Eighteen: Going deeper...

12 2 0
                                    

Ceska's POV

Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako promises. Balak ko na nga sanang hindi msagtooth-brush eh. Tskk. Yung malambot nyang labi, nararadaman ko pa. Ayyyyy! Hahaha

"KYAAAAH :"">" gamit ang unan, kinikilig na nagpagulong-gulong ako sa kama ng biglang...

"OH MY GOD O_O Girl! Nababaliw ka na ba? Wag mo paginteresan yang unan! May pag-asa ka pa! Anong nagyayari sayo?!" sabi ni Juno na kapapasok lang ng kwarto.

"Ano ka ba Hunyo, di pa ba halatang namamatay na sa kilig yang bestfriend natin." sabi ni Trix.

"Sabagay, ikaw ba naman halikan ng crush mo tapos magpasahan pa ng wine, 'ba matindeee." OA naman tong si Juno.

"Kayo naman, wag naman kayong ganyan sakin, why don't you guys just be happy for me?" sabi ko with matching rolling eyes and hair flipping of hair

"We're happy for you. We. Are. Very. Happy. Di mo ba alam yun?" plastik na sabi ni Juno sabay tatawa. Mga baliw.

"Bahala kayo. Basta ako, gutom na ako. May pagkain na ba?" sabi ko sabay tayo.

"G*ga. Kanina pa nandyan. Patay gutom!" sabi ni Trix.

"Patay gutom talaga?! Gutom lang." sabi ko sabay labas ng pinto.

+++

Nung last day gumala lang kami sa mga spot sa Tagaytay at dumiretso sa Batangas para sa last destination. And because it is Batangas, it's swimming!!

"Hoy Gelo wait lang!" sigaw ni Angelo sa kakambal. Dire-diretso kasi agad sa tubig.

"Ba't ganun? Ang lamig sa Tagaytay tas dito ang init." reklamo ni Trix habang tinatanggal ang pang-doña nyang hat. Ang taraaay :D

Walang pumansin sa kanya dahil kanya-kanya kaming ayos ng gamit sa cottage. Ang ganda ng weather dito. Ang sarap ng hangin. Sayang hanggang mamaya na lang kami dito at aalis na agad.

Naglaro kami ng habulan sa tabi ng dagat. Si Quiro nakisali na din kahit pilitan pa nung una.

"Ayyyy!" sigaw ni Juno ng mahuli sya ni Gelo at buhatin sa pamamagitan ng pagyakap sa bewang. Hmmm. Something fishy is going on here XD

Dahil sa pagmamasid ko, diko namalayan na nandyan na si Juno at tatayain na ako. Takbo Ceska bilis! Chos!

Nahuli ako ni Juno kaya naman isa-isa kong hinabol sila. Hooo! Nakakapagod! Bakit ang bilis nilang tumakbo?! Takbo takbo takbo. Hinihingal na ako pisti. Sa huli, napagdesisyunan kong magfocus kay Quiro. Takbo dito takbo doon, dire-diretso lang hanggang sa malayo ng ang naabot naming dalawa. Ang bilis nya tumakbo. Pero sige, fighting Ceska. Aja!

Boooog!

Awwww :/ aray, ang sakit ah? Diko napansin na nagkabungguan pala kami ni Quiro at parehong natumba sa buhanginan. Ako, nakaibabaw sa kanya habang sya naman ay titig na titig sa mga mata ko.

Uh oh. AWKWARD.

Talaga bang matagal kami sa ganoong pwesto, o sadyang tumigil lang ang oras ko dahil sa mga matang iyon? Nakakahipnotismo *_*

"Taya!" sabi ko sa kanya para mawala ang awkwardness. Agad naman akong tumayo dahil malamang sa alamang ay kulay atsuete na ang mukha ko.

Tumakbo ako palayo ngunit nararamdaman kong hindi sya gumalaw kaya lumingon ako at nakita syang iika-ika sa paglakad.

Gaaahhd. Anong nangyari sa kanya?

"ok ka lang? Anong nangyari?" lumapit ako sa kanya at inalalayan syang maglakad.

"Ok lang. Nasprain ata eh." sabi lang nya na hirap sa paglalakad. Inikot ko yung kamay nya sa braso leeg ko para sa suporta. Wow Ceska. Parang ang lakas mo ah.

"What happened here?" si Trix pala kasama yung iba pa. Nakasunod na pala sila.

"Ah, na-dislocate ata yung paa ni Quiro  eh, kayo kasi, takbo kayo ng takbo."

"Wow ah. Hiyang-hiya naman ako Ceska kasi kami yung humabol sa kanya diba?" sabi ni Juno. Talagang dinuro pa nya yung sarili nya ha!

"Oh eeeh di wow! Hoy kambal, baka gusto nyo akong tulungan dito ano?" singhal ko sa kanila.

"Ay sorry sorry, akala namin kaya mo na." sabi naman ni Angelo sabay tatawa.

Nakarating kami sa cottage pero bumalik din kaagad sa dagat silang apat. Kami na lang ni Quiro ang naiwan dito.

"Masakit pa ba?" umupo ako sa may paa nya.

"Medyo."

Kinuha ko ang paa nya at inikot-ikot. Kitang kita na nasasaktan sya. Pati daliri nya sa paa ang hahaba. At ang laki ng paa ah. Hmm. Bakit ganun, pati paa nya ang ganda. Hindi paang pagod, paang parang luya, ganun? Unfair! XD

tok!

Tumunog yung paa nya. Diba ganun daw yun pag na-s'sprain? Dapat tumunog? Galing ko no? :D Kinuha ko yung first aid kit sa kotse ni Gelo at binendahan yung paa ni Quiro.

"Yan, okay na yan. Wag ka na lang gumalaw ng gumalaw." sabi ko.

"Thanks."

"Wala yun. Ikaw ah. Nakakarami ka na ha. Paano ka kaya makakabawi?"

Nakita kong kumunot ang noo nya at waring nagtatanong. Hahaha ang cute :'>

+++

So yun, umuwi na kami tapos pumasok na nung monday.

Wala namang masyadong importante ang nangyari. Lumipas lang yung mga araw, ganun pa din. Kami ni Quiro, mas nagiging close :'> nakakatuwa nga kasi magkatabi na kami sa kotse. Yiieeehh. Mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya. Hahah

Tuloy pa din ang pagtuturo nya sakin in terms of my studies. At good news, natututo na din ako. Nag'start na din kami humanap ng magandang school. Sabi ni Dad, pareho dapat kami ng course ni Quiro at syempre dapat pareho din ng school. Tuloy tuloy pa din kasi yung pagiging tutor nya sakin.

Si Quiro, okay na din lalo na ngayon kasi last week dumating yung Mama nya. Si Tita Nina remember? Pinauwi na kasi ni Daddy at sa bahay na lang mamasukan para magkasama na sila ni Quiro. Gumaganda na yung katawan nya dahil dun sa vitamins na iniinom nya. He's getting hotter *Q* chos! Everyday sabay kami magjogging sa loob ng village and he is trying boxing now. Hooo! Grabe. XD

"Surprise!!"

"Dad! Oh ano yan? tsaka ba't ang aga mo ata ngayon?" sabi ko. Andito ako sa sofa at nanunuod kami ni Quiro ng forevermore. Nag-aaway pa kami kasi gusto nya sa UFC sya manunuod. Ang pangit kaya nun. So brutal. Arte?!

Kinuha nya yung remote control at nilipat ng channel.

"Quiro! Dun na sa forevermore. Si Agnes kakanta na!" sigaw ko kay Quiro. Hahaha oo. Nasisigawan ko na sya.

"Ayoko. Mas maganda 'to oh. Ang pangit naman nun. Puro drama!" aba't marunong ng sumagot ah. Sino ba nagturo dito ha?! XD

"Oo nga naman Ceska. Halika, makinuod ka na lang." pagtingin ko kay Dad, nakaupo na din at nanunuod ng UFC -_- boys will always be boys =_=

Pumunta ako sa kusina at naabutan si Tita Nina na nag-liligpit.

"Nakakainis! Gusto ko nga manuod ng Forevermore eh." reklamo ko sabay halukipkip.

"Eh ba't hindi ka manuod ganda?" sabi ni Tita. Nakaka'goodvibes naman tong si Tita. Lagi ajong tinatawag nitong ganda. Ang ganda ganda ko raw kasi. Hahaha. One time nga, sabi nya, bagay daw kami ni Quiro baby XD kilig naman ako.

"Eh, nanunuod sila ng UFC eh. Akala mo naman hindi nakakapanuod nun ever." para na akong batang nagsusumbong kay Tita.

"Nako, hayaan mo na yang dalawang yan. Alam mo kasi, may mga bagay na ginagawa ang mga lalaki na hini mintindihan nating mga babae. Dapat mo na lang talagang intindihin kasi magkaiba kayo"

Wow. Hugot yun ha? Pero tama. Kahit naman kaming mga babae, may mga pagkakataong kami kami lang nagkakaintindihan. Right?

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon