Ceska's POV
We are having our girl's night out here in my room. Andito kasi si Juno at kausap naman namin via 'Skype' si Trix. Miss na namin siya ng sobra.
"Oy girl, ano na? Wala ka pa bang ipapakilalang Amerikano samin?" sabi ni Juno. Itong isang 'to, may Gelo na nga eh.
"Nako Juno. Baka magalit sakin si Gelo! Hahaha. Yung isa naman diyan, dream come true na kay Baby Quiro niya. No need na to introduce American guys sa inyo. Akin na lang lahat sila." napatigil ako sa pagkain ng ice cream dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi nya tungkol samin, o dahil sa natututo nang kumerengkeng itong kaibigan namin. Mukhang nahalata din ito ni Juno.
"Yung totoo Trixie, kelan pa naging ganyan ang pakikitungo mo sa lalaki? Before you leave kaya, you were such a man-snobber dear." sabi ni Juno. Kinilig naman bigla si Trix. Taong 'to. Tahimik lang ako dito at hinayaan silang mag-usap dalawa.
Until now, I really can't believe na sasabihin ni Quiro ang lahat ng iyon. You know, the 'like' thingy. And I'm so kilig kaya. Hihihi.
Sabi na nga ba, bibigay din yang baby boy kong 'yan eh. Konting pangungulit lang samahan ng konting harot. Sabi nga, ang gamot sa lalaking masungit, ay ang babaeng makulit.
Anyway, wala pa rin siyang text. Di pa naman nakakauwi. Nasaan na kaya iyon? Ngayon lang siya ginabi ng ganito na hindi ko alam kung saan pumunta. I checked my phone again. Tawagan ko kaya? Wag na. Para namang ako pa yung lalaki kung ganun. ( to be continued)
A/N: Sorry guys sa sobrang late na pangiiwan :D medyo nag-enjoy sa pagbanakasyon sa probinsya :D hehe. feel free to read, comment, vote and share guys :)
BINABASA MO ANG
Totally Opposite
Fiksi RemajaMagkaibang tao. Magkaibang magkaiba. Ugali, pananaw, pangarap, opinyon at pagkatao. Ni hindi magkasundo sa kahit anong bagay. May posibilidad bang mag-tama ang mga puso nila? Istorya ng babaeng inlababo to the highest level sa kanyang tutor. Tutor n...