One: Simpleng Maldita

102 3 8
                                    

Nerd. Pero yung maayos na nerd. Walang malalaking salamin, walang braces, walang buhok na parang nilawayan ng sawa. Hindi rin naka long sleeves, at hindi rin naka-close neck.

Yan si Quiro. Si Quiro na mahilig mag-aral. Subsob sa libro, henyo at adik sa formulas. Akalain nyong may nag-e-exist pa palang tao na ganyan? Oo. Meron talaga. Kailangan mong tanggapin na meron talaga! Dito sa school namin na kung saan nag-aaral ang isang magandang tulad ko. Prinsesa kung turingan, heartthrob kung hangaan.

Ako si Ceska (ches-ka) Ceska Reanzares. Ang maingay, maarte, war-freak (in a nice  way), masayahin, makulit at playgirl na hindi mo gugustuhing makilala. Dahil ako ang sisira sa iyong buhay. Chos! Hahaha.

Pero kung hindi mo talaga ako trip, wag na nga lan.

Matalino sya, bobo ako. Oo na bobo na -_-

Disiplinado sya, magulo ako. May pangarap sya sa buhay, ako? High school lang di ko pa maipasa. Bahay school lang sya, ako, napuntahan ko na ata ang buong Pilipinas. Tahimik sya, para akong nakalunok ng megaphone -_-

Masinop sya sa pera, ubos-ubos biyaya ako. Cute sya, maganda ako. Ooopppss, di po yun kasama :D

Pano nya ako magugustuhan?! Problemang tunay iteeey :(

+++

"Oh ano? Aangal ka pa? Ang simple simple na nga ng pinapagawa ko sayo eh. Maliit na bagay na yun kapalit ng pagbuhos mo ng chocolate drink mo sa uniform ko! Look oh, kulay brown na sya" tinuro ko yung parte ng uniform ko na may mantsa ng chocolate.

"Oo na sige na. Kasi naman eh, hindi naman talaga ako ang may kasalanan nyan eh. Para kanino ba to?!" paliwanag nung babae.

"Aba aba. umaangal ka pa? Mabait na nga ako eh. Bilis na. O eto, ilagay mo ito sa locker nya ng walang nakakakita ok? May number na yan dyan kung saan. Wag mo ng alamin kung kanino!" binigay ko sa kanya ang isang envelope na may lamang libro ni William Shakespeare

"Sige na sige na" umalis na yung babae.

"Thankieeee ^___^" tumalikod na din ako at umalis na kami sa lugar na iyon.

Kasama ko nga pala ang aking mga kaibigang matatalik :D Sina Juno at Trixie. Magkakaibigan na kami nyan since 1st year. At ngayon na 4th year na kami at malapit ng grumaduate, kami pa rin lang ang laging magkakasama -__-

"Ang lakas talaga ng tama mo sa kanya girl"sabi ni Juno habang papunta na kami sa cafeteria

"Oo nga te, ang cheap nya kaya. 16 na taong gulang ka na pang dose lang yung gusto mo!" sabat naman ni Trix habang inaayos ang bangs nya.

Hindi na lang ako umimik. Nilalait na naman nila yung crush ko T___T

"She's so eewwww kaya like...." hindi na naituloy ni Juno ang sasabihin nya. Wala kasi silang maipintas. Hindi kasi sya pangit. Hindi lang talaga cool. Matalino naman sya. Sobra nga lang. Matangkad, sobrang payat nga lang. Porque ba tahimik at laging nag-iisa kasama ang libro nya ayaw na agad nila? Basta ako, crush ko pa rin sya. Hmp!

"Ahh, excuse me, pwede ba dito kami? Pwesto kasi namin 'to" sabi ko sa tatlong babae na nakaupo sa may tabi ng bintana. Simpleng maldita. Yan ang tingin nila sakin ngayon >:)

Ang upuang ito ay pag-aari ng tatlong magaganda at magaganda at magagandang tulad namin :D

Umalis naman sila at umupo kami sa table pagkatapos bumili naman sila ng makakain. Naiwan akong mag-isa dito.

Mula dito ay tanaw na tanaw ko siya habang nagbabasa ng libro nya. Ito ang rason kung bakit ito ang pwesto namin. Dito ko kasi siya natatanaw ng hindi nya napapansin. Araw araw dyan sya nakapwesto. At araw-araw ko rin syang pinagmamasdan mula sa mesang ito.

"Oyy! Baka matunaw yan!" inilapag ni Juno ang dala dala nya sa mesa. Inalis ko ang pangangalumbaba ko.

"Eh nako girl, mabuti na ngang matunaw sya ng matigil na ang kahibangan nyang si Ceska" umupo si Trixie sa tabi ni Juno paharap sa akin.

"Eh ano ba kasing mali kay Quiro ha?!" tanong ko sa kanila.

"Wala naman Sis kaya lang marami namang di hamak na mas cool at mas hot guys dyan kesa sa kanya. Katulad nyang dumarating.." nilingon ko ang tinitingnan ni Trix sa likod ko. Sila Marcus -__- ang MVP ng men's basketball.

"Hi Ceska, want some drinks?" umupo sa tabi ko si Marcus. Kasama ang mga kaibigan nyang daig pa ang mga characters sa Apocalypto sa dami ng earings=_=

"Hey Merceshh" malanding sabi ni Juno at Trix.

"Sorry, pero meron na akong inumin. I wanna stay healthy kaya tubig lang ang iniinom ko" yumuko ako at kunway kumakain.

"Ah, desert? Want some sweets?" pang-aalok pa rin nya.

"No thanks. I'm not fond of eating sweets. Nakakataba" sabi ko ulit.

"Ahh, how about basketball? Gusto mo turuan kita?" pangungulit nito.

"Ikaw ba Marcus, titigilan ako o titigilan ako?! Nananahimik kami dito tapos nandito ka aalukin ako ng basketball?! Aba'y nakakaloko to ah!" hinampas ko yung lamesa sabay tayo ng nakapamewang. Nagulat silang lahat na nasa cafeteria. Ha! Famous ata to.

"Oooohhhhhh!!" Kantiyaw nung mga kaibigan nya.

"Relaxx. Chill lang" nakataas ang kamay na sabi ni Marcus. Umalis na sila ng mga kaibigan nya.

"Bakit ba ayaw ni Miss Ceska kay Marcus eh ang hot hot kaya nya? Bagay na bagay silang dalawa." narinig kong bulungan sa isang side.

"Joke lang yun guys ah? Effective diba? Ang kulit kasi eh." sabi ko sa mga tao sa cafeteria. May ibang tumawa at yung iba ay tumango tango na parang wala sa sarili. Tila gulat pa rin sila.

Tinuloy namin ang usapan nila Trix na parang walang nangyari.

Mabait naman ako. Wag lang ako babanggain at gagalitin XD

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon