Twenty Five: Morals of a Granny

14 3 0
                                    

Ceska's POV

Sinalubong kami sa may maliit na gate ng isang matandang babae.

"Inay! Kamusta ho?" bati ni Dad at niyakap at hinalikan ang matandang babae who is, obviously, my grandmother.

"Ayos lamang ako anak. Ikaw? Naku, katagal mo ng hindi nabisita dito eh. May ilang taon na din ano?" giliw na giliw na sabi ng matanda. Ang kulit ng accent nya. Parang Batangeñong hindi.

"Kaya nga po eh. Syanga pala, anak ko ho, si Ceska, tutor nya si Quiro. Quiro, Ceska, ang Lola Rosal nyo." pakilala ni Dad.

"Hello po Lola Rosal. Nice to finally meet you." bati ko na may kasamang halik sa pisngi. The the right way naman diba?

"Abaaa. Kaganda naman ng apo ko. Mana sa Lola nya. Heheh. Ang laki mo na, alam mo bang huli kitang nakita siguro ay dalawang taon ka pa lang." sabi nito habanmg sinusuri ang mukha ko. Halata namang maganda sya nung kabataan. Kahit na kinupas na ng panahon ang buhok at balat nya ay malakas pa din sya, ni wala nga siyang tungkod eh.

"Ahh, hello po. Quiro po. Nice to meet you Ma'am." sabi naman ni Quiro at nagmano kay Lola Rosal. Ang galang ah.

"Kamusta ka? Tutor ka nitong si Ceska? Aba'y tinuturuan mo naman ga ng maayos? Heheh biro lang. Kagwapo mo gang bata ka. Nililigawan mo ba tong apo ko? Bagay kayo eh." sabi nito. Medyo may pagka-matabil ang dila nitong si Lola. At sana nga po Lola ay nililigawan nya ako. Hihi ^^,

An awkward silence filled the air. Parang may naririnig pa akong kuliglig sa sobrang tahimik. Sabagay, gabi na din. Walang nagsasalita at waring iniintindi ang sinabi ni Lola. Kahit si Quiro ay napatingin lang sa akin na parang sinasabi na "kailangan ko bang sagutin yun?"

Ewan ko nga ba dito sa lalaking ito. Pwede namang sabihing, hindi po. O kaya, tumawa na lang. Speechless? Silence means yes? Hahaha.

"Inay, nagugutom na kami, may pagkain po ba?" si Daddy ang bumasag sa katahimikan. Baka ngayon lang nakapag-internalize ng sitwasyon.

"Ay oo anak. May tinolang manok sa loob. Halikayo at baka lumamig ang sabaw." pumasok naman kami sa isang pulang bakal na gate na hanggang bewang ko lang. Makikita ang mga batong nakadikit sa lupa na syang nagsisilbing daan. May kulay puti, itim at brown. Kahit madilim ay nakikita ko ng malinaw dahil sa maliwanag na ilaw sa labas ng bahay. Nas maganda ito bukas.

Sa pagitan ng mga bato ay ang bermuda grass na maayos na nagupit upang hindi lumago. Nakakalat ito sa buong hardin na natataniman ng iba't-ibang klase ng bulaklak.

Aww. How I love flowers. Maraming klase ng rose ang nakatanim dito. May american rose, native rose, may mga pink and white roses. Ang gaganda. Malalaki at magaganda ang bukad nila.

Katabi naman nito ang mga orchids na iba-iba din. May violet, light yellow at may puti na hindi ko alam ang mga tawag. Nakadikit ito sa mga patay na sanga ng puno. May ilang may bulaklak at yung iba ay wala. May nakatanim din na daisies, gumamela at marami pang iba na hindi na pamilyar sa akin. Basta maganda ang kabuuan ng garden dahil iba-iba ang kulay.

Malaki ang kabuuan ng garden dahil meron ding taniman ng gulay dito. Ang galing naman. May papaya, okra, talong, sili, kamatis at kung anu-ano pa. Meron pang isang puno ng mangga na nasa tabing-tabi na wala pang bunga. Ang sarap siguro ng may ganitong garden. Siguradong hindi na ako mabobored sa bakasyong ito ^___^

"Apo, halika na." napatingin ako kay Lola at tumango. For the last time ay kumuha ako ng isang shot gamit ang SLR ko. Perfect!

+++

Quiro's POV

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay. Hindi gaanong kalakihan ang ng tulad ng inaasahan ko. Berde at puti ang kulay ng loob at labas ng bahay. Siguro mga 200 square meters lang ito o baka mas malaki pa. May pagka-vintage at modern style ang bahay at mas gumara itong tingnan gawa ng mga sliding windows. May tatlong kwarto ito na nasa medyo nakaangat na part ng bahay. Kumbaga, may three steps na kailangan mong daanan para makapunta ka sa terrace na syang papunta naman sa mga kwarto. Wala itong second floor pero may elevated part para sa kwarto.

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon