Seven: KFC

32 5 2
                                    

Ceska

Hayyy^O^. Nakaka'antok naman. Hapon na at wala kaming teacher. Nag'inat ako at humikab. Ooops, napatinginw ako kay Quiro na ngayon ay nakatingin sa akin. Shoooooocks O_o anong hitsura ko? Naconcious naman ako bigla. Pano kung nahuli nya akong nakanganga? Pano kung ang pangit ko? Pano na ang lovelife ko? T_T

Inayos ko ang pagkakaupo at kunwa'y nagbasa-basa. Tinitingnan ko sya paminsan-minsan na ngayon ay busy sa pagbabasa.

"Oy girl, malapit na birthday ko,

may susuotin ka na?" untag sa akin ni Trixie. Sinara ko yung book dahil wala talaga akong naiintindihan. Masakit pala sa ulo yan. :/

"Wala pa nga eh. Nasuot ko na lahat ng damit ko."

"Well this calls for a...." sabi Juno na nakisali sa usapan. Magkakalapit lang kasi kami  ng upuan.

"Shopping!!!" sabay sabay naming sabing tatlo. Napatingin yung ibang estudyante sa amin. Nagpeace sign lang kami sa kanilang tatlo. Oh my God! Narinig ata nya??  Baka isumbong ako ni Quiro kay Dad! Alam ba niya na grounded ako? Sana hindi.

+++

"So, how was school Ceska?" tanong ni Daddy sa akin. Nandito kaming tatlo ngayon kasama si Quiro sa dining table.

"I'm doing good Dad. Hindi na po ako nakakakuha ng failing scores" proud kong sabi sa kanya.

"Good. Is that true Quiro?" tanong ni Dad kay Quiro. Wala talaga syang tiwala sakin :3

"Yes Sir" tipid nyang sagot.

"Stop calling me Sir, Quiro. Just call me Tito. You're part of the family Hijo" sabi ni Dad. Kyaaaahh >\\\< feeling ko son-in-law sya ni Dad. At asyumera na naman ako =_=

Ngumiti lang si Quiro at tinuloy na namin ang pagkain.

"Diba mag-sho-shopping kayo bukas Ceska?"

"*cough cough*" fuuuuddggeee >.< Uminom ako ng tubig dahil feeling ko ay nasa ilong ko lahat ng kinain ko. Ang ingay mo Quiro! I so hate you. Ugggghh. Napatigil ako sa pagkain at ganun din naman si Dad dahil sa sinabi ni Quiro. Ba't kailangan mo pang sabihin yun Quiro? Diba hindi ka naman nagsasalita? Bakit ngayon ka pa chumika? huhuhu T_T Balak mo ba talagang isabotahe ang mga plano ko?

"Shopping? Hindi ba't grounded ka Ceska?" Sabi ni Dad. Ayan na sya :/ I'm so doomed.

"Ahehehe. Dad kasi, wala pa akong damit para sa birthday ni Trix?" sabi ko kay Dad ba may pekeng tawa.

"Madami ka namang damit dyan ah. Ang gawin mo bukas, mag-aral kayo ni Quiro kasi malapit na ang exam nyo" sabi ni Dad sakin.

"Eh Dad naisuot ko na yun lahat eh" nagmamakaawa kong sabi kay Daddy.

"Disposable ba yang mga damit mo?"

mahinang sabi ni Quiro.

Tiningnan ko sya at nginisian ng peke sabay alis din niyon. Naiinis ako sa iyo Quiro!

"Sige na Dad please? Saglit lang ako sa mall, tsaka kasama ko naman sila Juno at Trix eh. No boys promise. Isang araw lang eh. 5 days na akong nag-aaral oh" sabi ko kay Dad na may paawang mukha.

"Sige" sabi nya.

"Yes! Thank you Daddy. I so love you talaga!" niyakap ko sya. Hahaha napapayag ko sya. Napapayag ko sya! Behlat ka Quiro! :P

"But, there's a but. Quiro has to go with you" -- Dad

"What? O_o" -- ako

"I can't" -- Quiro

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon