Twenty One: Rich Kid

15 2 0
                                    

SORRY guys. Haha. Medyo umiiksi ang UPDATE. Writer's block I think :3 So here it goes.

Quiro's POV

Tumataba na daw ako?! Tsk. Baka naman mamaya bumalik yung dati kong katawan :3 Ayoko pa naman nung ganun. Wala ako sa mood dahil sa iniisip ko pa rin ang sinabi ni Ceska na tumataba na daw ako :3 tsss. -__-

"Wala kang ganang kumain? Akala ko ba nagugutom ka? Aarte ka pa ba dyan?" sabi ni Ceska. Andito kami ngayon sa cafeteria at kumakain. Pero ako, nakatingin lang ako sa labas ng cafeteria (glass wall kasi) at nakapatong ang mga braso sa lamesa. Di ko sya pinansin. Kanina pa ako nagugutom :/ Pero ayaw kong kumain kasi tataba ako.

Maganda 'tong school na napasukan namin ni Ceska. Ang 'Malaya University'. Medyo corny yung name pero pagpasok mo sa loob, ibang-iba. State of the art facilities, corridors, offices, pati itong cafeteria. Talagang mayaman ang may-ari. Mga kilalang tao ang nandito. Models, anak ng business man, elite, anak ng pulitiko, anak ng kilalang tao at marami pang iba. Isa na dun si Ceska Reanzares. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa anak ng may-ari ng Zachary Group of Companies. Kumpanyang gumagawa ng alcohols, beverages, processed foods and even milk, coffee, ketchup, toyo, suka, lahat! Kaya nga kilala ang school na 'to kasi mayayaman at kilala ang pumapasok dito. At ako? Well, ako ang ampon ni Tito Zach. May pinapasok naman sila na scholars, or like, hindi afford yung tuition pero may flying grades. Pero kadalasan sila yung Student Assistant, yung laging binubully, yung nag-iintindi pag may events. Sila yun.

"Ayaw mo? Akin na lang ah." akmang tutusukin na nya ng tinidor yung roasted beef sa plato ng hawakan ko ang kamay nya.

"Akala ko ba ayaw mo? Sayang naman kung hindi mo kakainin." reklamo nya.

"Akin yan." sabi ko saka sinimulang kumain.

"Naku, kakain din pala eh." sinamaan ko sya ng tingin kaya payuko syang tumawa.

"Hi Ceska, can I seat here?" biglang lumapit sa table namin yung classmate namin sa first class na blonde ang buhok, at mukhang taga US. Tsss. Parang wala ng ibang table.

"Hey! Paul, right? Sure, please join us." sabi naman nitong katabi ko. Umupo sya sa harap namin.

"So how was your day here so far?" tanong nito kay Ceska, nakikinig lang ako. Patay kang bata ka. Mauubusan ka ng inipon mong English diyan.

"Good, I'm uhh, enjoying the air, you know, hahaha, the environment, everything!" sabi nya na may pekeng tawa. Naramdamam ko namang medyo siniko nya ako kaya napatingin ako sa kanya.

"What?" sabi ko.

"Tulungan mo ako, sumasakit na bangs ko dito." sabi nya ng hindi natatanggal ang pagkakalapat ng pantay pantay at maputi nyang ngipin.

"Wala ka namang bangs ah?" sabi ko. Wala naman kasi talaga. Nakatali lang kasi yung buhok nyang kulay golden brown na hanggang sa may likod nya at medyo kulot sa dulo. Wala naman akong nakikitang bangs.

"Uhhhh! Ewan sayo! 'Di ka maka'gets ng punch lines at jokes -___-" sabi nya na mukhang naiirita.

"Are you two okay? Are you having a fight?" sabi ni Paul daw. May kasama nga pala kami dito.

"Ahh no no no no. We're just discussing here about our assignment." sabi ni Ceska. Weeeh? Assignment eh puro pagpapakilala kami kanina. Sya pa nga nauna kasi akala ni Prof.nag-volunteer sya.

"Oh I see. Oh wait, excuse me." kinuha nya yung phone nya sa bulsa na parang may tumatawag ata. Lumayo sya samin.

"Nakaka-nose bleed naman tong kalase natin Quiro. Siguro kaya ginawa nilang law ang pagsasalita ng english inside the campus gawa ng mga ganyang estudyante. Kaka'imbyerna ever." reklamo na naman nya at kumain ulit.

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon