Twenty Four: What is Heavier?

15 2 0
                                    

Kilala si Angelo Gonzaga na isang torpe at hindi kayang duma-moves pagdating sa mga babae. Marami ang nagkakagusto sa kanya yun nga lang eh torpe na nga, choosy pa. Unlike his twin brother na kayang- kaya magpa-ibig ng babae o mas tamang walang pinipiling babae. At ngayon, yan ang malaki nyang problema, ngayon na tinamaan na sya ng pana ni Kupido.

Kaklase namin sya ni Ceska sa ilang subjects. The girl we're talking about is an Information Technology student. Minsan lang namin sya nakikita dahil siguro 2 times a week lang na magkasama kami sa isang subject. Minsan ko na rin syang naka-grupo at dun ko nakilala kung sino sya.

Her name is Jahzel Chavez. Anak sya ng isang sikat na aktor na si Henry Chavez. Kaedad namin which is 17 pero this year, ay magdedebut na daw. Pinagtanong ko kung sino sya dahil medyo nakakahiwaga nga ang pagkatao nya, at nalaman kong kilala pala syang gangster nung high school. Wiw. Babaeng gangster, kaya pala ganun sya pumorma. Ang pinagtataka ko lang, bakit kaya para syang natural na babae pag nasa school? I mean, the way na tumawa, maglakad, magsalita, kumain. Para sakin kasi, pag sinabing gangster, maangas, matapang, basagulero, but her? She's different. Baka kaya sya nagustuhan nitong taong nasa harap ko at...

"Angelo? Anong nangyayari sayo? Yung laway mo tumutulo." kinuha ko yung tissue at pinunas ko sa kanya. Nakakahiya -__-

"Eeew. Kambal, nakakadiri ka." sabat ni Gelo na abala sa pagkain ng salad.

"Ahhh, you're so cute Angelo." sabi naman ni Celeste na pinisil ang pisngi nito.

"Ano ba, wag mo nga akong hawakan!" inis na sabi ni Angelo kay Celeste.

"Ikaw naman, ang arte mo! Bading ka siguro no? Yeah right. Kaya wala kang nagugustuhang babae kasi lalaki din ang gusto mo. Angelo is so gay." nang-aasar na sabi ni Celeste. Nung una pa lang ay talagang hindi na magkasundo tong dalawang ito.

"Hindi ako bakla!" nagulat ako sa pagsigaw ni Angelo at pabiglang tumayo, at aakmang aalis na sana ng biglang...

booooooogssshh!!

Nabunggo nya ang isang babae na nakablack, leather jacket ngunit hindi ko makita ang mukha. Natumba silang pareho ngunit napailalim ang babae at dahil sa lakas ata ng impact ay saglit na...

Naglapat ang kanilang mga labi.

"Oh my God." gulat na sabi ni Ceska na nagtabon pa ng bibig at nanlalaki ang mga mata.

"Get off me! Yuck!" eksaheradang sabi ni... Jahzel. Yeah. The one na nakissed ni Angelo ay si Jahzel. And she's starting to have that flame in her eyes.

And the next thing I knew, nasapak na nya ng pagkalakas-lakas si Angelo.

"That's for stealing my first kiss maniac!" sabi nito at iniwang nakahawak sa panga si Angelo. Poor boy. Ngayon, wala na lalo syang pag-asa.

+++

After our last class ay pinasundo na kami ni Tito. We just change our clothes at umalis na papunta sa probinsya ni Tito. Nagpaalam na kami kay Mama. Ayaw nya kasing sumama eh. May iintindihin daw sya. I just wear pull-over jacket, Lee skinny pants, vans shoes, and bonet. Naglagay din ako ng contact lens and ray vans shades.

Si Ceska naman, isang pull-over jacket din, short shorts and ray van shades. Di kami nag-usap nyan ah. She looks so perfect with her semi-curled hair dyed coffee-brown.

Ano kayang meron dun? I bet, may isang mala-kaharian na bahay doon. Ina ba naman ng isa sa mga kilala at pinakamayayamang tao sa mundo ng business? Baka nga may Rancho pa sila dun eh.

Mas pinili ni Tito na sa katabi ni Kuya Rudy umupo. Mas sanay daw kasi sya dun at para maituro na din ang direction. May dala kaming isang kotse, yung tamang pang-apat na tao (kasama ang driver) lang. May mga dala din kaming pasalubong, at mga gamit sa compartment.

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon