Twenty Seven: Falling In Love? Again?

10 2 0
                                    

This chapter is dedicated to myself and my one and only girl :* (it's our number. Happy 2 :))

Ceska's POV

tok tok tok

Mumukat-mukat ang matang iniangat ko ang ulo ko mula sa kama.

"Sino yan?" tanong ko sa taong nasa labas. Bakit ba ang aga aga nila manggising? Uminat ako at pikit matang hinintay ang sagot nito.

"Ceska, hija. Aba'y bangon na at malilate ka na sa school."

Saglit akong natigilan. Oh my God. Nanlalaking mata kong tiningnan ang orasan sa bed-side table ko. 6:02 am?! At alas siyete ang pasok ko?! Waaaahh!

Agad na bumangon ako at hindi ko na naayos ang kama. Ligo ligo, tooth-brush, lotion, uniform, at oh! Ok, wag na magpatuyo na buhok.

Hindi ko na nagawang suklayin ang buhok ko at lumabas na agad ng kwarto. Sa kotse na lang. Naisip ko. Time check, 6:37 am.

Pagbaba ko sa hagdan ay agad na sumalubong sa akin ang nakakunot noong si Quiro. Hindi ko na lang sya pinansin at agad na pumunta sa kotse. Sa canteen na lang siguro ako mag aalmusal. Hay! Ba't ba kasi hindi nag-alarm ang cellphone ko?

Pumasok na din si Quiro sa kotse. Kasunod niyon ay si Kuya Rudy at tuluyan na nga kaming umalis sa bahay.

Walang umiimik sa aming tatlo. Sabagay, kahapon pa ako ganito sa kanila. Lalo na sa 'kanya' simula ng umuwi kami galing Mindoro. Hindi ko alam kung galit ba ako dahil wala man lang syang reaksyon sa mga sinabi ko, o baka naman nahihiya ako dahil tunay na kahiya-hiya ang ginawa ko o mas tamang sinabi ko sa kanya. Ano kayang nararamdaman nya ngayon? Wala lang kaya sa kanya?

Quiro's POV

Speechless. I'm totally speechless sa mga sinabi ni Ceska sa akin. Mahal? Nagseselos? Imposible.

Pero bakit ganun? Yung mga mata nya ay sapat ng pruweba na nagsasabi siya ng totoo. Mahal ba nya talaga ako? Eh ako? Mahal ko rin ba siya? Ayy ewan! Nakaka-stress!

Simula kahapon nung pauwi na kami sa Manila eh hindi niya ako kinakausap. Gusto ko sana syang kausapin pero nahihiya ako dahil baka hindi lang nya ako pansinin. Gusto ko sanang itanong kung seryoso ba sya sa mga sinabi nya pero baka sabihan na naman nya ako ng 'b*bo' 't*ng*' 'manhid' at kung anu-ano pa.

Sa totoo lang, sobrang naguguluhan ako sa sarili ko. Sobrang confused ako sa nararamdaman ko. Oo, maganda siya, she's courageous, sweet, lovely at may mga times na mabait din naman. Makulit siya at dahil doon ay nagawa nyang basagin ang masungit kong pagkatao.

Opposite attracts 'ika nga. Tulad sa magnet, hindi naman pwedeng parehong north pole ang magdikit dahil maglalayo lang sila. Dapat isang north, isang south para magdikit sila. Ganun din ba sa tao? Mas naattract ka sa taong kabaligtaran ng ugali mo? Ang gulo!

Am I, falling inlove? Again? At the same person? Kasabay niyon ay pinagtugtog ni Kuya Rudy ang radyo

First love....
Never dies...

Saglit akong natigilan at napaisip sa aking sarili.

+++

Matapos ang first two classes sa umaga ay nagkaroon kami ng two hours break time. Tulad ng nakagawian, sa cafeteria ang diretso namin ngayon. Mukhang gutom ang isang 'to kasi hindi siya kumain kaninang umaga. Tanghali na kasi gumising. Nakita ko pa nga syang kumakain ng 'skyfl**es' kanina eh.

Pumila kami sa kuhanan ng pagkain kung saan pwede mong kunin ang lahat ng kaya mong kainin. Kailangan mo lang i-slide ang Id card mo.

Kumuha lang ako ng normal na pagkain para sa snack, unlike si Ceska na nag-rice. Good thing hindi siya tumataba.

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon