Fifteen: Moments to Cherish

13 3 0
                                    

Ceska's POV

Ito ang araw ng 3rd periodical exams namin. Hooo! Sana masagutan ko lahat. At sana, maalala ko ang lahat n tinuro sakin ni Quiro.

Medyo naging close na kaming dalawa. Simula nung nagka fever sya, mas gumaan yung pakikisama nya sakin. Narealize siguro nya na hindi ako yung Ceska ng kilala nya. Hmp!! Ngumingiti na sya, nakakausap ng onti, tapos mas naging light ang tutorial namin.

"Ready?"

Oh diba kinakausap na nya ako.

"Aye aye captain." sumaludo pa ako na sya naman kinangiti nya. Cute. Ang pogi.

Nasa kotse kami ngayon. As usual katabi sya ni Kuya, at ako nasa likod nila. Binuksan ko yung bintana at inenjoy ang morning breeze sa subdivision. Malapit na ang pasko. Lumalamig na ang simoy ng hangin.

"Baka sipunin ka, malamig sa labas."

Naks! Concerned talaga sya? Ayiiiieeeh. Kilig naman ako dun. Kaya naman pumasok na ako sa loob ng sasakyan na nakinig na lang music.

Nahuli ko syang tinitingnan ako sa salamin. Eheeeem.

Pagkarating sa school, sakto namang dumating din si Gelo at Angelo.

"Hey yo! Zup? Nagreview ba kayo?" tanong ni Gelo samin.

"Siyempre kami pa ba?" yabang ko naman.

"Ikaw pareng Quiro, iniinom mo ba yung vitamins na bigay ko sayo?" sabi ni Angelo.

Ahhh kaya pala napapansin kong nagkakalaman sya kahit konti. Bagay sa kanya. Buti na lang may wisdom tong dalawang to XD

"Yeah. Thanks anyway." matipid nya lang na sagot.

"So... tara na?"

"Sure." sabay na sagot nung dalawa. Kambal talaga sila.

Pagkarating namin sa room, nandun na yung dalawang girls at nagrereview.

"Wow. Ang sipag ah. Aral pa more." biro ko sa kanila.

"Sus, hili ka lang. Mabuti na yung may masasagot sa exam." ismid sakin ni Trix.

"Para namang sinabi mo na hindi ako nag-aral girl, FYI, nag-burn ako ng kilay kagabi." yabang ko naman.

"Whatever day, umupo ka na." sagot ni Juno.

At ayun nga, dumating na si Mrs. Marasigan na syang proctor namin sa 2-days exam namin. And after that, Yeaaaaah! Long weekend.

"Girl, anong first subject?" bulong ko kay Juno. Medyo malayo sya kasi one cheat, este, one seat apart.

"Filipino."

"Say what. Ugggh, I hate that subject."

"I know right."

Oo nga no. How ironic. Kung ano pa yung Filipino, yun pa yung pinakamahirap. Nung elementary lang ata simple ang subject na to eh.

"Okay class, please turn-off your phones, clear your desks at wala aking makikita kundi ballpen lang. Understood?"

"Yes Ma'am."

At ayun nga, nagstart na ang exam. 5 subjects lang ang tinake namin ngayong araw and the rest ay bukas na. 3:30 ng matapos ang lahat. Ang sakit sa ulo >< Buti na lang nareview namin lahat ang lumabas sa exam. Thank God.

"Are you heading home?" tanong sakin ni Juno.

"Yep, alam mo naman, grounded ang drama ko ngayon hanggat di tapos ang exam." sagot ko.

"Okay. Bye." nagbeso lang kami at sumakay na sa sasakyan.

"Kamusta exam?" tanong sakin ni Quiro ng nasa loob na kami ng kotse.

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon