Ceska's POV
Kinabukasan ng gabi, naisipan naming lumabas at umupo sa damuhan. Gumawa kami ng maliit na bonfire gamit ang mga siit siit at konting kahoy. Nag-ihaw na din kami ng marshmallows at konting wine. Yung sobrang light lang.
Grrrr. Ang lamig dito sa labas. We played truth or dare. Taraaaay. Napapansin ko lang, napapadalas pag-eenglish ko dito ah. Well, natuto na kasi ako ng subject-verb agreement. Chos!
Unang tumapat kay Trix ang bote. Ooops. Si Angelo magtatanong.
"Truth or dare?" tanong ni Angelo.
"Truth."
"Ok. Sino ang pinakagusto mo saming tatlo?"
"Wala!" mabilis na sagot ni Trix habang iniikot ikot ang buhok nya sa pamamagitan ng daliri.
Inikot ulit ang bote at kay Gelo naman tumapat. It's my time to ask. Bwahaha.
"Dare." sabi agad ni Gelo.
"Ok, haranahin mo si Juno." sabi ko >:)
Kitang kita ko ang reaksyon ni Gelo. Si Juno naman kitang kita ang pamumula. Ayseeesss XD
"Ceska?!" bantang sabi ni Juno.
"Ok." biglang tumayo si Gelo at kinuha ang gitara sa likod nya.
NP: You and I cover by Gelo Gonzaga
Nagsimula syang mag-strum ng gitara.
"Hi, girl you just caught my eye
Thought I should give it a try and get your name and your number
Go grab some lunch and eat some cucumberSheeeems >_< ba't ang ganda ng boses ni Gelo? Hahaha pulang pula si Juno habang umiikot si Gelo sakanya at maya-maya'y umupo sa tabi nito.
You and I could be like honey and bear Sonny and Cher oooh
You and I could be like Alladin and Jasmine let's make it happen likeI don't know why I'm drown to you
Could you be the other one so we'd equal twoNatapos ang kanta ni Gelo at pumalakpak kaming lahat. Ang galing. Sya na may sariling version, oo. At si Juno, halos mamatay matay sa pagpipigil ng kilig nya :D
Umikot ulit ang bote at tumapat naman... kay Quiro?! Si Trix ang magtatanong.
"Dare." sabi ni Quiro. Tapang ah. Hmm.
"Ok, it's your turn to sing... for Ceska :)" sabi nya ng nakangiti sakin.
Emeged. Kakanta sya? Sana naman sana naman... Pero malabo.
"Sure."
SAY WHAT??!
Kinuha din nya ang gitara kay Gelo. Marunong sya mag-gitara?! Tapos kakanta sya? Juskoo kahit pangit boses okay lang :''>
Nag-strum sya.
Ilang beses ng nag-away...
Hanggang sa mag kasakitan
Di na alam ang pinagmulanPati maliliit na bagay...
Oh my gulay <3 Kaboses nya yung vocalist ng 'The Script' ang ganda ng boses. Sobrang... sobrang... nafafall na ako sa kanya.
Tumingin sya sakin dahilan para mamula ang mukha ko. Enebe Quiro. Tigilan mo nga yan. Ang pogi nya tumugtog at kumanta.
Ikaw pa rin walang iba...
Ang gusto kong makasama...
Walang ibaAwww. Hahah sana nga Quiro. Sana nga ako na lang. Sana ako na nga langvyung guato mong makasama :( sana posible yun.
Pumalakpak kami matapos ang number ni Quiro.
"Nice. Marunong ka pala tumugtog Quiro." puri ni Angelo.
"Yeah. Konti." sabi nya.
"Boyfriend thing ka pala Quiro. I like you na." sabi ni Trix. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Joke!" agad naman nyang sabi.
"Oo nga. Matalino, mabait, magaling kumanta, marunong maggitara, disiplinado. San ka pa diba?" sang-ayon ni Juno. Napangiti naman ako. Now they can see his worth. Ganyang ganyan ako nung una ko syang makita...
flashback...flashback... flashback...
1 year ago.
"Ano bang ginagawa natin dito Trix?" tanong ko kay Trix na hila-hila ako sa loob ng gym. Ano bang meron dito? Alam ko linggo ng wika ngayon, at walang exciting don :3
"Wala, maghahanap ng hot guys." sabi naman ni Juno. Kasama pala namin sya.
"Hay nako. Kayo na lang..." di ko pa tapos ang sasabihin ko ng magsalita ang MC ng show.
"At ngayon, pinapakilala ko ang sunod na kalahok ng impromptong talumpati, Quiro dela Fuente." nagpalakapakan yung mga tao. Imprompto? On the spot? Grabe! Kaya nya yun? Eh ako nga, isang sentence di pa makabuo, talumpati pa kaya?
Umakyat ang isang payat na lalaki na nakasalamin. Hmm. Okay na. Di naman chakaness, matangkad, sobrang payat, tapos may bangs na parang Korean style. Naeenganyo tuloy akong makinig.
"Tao. Para saan nga ba tayo nabubuhay. Para saan nga ba at tayo ay nagpapatuloy sa daigdig na ito? Dahil sa kayamanan? Sa kasikatan? Sa identidad? Marami ang nagsasabi na may misyon ang bawat isa. May layunin ang bawat isa at may patutunguhan..."
In fairness, ang galing nya magdeliver ng speech ah. Nagenjoy tuloy ako makinig. At sa lahat ng binibitawan nyang salita, natatamaan ako. Parang para sa akin ang lahat ng iyon.
"Mangarap ka! Mabuhay kang may patutunguhan. Huwag mong hayaang madala ka ng agos ng buhay. Tumayo kang may sariling identipikasyon."
Nagpalakpakan sila at napapalakpak din ako.
"Tara na dali. Ang boring naman dito" yaya ni Juno. Umalis na din ako sa gym. Habang naglalakad, wala ako sa sarili. Grabe namang epekto sa akin nung speech na yon. Tagos na tagos.
Narealize ko lang, siguro kaya wala akong magustuhang lalaki kasi may hinahanap ako. Yung taong malalim, may pinanghuhugutan. Sya na kaya ang lalaking iyon?
Simula nun, naging stalker na na nya ako. Kinilala ko sya, inabangan, sinundan. Buti na nga lang at naging classmate kami nang fourth year.
"Hoy ikaw na. Tulaley ka girl." sabi ni Juno. Pagtingin ko nakatapat sakin ang bote. Si Angelo.
"Dare." sabi ko.
"Kiss Quiro."
"Ano???!"
"Sabi ko kiss Quiro... sa lips. With wine" seductive na sabi ni Angelo. Tiningnan ko si Quiro at wala syang reaksyon. Nababaliw na ata tong si Angelo eh. Tumingin sya sa direksyon ko. Napatitig naman ako sa lips nya. Parang ang lambot, ang pula. Ang... sarap. Juskooo Ceska! Kelan mo pa minaniac si Quiro?!
"Go ahead... smack lang naman. Pero with wine ;)" sabi naman ni Gelo smirking. Pagbubuhulin ko itong kambal na 'to eh. Nakakainis. Nakakakilig >____<
Tumango naman si Quiro. OMO ^/O\^
Pumayag sya. 'Pag nagkataon, sya ang... first kiss ko. Ang pinapangarap kong kiss <3
Uminom ako ng wine. Tapos isa pa na ipapasa ko naman kay Quiro. Hooo! Kaya ko to. Gaaaaaahd! Kinikilig ako.
Humarap sa akin si Quiro at ganun din ako. Eto na. Eto na.
Unti-unting lumapit ang mukha ko sa kanya at sya naman ay nakapikit. Waring naghihintay ng sunod kong gagawin.
Lapit lapit lapit. Pumikit na din ako at maya-maya'y naglapat ang mga labi namin. Ang lambot ng labi nya. Yung labi nya, nakakahipnotismo. Nakaka'adik. Bakit ganito? Dahil ba sa alak? O dahil siya si Quiro?
It takes five second para maipasa ko lahat ng wine sa bibig ko. Agad naman akong lumayo matapos iyon. I'm sure pulang pula ako ngayon.
"Tastes good." sabi ni Quiro na agad umiwas ng tingin sa akin. Anodaw? Geeee! Kilig much na talaga ako.
Hayy Quiro, you don't know what're you doing to me right now <3
![](https://img.wattpad.com/cover/27870812-288-k66323.jpg)
BINABASA MO ANG
Totally Opposite
Teen FictionMagkaibang tao. Magkaibang magkaiba. Ugali, pananaw, pangarap, opinyon at pagkatao. Ni hindi magkasundo sa kahit anong bagay. May posibilidad bang mag-tama ang mga puso nila? Istorya ng babaeng inlababo to the highest level sa kanyang tutor. Tutor n...