Twelve: HotSeat

9 2 0
                                    

Quiro

"Kuha ka ng suha sa baba." bulong ni Angelo kay Gelo pero narinig ko naman. Naglatag ng higaan sa sahig ang dalawa. Nandun sila at may kung anong tinitingnan sa cellphones nila. Samantalang ako nagbabasa sa study table. Katatapos lang ng tutorial namin at ng dinner. So far so good. Magaling na talaga mag-aral si Ceska. Magaling sya math lalo na sa percentage, interest at business. Mana sa ama nya.

"Tange! Wala silang suha dito." bulong din ni Gelo.

"De meron yan! Tingnan mo kase." sabi ni Angelo.

"Ikaw na!" iritang sabi ni Gelo.

"Sige wag kang hihingi ah." banta naman ni Angelo.

"Edi wag." mukhang mag-aaway na sila.

"Kumuha ka na kase!"

"Ayoko nga. Wala ng tao sa baba."

"Napakaduwag mo talaga eh no!"

"Kesa naman sayo tamad."

"Osige, tayong dalawa na lang."

Sa wakas ay nagkasundo din sila at sabay na lumabas. Kumaway pa silang dalawa sakin.

Nauhaw ako kaya naman bumaba na din ako para kumuha ng tubig. Parang ang sarap ng kape o chocolate drink.

Madilim sa baba at tanging ang ilaw lang mula sa bukas na ref.ang nagsisilbing liwanag sa kabuuan nito.

Nakatayo ang kambal sa harap ng 2-door refrigerator at waring sinusuri ang mga laman nito.

"Sayang yung kuryente."

"AHHHH! Multo!" sigaw ni Gelo pag harap nya sakin. Nagulat ata sa biglang pagsasalita ko.

"Tuleg! Si Quiro yan! Napakaduwag mo talaga." saway ni Angelo sabay batok sa kapatid.

"Aray. Kelangan mambatok?" reklamo naman ni Gelo.

Tinabig ko sila bago pa sila tuluyang mag-away at kinuha ang chocolate milk powder sa loob ng ref. Bakit kaya nandito 'to?

"Quiro, penge din kami ah." si Angelo. Kumuha naman ako ng dalawa pang tasa at umupo kami sa maliit na table.

Kasalukuyan kaming umiinom ng chocolate drink at damang dama ko ang tensyon sa paligid. Yung dalawa kase, parang may gusto silang sabihin o gawin na hindi nila magawa. Hindi sila mapakali.

"Okay spill it." sabi ko.

"Huh? Spill what?" nanlalaking mata na tanong ni Gelo.

"Kanina pa kayo hindi mapakali dyan. Ano ba'ng sasabihin nyo?"

"Ahh, ano kase. Tutal tayo-tayo lang naman ang nandito. Tsaka usapang pogi lang Quiro. Nagka-girlfriend ka na ba?" sabi ni Angelo na sya namang ikinagulat ko.

"Wala pa." sabi ko.

"Wala pa?!!" sabi nila na parang gulat na gulat sabay iinom ng chocolate drink.

"Uhh. Oo? Bakit kelangan ba meron?" tanong ko.

"Hmmm hindi naman sa dapat, pero kasi..." si Gelo.

"Hindi ka naman panget Quiro. Pero hindi ka pa talaga nagkakaron ng girlfriend?" sabi ni Angelo habang sinusuri ang mukha ko at hawak pa ito habang pinapaling sa magkabilang direksyon.

"Oo nga. Bata pa naman ako. Tsaka abala ako sa pag-aaral." sabi ko.

"Sabagay. Crush?" si Gelo.

"Dati meron. Pero ngayon wala na." walang gana kong sabi. Dati talagang sobrang hinahangaan ko si Ceska nung first year pa lang kami. Pero wala eh. People do really change.

"Ahhh. Eh pano kung malaman mo na merong may gusto sayo ngayon? Like may taong crush ka?" si Angelo.

"That won't happen." sabi ko.

"Tungeks! Posible yun ano ka ba?" si Gelo.

"Pwes, di totoo yun. Teka bakit nyo ba ako tinatanong ng ganyan?" iritang tanong ko.

"Wala lang. Baka kasi matulungan ka namin." si Angelo.

"Matulungan saan?" sabi ko.

"Lumablyp." si Gelo na kumuha ng chips at kinain nito.

"Ayoko pa isipin yan." sabi ko na nakisalo sa chips.

"Alam mo Quiro, pogi ka namang katulad namin eh kaya lang, wala kang laman. Dapat nagpapataba ka tsaka nagwo-workout." si Angelo.

"Alam ko na 'Bal, bigyan kaya natin sya nung vitamins na iniinom natin? Yung galing Korea?" -- Gelo

"Oo nga. Sa Monday bigyan ka namin Quiro." -- Angelo.

"Bahala nga kayo." sabi ko na lang at umakyat na sa kwarto.

+++

Kinabukasan ay maaga kaming ginising ni Ceska. Pumasok pa talaga sya sa kwarto para sumigaw ng naka megaphone.

"Hoy mga lalaking tulog mantika! Magsiging na kayo daliiii!" sigaw nya samen.

"Ano ba Ceska! Ang aga aga pa oh :3 reklamo ni Gelo na yumakap pa sa kakambal nya.

"Ewan ko sayo Gelo! Alas otso na oh! Kris TV na!" sigaw nya ulit.

"Asdfghjkl." pikit na sabi ni Angelo.

Pumasok ako sa CR at lumabas din agad.

"Good morning Quiro :)" bati ni Ceska sakin na pilit ginigising ang kambal.

"Morning." bati ko naman at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

+++

Ceska

"Morning"

KYAAAAAAH >________<

oh my goodness! Totoo ba yun? Nagrespond sya sa bati ko? O-MY-GEE! That was so sweet of him. Kinikilig ako. Hihihi.

"Quiro!" tumigil ako sa paggising sa dalawa at sinundan si Quiro sa hagdan. Tumigil sya at tumingin sa akin. Ang pogi nya in his wasted hair.

"Uhh, wag muna tayo mag-aral ngayon ah? Kasi magre-ready pa ako mamaya eh." sabi ko.

"Sure."

"Thankiiiie ^___^"

Yesss! At syempre, sabay kaming nag-breakfast. Take note, KAMING DALAWA LANG. We're like dating. Oh our God :-O Di na namin ginising yung kambal, mukhang walang balak umalis pagkakayakap nilang dalawa eh. Ewww -____-

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon