango pa rin syang tingnan? Hayy, ewan.

Alas nuebe na ng umaga ng matapos kaming lahat sa gawaing bahay. Akala ko pa naman, makakapag-relax kami dito. Yun pala ito lang aabutan namin -_- Pero okay lang, atleast nag-enjoy ako.

Pumasok ako at umupo sa sofa.

"Dali, spongebob na." sabi ni Ceska na dali-daling binuksan ang TV. Tamang tama naman at kasisimula lang nito.

"Lipat mo sa UFC." utos ko sa kanya. Ayaw ko kasi ng spongebob. Ang korni-korni eh.

"UFC mo your face. Nanunuod ako." mataray nyang sabi.

"Ang pangit nyan. Dun na lang dali." pilit na sabi ko.

"Ayaw."

"Naku, kaya nagiging kamukha mo yang si Squidward eh." asar ko sa kanya.

"Baka? Ikaw nga ang kamukha ni Plankton diyan eh." asar din nya pabalik.

"Suss. Para kang si Spongebob, nakakairita." sabi ko na ipinanlisik naman ng mata nito.

"Ah ganun? Nakakairita pala ah." at mabilis pa sa cheetah ay naibato na nya agad ang unan sa akin. Tinamaan naman ako nito sa mukha. Hindi naman masakit pero...

"Aray ko ah. Etong sayo!" binalik ko sa kanya ang unan at... yun! Sapol sa ulo. Saglit na nagulo ang buhok nya at kunot-noong tumingin sa akin. Scaaaary -_-

"Ahhhh!" binato nya yung dalawang unan ng magkasunod pero nadepensahan ko naman ito.

"Batuhan pala ah." binalik ko ulit sa kanya yung unan. Irit sya ng irit at tawa naman ako ng tawa. Nakakatawa kasi yung hitsura nya pag natatamaan ng unan. Inalis pa namin yung vase na nasa center table para walang harang.

Nasa 'kasagsagan' kami ng pagbabatuhan ng biglang pumasok ang isang morena, medyo may kaliitan, singkit at magandang babae na nakasalamin sa mata.

Sakto namang naibato ko ang dalawang unan at parang nag slow-motion ang lahat.

The moment na malapit ng tumama ang unan kay Ceska ay nasangga nya ito kaya naman tumalipon ito sa may pinto kung nasaan ang...

babaeng kapapasok lang. At, plok! Sapol ang babae na naging dahilan para magulo ang salamin nito.

Uh oh. Kasalanan ko yun.

"Sya!/Sya!" sabay naming sabi ni Ceska na nakatingin sa babae at tinuturo ang bawat isa. Nagkatinginan kami bigla.

"Hoy ikaw kaya! Sayo nanggaling yung unan!" tangging kamatayan ni Ceska.

"Anong ako? Kung hindi mo lang inilagan yung unan na para sayo eh di sana hindi sya natamaan." bintang ko pabalik. Yung mukha niya, mukhang inis na inis ^__^

"Aba! Kasalanan ko pa kung bakit inilagan ko yung unan?! Bakit? Ginusto ko bang masaktan?" teka, parang may laman yun ah? Hugot?

"Kahit pa. Kung hindi mo sinangga nung kamay mo, edi sana ikaw yung natamaan at hindi sya." sabay turo ko sa magandang nilalang na nasa may pinto at waring nakikinig sa aming usapan. Saglit na nagtama ang aming mga mata at rumehistro doon ang kanyang kagandahan.

"Ewan ko sayo! Magsama kayo nyang unan. Nakakainis!" at padabog syang umalis papasok sa kwarto.

Ceska's POV

Nakakainis talaga! Sobrang nakakainis. Gustong- gusto kong sumigaw, magwala at manapak sa mga oras ba ito.

BLAAAAG!

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon