Twenty Two.2: Celeste's Plan

12 2 0
                                        

Ceska's POV

Sa school talaga, hindi pwedeng walang kontra bida sa buhay mo. Una, si Marcus na dito din pala nag-enroll. Porket basketball player :3

Pangalawa yang si Celeste na ewan ko ba at parang may kung anong pakay. That feeling is so weird. Oh baka naman insecured lang ako kasi close sila ni Quiro? Wait... ako? Insecured? Duhhh. Never in your wildest dream.

Pangatlo, itong 5Gs na five goddesses daw ang meaning -___- tsss. Ang papangit naman.

"Excuse me. Dadaan ako." humarang kasi yung lima na may malalaki at pare-parehong ribbon sa ulo nila. Yuck. Ang corny. Ba't ba hindi na lang ako sumama kay Quiro at dun sa kambal sa canteen!

"Tama ba yung narinig ko? Inuutusan mo kami?" sabi nung parang leader nila na base sa nameplate nya ay 'Andrea' ang pangalan.

"Mali, kasi wala akong sinasabi." sabi ko na lang in low voice. Ayokong magtaas ng boses hanggat maaari. I've changed, right?

"Aba't sumasagot ka pa?" sabi naman nung isa na may violet na ribbon sa ulo.

"Makikiraan ako pwede?" sabi ko. Calm down Ceska.

"Ayaw nga namin. Epal ka kasi." anodaw?! "Dikit ka ng dikit kay Papa Quiro namin. Dapat sayo, binabasag ang mukha."

What?! Epal? Ako? Papa Quiro? Nila? Oh my God! Kelan pa naging heartthrob yang si Quiro?

"Ha? Anong sabi nyo?" paglilinaw ko.

"Bingi ka pala eh, eh pano kung ubusin namin yang buhok mo ngayon din?" sabi na naman nila na akmang sasabunutan ako. Pero bago pa yun ay napigilan ko sila. Bagong curl yan girls.

"Hep hep hep. Girls, wag kayong masyadong g na g (galit na galit). Dadaan lang ako. Tsaka, you better know who am I before you do your action." mayabang kong sabi. Ngayon na nalaman kong top 1 ako sa richest freshmen students eh malakas na ang loob ko. "Gotta go girls." maarte kong finlip ang hair ko with matching waving of hands sabay alis. Hoo! This will not be the last na masasalubong ko yang mga yan :3 they are really pissing me off ><

Anyway, pagpasok ko ng room, nandun na si Celeste na nakikipagtawanan sa iba kong classmates sa subject na to. Wala pa si Quiro. Malamang, kumakain na naman yun -_-

"Hi Ceska. Good morning." bati ni Celeste. Infairness, ang cute nya. Yung hanggang balikat nyang buhok na medyo naka-curl paloob tapos medyo kulay brown, eh bagay sa uniform. I don't really know bakit may ganito akong feeling sa kanya. Yung naghihinalang feeling? Weird.

"Morning." walang gana kong bati sabay pasalampak na umupo. Kinuha ko yung iPhone ko at nakinig ng music. May assignments ba kami? Wala naman, recitation? Quiz? Hmm, wala naman. Napapansin ko lang, masyado na akong nagiging concious sa grades ko.

"Crush mo si asdghhlfkvwrifofk?!" ano daw? Sino daw? Tinanggal ko yung earphone ko at tinanong si Celeste.

"Ano?!" iritable kong sabi.

"Sabi ko, crush mo si Quiro." sabi nya na medyo ikinagulat ko. Paano nya nalaman yun.

"Tss, talking nonsense -_-" sabi ko.

"Aysus, wag ka ng magkaila girl, I'm good at observing people." sabi nya.

"Well, you observed wrong. We're just friends." sagot ko. Ang FC nya ah.

"Showbiz te?! Deny pa." sabi nya. Yung totoo.

"Edi wag kang maniwala. Magtatanong-tanong tapos..." sabi ko sabay subsob ng mukha ko sa desk.

"Minsan kasi, may mga sagot na pangtakip sa katotohanan." sabi nya. Napalingon naman ako sa huli nyang sinabi. May laman? Hugot? Hinabol ko sya ng tingin na ngayon ay nakikipag-usap sa classmates ko. That was so confusing :/

+++

Celeste's POV

Okay guys, alam ko, nahihiwagaan na talaga kayo. Lemme take it easy for you to understand. It is a plan. May isang taong gustong bantayan si Quiro, pero dahil imposible para sa kanya, he needed someone. At ako iyon. He told me na kailangan kong bantayan at siguruhin na safe si Quiro araw-araw at nakikita ko ang lahat ng ginagawa nya. It started when he was 2nd year high school. Pero noon, pakonti konti pa lang ang galawan ko dahil hindi pa naman ako masyadong magaling before.

So that's the plan. At yung lalaki, makilala nyo rin kung sino sya. But I assure you, he is a big big person.

Totally OppositeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon