Twenty Two: Sino ka ba talaga Celeste?

15 2 0
                                    

Celeste's POV

Remember me guys? Okay lang kung hindi. Hahaha.

Anyways, eto na ako, papasok sa school. Inayos ko yung uniform ko, sinimulan sa paldang above the knee, medyo pinagpag ko ito, tapos yung pantaas na longsleeve na may nakapatong na vest na kulay grey and white. Okay I'm ready.

The door automatically opened when I slided my Id card on a swipe machine. High tech. Naisip ko. Well, ano nga ba namang pag-aari ng mga Manalo ang magpapahuli sa mga ganito? Wala! John Manalo is the name of the owner of this school. He owns different facilities, big and industrialized facilities all over the world. He owns hospitals, school, mall, condominium and even restaurants. Hindi na nga mapigilan ang pagyaman nya eh. Why I know this? Well, hindi nyo pa pala ako kilala.

Celeste Alonzo is the name. 17 years old. Freshman dito sa Malaya University. Siguro natatandaan nyo ako ng magpaka FC kay Quiro dela Fuente sa book store. Let's not talk about it na lang. At my very young age, isa na akong competitive at efficient na private investigator. Sumasama na nga ako sa mga major cases ng NBI eh. Pero nakatago ang pangalan ko.

I started that investigator thingy when I was twelve. That's the time when my parents died.  Siguro yun yung dahilan kung bakit gusto kong maging katulad ng tatay ko, who was once a succesful detective before, para ako mismo ang humanap sa mga pumatay sa kanila.

Fresh pa sa utak ko kung paano sila binaril sa loob mismo ng pamamahay namin. Wala akong reaksyon, sobrang gulat ako at ang tanging nagawa ko na lang ay magtago sa likod ng furniture. Wala man lang akong magawa. Hindi ko man lang sila natulungan. Hindi ko na nagawa pang sumigaw at humingi ng tulong dahil tiyak na papatayin din nila ako. Nung mga oras na iyon napagdesisyunan kong magiging isang detective din ako.

Tinulungan ako ng ninong ko na kaibigan naman ng tatay. Tinuring nya akong anak, pinag-aral, pinalaki at binihisan. Dahil sa mayaman at maraming koneksyon,  nagawa nyang maging posible ang kagustuhan ko. In span of 5 years, while taking high school ay may iba pa akong pinapag- aralan. Kahit self defenses ay natutunan ko at sa ngayon ay nagsisimula na akong imbetigahan ang pumatay sa mga magulang ko.

ting.

Tumunog ang elevator sa 4th floor kaya naman bumaba na ako. First day ko ngayon at 2nd week na ng academic year. Bale late ako ng 1 week. Sinadya ko  talaga iyon para na rin daw sa akin. Sabi ni Tito yan and I really don't know anong connect.

"Transferee? Scholar?" agad na tanong sakin ng isa sa mga spoiled brat kong classmate (halata naman kasi).

"Late enrolee." pagtatama ko sabay nilampasan ko sya.

"How dare you do that..." hahawakan na sana nya yung uniform  ko pero napigilan ko yung kamay nya agad.

"I can do whatever I want Ms.... " tiningnan ko yung Id card nya. "Luna." sabi ko ng may matalim na tingin sa kanya. agad namang binitawan ang uniform ko.

"Ces?" napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Quiro? You're here?" kunwa'y maang-maangan kong sabi. Syempre kailangan kong palabasin na wala akong alam na dito sya nag-aaral.

"Yeah? Dito kami nag-aaral ni Ceska." sabay tinuro nya yung babae na nakikipagkwentuhan sa mga katabi nya. Napalingon naman sya at biglang nagbago ang expression ng mukha nya. Parang biglang nag-init ang ulo nya. Ceska Reanzares, daughter of Zacharias Reanzares. This will be exciting.

"Talaga? Nice. What a coincidence! Anong course mo?" tanong ko.

"Ah, Business Administration major in Accountacy. Parehas kami ni Ceska ng kinuha. Ikaw?" the whole time na sinabi nya yan, nakangiti lang sya at kitang kita ko ang saya sa mata nya. Ang puti ng ngipin. Ang ganda ngumiti. Medyo nagbago ang katawan nya. Mas naging fit, mukhang nag'gy-gym.

"Good. Ako, I really like Criminology sana but, my Dad wants me to take Business in Accountancy din." pagsisinungaling ko. Maybe you'll understand me later.

"Nice. Pareho pala tayo eh. Dun ka na umupo sa tabi ko." offer nya.

So ayun nga, umupo ako sa tabi nya na nasa may aisle. Napapagitnaan namin ni Ms. Reanzares si Quiro. Dumating na yung teacher at pinagpakilala ako. I hate this part ><

+++

Third Person's POV

"Nakita mo ba sya?" tanong nga lalaki na sa edad na 55 ay nananatiling nakabakas ang pagkabata sa kanya.

"Tss. Nang-aasar ka ba ninong? Hindi lang nakita, nakausap at naging kaibigan ko pa sya." sabi naman ng dalaga.

"Very good. Ngayon mas mamamanmanan mo sya at mababantayan. Keep it up." sabi ulit ng lalaki.

"Easy job." sabi ng babae na sinusuot ang kulay itim na uniform.

"San ka pupunta?"

"Sa office. May bagong kasong tatrabahuhin sabi ni boss. Isang malaking tao na nangdedekwat ng pera sa isang malaking kumpanya." mahabang sabi nito.

"Okay. May pasok ka bukas?"

"Yeah."

"Good."

Lingid sa kaalaman ng lahat ay may taong may ibang motibo sa kanila. Sino nga ba itong Celeste na ito. At anong plano nya sa pagpasok sa Malaya University? Anong koneksyon nya kay Quiro? Kay Ceska? At taong tinatawag nyang ninong?

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon