Ten: The Chocolates

42 4 2
                                    

Gelo

Totoo ba ito? May PoV ako? Hahaha Salamat author.

(Walang anuman.)

Hahaha. Behlaat ka 'Bal. Wala ka.

Angelo: Neknek mo! Ayusin mo tong kama mo. Ang gulo!

Mamaya na. Maaga pa naman eh.

Angelo: anong maaga? May pasok tayo ng 7:30 am. 6 am na oh! Mamaya mo na intindihin yang si Author.

Mamaya na! Wag kang KJ

Hmm. Sya si Angelo. Kakambal ko. At ako naman si Gelo, kakambal nya :D

Kami ay 16 na taong gulang na. Bago lang kami dito sa Southern Village dito sa *toooot* City. Teka, nasaan na yung cellphone ko?

Hoy Angelo. Phone ko?

Malay ko. Baka naiwan mo sa sala kagabi?

Baka. Yaan mo na.

By the way. Galing kaming Korea, at kararating lang namin sa Pinas last week. Dun kami nag-aral like 3 1/2 years? Yah. Ang gulo nga eh. Malapit na sana kaming matapos lumipat pa kami. Pero ok lang.

Hoy Angelo! Magtagalog ka nga! Wala tayo sa Korea!

Kanta kasi sya ng kanta ng korean songs habang naliligo.

Angelo: Wala kang pake!

Ngapala. Marunong kaming magtagalog kasi ganun kami pinalaki ng magulang namin sa Korea. Pag nasa bahay dapat pure tagalog kami :)

"Hindi ka pa rin naliligo Gelo? Tigilan mo na yan. Malilate tayo. Nakakahiya sa katabi nating valedictorian!" sigaw ni Angelo na kalalabas lang ng bathroom.

Ay oo nga. Si Quiro. Yung patpatin, matangkad, laging mukhang tinatamad na genius naming kaklase. Hahaha. Ang galing nga eh. Ang dami nyang alam :3

Sinara ko yung laptop ko at tumungo sa bathroom. Bale, magkaiba kami ng bathroom ni 'Bal (Angelo) pero iisa ang kwarto namin.(Ang arte di'ba?) Hahaha isang malaking kwarto na may dalawang kama at dalawang study table at dalawang lampshades at marami pang dalawa.

Oo na, magastos na magpa personalize ng kwarto. Pero okay lang yan kay Granny na Lola namin. Sya naman gumastos eh.  Haha Ayaw nga nila Tatay eh :P

Tatay? Oo tatay at Nanay.

Ba't hindi Mommy? or Daddy?

Bah! Walang pakelamanan XD

So yun nga. Naligo lang ako at pagkatapos ay naligo ulit. Joke. Haha.

Bihis na si Angelo paglabas ko. Most punctual :3

"'Bal, akin na lang tong suha sa ref ah?" sabi nya habang sinusuri ang mini ref sa kwarto.

"Tirhan mo ako ah." inayos ko yung pantalon na medyo maluwag :3

Ang cool ng uniform sa bago naming school. Like, long sleeves, then grey na tops (chaleko ba tawag dun? Malay ko) tapos grey na pants. Para ka lang aattend ng party.

"Ok." kumuha sya ng suha sa ref. Ang sarap nun grabe. Basta prutas magkakasundo tayo.

Pumasok na nga kami sa school. Buti na lang at hindi kami late.

"Hay nako mga Sis, I'm so excited na kaya sa 16th birthday ko." napalingon kami ng sabay sa pamilyar na boses. Sila Ceska at yung  dalawa nyang kaibigan na parehong cute. Isang mahaba ang buhok at full bangs na mukhang cosplayer na June ata pangalan? Hindi Jinii. Hindi Ninja. Ah ewan -__- At isang laging naka braid na mukha namang Amerikana.

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon