Five: Punch

29 4 2
                                    

Quiro

"Sige Hijo, salamat." tuluyan na akong nagpaalam kanila Mr. Reanzares. Hindi na ako nagpahatid sa driver daw nila kahit inalok pa nila ako.

Ang weird talaga ni Ceska kanina. Ganun ata talaga sya pag nag-aaral, nawawala sa sarili. Ibang-iba sya kanina. Nag-iisip ako ngayon habang palabas ng subdivision nila Mr. Reanzarez. Sa labasan pa ang sakayan ng bus.

Buti naman at naging maayos ang pagtuturo ko sa kanya. Buti na din lang at in-expect ko ng hindi sya matututo agad -___-

Sumakay na nga ako ng bus pauwi. Sa may bandang pagitna ako sumakay. Tutal wala namang masyadong pasahero kaya wala akong katabi.

"Tay, gusto ko po ng itlog ng pugo" nabaling ang atensyon ko sa katabing set ng upuan na katapat ng sa akin. Nakita ko ang isang bata na nakaturo sa tindero ng itlog ng pugo sa bus. Humihingi sya sa tatay nya.

"Anak mamaya na sa bahay. Malapit na tayo." sagot naman nung tatay nya sabay niyakap nya yung bata.

"Sige na tatay. Gusto ko nun" sabi ulit nung bata na parang maiiyak na. Siguro nasa anim na taon na ang bata kaya may kakulitan. Buti pa sya may tatay. Ako kaya? Makikilala ko pa kaya ang tatay ko?

"Mamaya na nga anak. Wag kang makulit. Matulog ka na muna." sabi ulit nung tatay nung bata tapos pinaunan sya sa lap nito.

"Magkano po yang pugo?" sabi ko sa tindero.

"15 lang boss. Ilan?" sabi naman nung tindero.

"Pabili po ng isa" inabutan nya ako ng isang balot na may asin na dulo. Binigyan ko naman sya ng bayad.

"Eto po oh" inabot ko sa tatay yung itlog ng pugo."Para po sa anak nyo"

Inabot naman dali-dali nung bata yung itlog. Tuwang tuwa sya. Napangiti naman ako.

"Salamat hijo" sabi nung tatay. Ngumiti lang ako at bumaba na sa bus. Nandito na pala ako. Kung ako kaya ang nanghingi sa tatay ko, bibilhan nya kaya ako? Hindi siguro :( Hindi nga nya alam na nag-e-exist ako eh.

+++

Ceska

[Guess what mga bakla? Oh My Gee! Nag-start na kami ng tutorial ni Quiro my labs!!]

send to: Junolicious; Trixiedora

message sent!

Excited kong hinintay ang reply nila. Siguradong matutuwa sila para sakin ^__^

*bzzzzt*

from: Junolicious

[Congrats! -_-]

from:Trixiedora

[Good =_=]

Hmp! Ang bad nila. Di ba sila naging masaya para sakin?! Huhuhu T^T

to: Junolicious; Trixiedora

[bukas kayo sakin! Kalimutan nyo ng may maganda kayong kaibigan :P]

message sent!

Bwahaha. Text ko kaya si Quiro? Hindi ako nakapagpasalamat sa kanya kanina eh.

Wala pala nya akong number. May cellphone kaya siya? Hmm. Message ko na lang kaya sya sa facebook? Hindi nga pala yun nag-o-online -_-

Hay! Mabuti pang matulog na lang ako.

+++

"Quiro! Quiro!" ang dilim. Wala akong makita kundi puro kadiliman. Nasaan ako? Parang gubat to ah?!

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon