Three: Tutor 2.0

53 5 4
                                    

Quiro

Papasok na ulit ako sa school ngayon. Tumingin ako sa salamin. Ba't ba ang payat payat mo Quiro? Kumakain ka naman ah! Inayos ko ang buhok ko na umaabot na sa kilay. Ayaw kong magpagupit.

++++

"Mrs. Burgos, can I excuse Mr. dela Fuente after your class?" sabi ni Principal Marasigan sa pinto. Ako yun ah? Bakit kaya?

"Sure Ma'am" sabi naman ng guro.

Pagkatapos ng klase nya ay pumunta nga ako sa Principal's Office. Kumatok muna ako.

"Come in" sabi nung tao sa loob na si Principal ata.

"Good Morning Ma'am" bati ko.

"Good Morning Mr. dela Fuente. Please have a sit" sabi nya. Umupo naman ako.

"I heard you're running as the class valedictorian this year." sabi nya.

"Uhh yes Ma'am" sagot ko naman.

"Good to hear that. I am just going to ask if you can give me a very little favor" sabi nya.

"Sure Ma'am" sabi ko. Sa laki ba naman ng naitulong sa akin ng school na ito. For almost 4 years of high school ay nabigyan nila ako ng scholarship.

"Alam mo kasi, someone requested me to pick one of the students here, the finest, para maging tutor ng anak nila. I think you fit" sabi nya. Hmm. Tutor daw. Sino kaya?

"Sino po ba?" tanong ko.

"It's Mr. Reanzares, father of Ms. Ceska" sagot nya. Sino daw?! O_o si Ceska? Hindi pwede! Ayoko. Ayoko talaga. Sobrang ayoko!

Pero bakit nga ba ayaw ko? Basta ayaw ko lang, tapos!

Marami pa syang sinabi para kumbinsihin ako. Hindi koo masabi sa kanya na ayaw ko. Pag-isipan ko daw at pinaalis na din ako ni Principal. Wala sa sarili akong bumalik sa room.

Papasok na ako ng lumabas naman si Ceska at ang mga kaibigan nya.

"Hi Q-q-quiro" natigilan nyang sabi

"Alam mo ba ang lahat ng ito?!" mahina pero madiin kong sabi sa kanya. Mukha naman syang nagulat at natakot.

"A-a-alin?" sabi nya na mukhang tensiyonado. Ba't parang hindi sya ang kilala kong Ceska ngayon. Mukha syang tuta na natakot sa strangers. Nasaan ang Ceska na palaban at pala-away?

"Nevermind" nilagpasan ko sya at pumasok ako sa loob.

++++

Ceska

Ba't kaya pinatawag si Quiro ni principal? May violation kaya sya? Imposible yun. Teka baka tatanggalan sya ng scholarship? Patay. Kawawa naman sya. Pero baka hindi naman.

Nung mag bell na para sa break ay lumabas kaming tatlo. Nasalubong ko naman si Quiro sa may pinto na syang ikinagulat ko. Mukha na naman syang galit pero walang emosyon.

"Hi Q-q-quiro" sabi ko na parang tensiyonado. Hindi ko alam peo parang iba ang aura nya ngayon. Mukha syang galit. Para tuloy akong nakakita ng multo.

"Alam mo ba ang lahat ng ito?!" madiin nyang sabi pero mahina lang. Teka, si Quiro ba talaga tong kausap ko? Hindi agad ako nakapagsalita at pati sina Juno at Trix ay natahimik din. Napanganga ako. Ano bang sinasabi nya?

"A-a-alin?" nasabi ko na lang.

"Nevermind" sabi nya at nilagpasan nya ako. Hinabol ko sya ng tingin at pasalampak syang umupo sa upuan nya. Anong problema nun? Diko na lang sya pinansin at tumuloy na lang kami sa cafeteria.

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon