Four: First Day of Studies

48 5 5
                                    

Quiro

Tama ba ang naging desisyon ko? Tsk! Wala na akong choice eh. Intindi nyo naman siguro ako. Lunes ng umaga ay pumasok na ulit ako. Ilang linggo na lang at 3rd periodical Exam na.

Sinabihan ako ni Mr. Reanzares na magsimula na bukas ng hapon. After ng klase ay doon na daw ako dumiretso. Ok lang naman sakin yun. Titiisin ko na lang siguro ang mapanglait na ugali ni Ceska. 'Nerd! Geek! Pangit!' nauulinigan ko pa ang boses nya. Nakakairita.

Medyo malaki din ang in-offer nyang sweldo sakin. Di ko na lang babanggitin at baka ipa-holdap nyo pa ako -_- Bagay, walang makakahalata dahil sa itsura ko.

Lakad lakad lakad. Nakapamulsa, at walang pakialam sa mundo. Tuloy tuloy lang ako hanggang locker ko.

*plaak* pagkabukas na pagkabukas ay may nalaglag na naman na isang brown envelope mula sa locker ko. San ba nanggagaling ito? May factory ba ng envelope dito? =_=

Pinulot ko ito at binuksan. 'Twilight Saga: Breaking Dawn' binasa ko yung title.

New book? Wow O_O kunot noo kong tiningnan ito. San na naman kaya to galing? Tsk tsk. Pero salamat pa din. Isa ito sa pinapangarap kong mabasa eh. Napangiti na naman ako at inilagay ulit yon sa bag. Kinuha ko na din ang ilan kong gamit at saka umalis.

Palayo na ako ng may sumigaw mula sa likod ko.

"Ceska! Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh. Ano bang ginagawa mo dito bakla ka?" Teka, isa iyon sa mga kaklase ko ah. Tsaka si Ceska daw? Asan naman sya? Ngayon ko lang nalaman na bading pala sya O_o lumingon ako.

Ceska

Abala ako sa pagsilip kay Quiro dito sa locker room. Grabe, ang hirap palang pagkasyahin ang katawan dito sa pagitan ng mga lockers. Lahat ng mga paraan sa pagiging tahimik na aking natutunan ay ina-pply ko ngayon. Baka kasi makita nya ako. Sana nagustuhan nya yung book :) matagal ko bago nalaman na gusto nya yan.

"Ceska! Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh. Ano bang ginagawa mo dito bakla ka?" O___O craaaaap >.< Juno! Humanda ka akin mamaya! Mapapatay kita bruha ka!

Lumingon ako at nakita kong papalapit sa akin si Trix at Juno. My Gosssh! Lumingon din si Quiro. What to do what to do?! Baka malaman nyang ini-stalk ko sya ><

Ting! at nakaisip si Ceska ng bright idea. Bahala na.

Umalis ako sa kinatatayuan ko hawak ang aking cellphone.

"Ahh. Heheh. Juno, Trix kayo pala. hehe" pilit tawa ko. "Ano kasi eh, ano" napapatingin ako sa direksyon ni Quiro na ngayon ay nag-aayos ng sintas ng sapatos.

"Heheh ano, naghahanap ako ng signal hehehe" itinaas ko yung cellphone ko at kunwari'y naghahanap nga ng signal.

"Signal?! Dito?" sabi naman ni Trix na maarteng hinahawi ang buhok.

Binigyan ko sila ng 'makisama-na-lang-kayo-andiyan-si-Quiro' look sabay ngumuso sa direksyon ni Quiro na paalis na ng locker area.

"Ahhhh, Signal? Oo nga, mukhang wala ding signal yung phone ko eh" itinaas din ni Juno ang phone nya at bahagyang nilakasan ang boses sapat upang marinig ni Quiro. Sana di nya nahalata na ako ang naglagay nung book na dun. Pero kinikilig ako kasi napangiti sya kanina. Once in a blue moon lang yun. Last time ata nung, kelan ba? Ewan -_-"

"Grabe ka girl! Effort kung effort ka ah! Bat di mo na lang kasi aminin sa kanya?! Ng hindi ka nahihirapan sa pagbibigay ng libro na yan!" sabi sakin ni Trix. Papunta na kami ngayon sa room.

"Eh! Basta! Ayaw ko. Nahihiya ako. Tsaka, natatakot ako. Baka di nya ako pansinin. Alam nyo naman yun. Parang galit na galit sa mundo lalo na sa mga bobong katulad nyo"

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon