Chapter 28: Ligaw Tingin

13 1 0
                                    

Quiro's POV

Ugggh. Ang sakit ng ulo ko! Peste, ano bang nangyari kagabi?

Inabot ko yung nag-aalarm kong cellphone mula sa bedside table. Maaga nga pala ang klase ko ngayon. Sinapo ko ang ulo ko na talagang sumasakit. Hangover. Tsss. Bakit ba kasi uminom-inom pa ako. Umupo ako sa kama at hinilot ng konti yung sintido ko. Masakit talaga. Unti-unti kong inalala ang nagyari kagabi. Bar, alak, dance floor, kotse, kama. AHHH! Ewan! Madilim pa sa labas kasi maaga pa naman. May kumatok sa pinto bago pa ako makapasok sa banyo para maligo.

"Sino yan?" Sabi ko. I'm still dizzy. Tsss. Nakaka-inis. Naiinis ako sa sarili ko. At naiinis ako dahil wala akong matandaan. Yeah, yan ang epekto ng alak. Tsk tsk tsk.

"This is me, Quiro. Check ko lang kung gising ka na." Si Ceska pala. Hearing her voice makes me alive again. As if I drank a bottle of energy drink. Tss. Now I'm geeting corny.

Binuksan ko yung pinto at nakita siyang nakangiti sa harap nito.

"Hi!" Sabi niya.

"Hi! Goodmorning." Sabi ko. Gustong-gusto ko na ngayong nakikita ang mga mapupula niyang labi na nakangiti. Can I kiss those? Sabi ko sa sarili ko.

"Umm, bye." At agad siyang umalis. Anong nagyari sa isang yun? Mukhang lutang ah.

Iiling iling at ngi-ngiti ngiti akong pumasok sa bath room at naligo.

Pagbaba ko sa kusina ay handa na ang almusal. Nakasanayan na naming dalawa na dito mag-aalmusal sa kusina. Si Tito kasi, napapadalas na mas maaga siyan umalis sa amin. Well, what do you expect from a businessman?

"Hi! Ahhm. Meron diyang malamig na juice, sabi sa internet pangtanggal daw yan ng hang-over" sabi ni Ceska. Alam niya? Teka, baka siya nag-uwi sakin kagabi? Pero pano niya nalaman kung nasaan ako? Nakakaguilty tuloy.

Kinuha ko yung juice at ininom. Parang ang sarap nga ng malamig.

"Kumain ka na." Sabi pa niya. Nginitian ko lang siya, dahil nagi-guilty talaga ako.

"So how's your sleep?" Tanong nito habang kumakain kami.

"Ok lang. Although I dreamt, I was kissed by an angel." Sagot ko. Napansin ko na parang natigilan siya sa pagkain at saglit na nanlaki ang mga mata. "Are you ok? May mali ba sa sinabi ko?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya agad, at mabilis na cinompose ang sarili. "Uhh, oo. I mean, wala. Hindi, oo, wala nga. Hehe. Sorry." Sabi niya.

"Bakit ka naman nagso-sorry?"

"Wala lang. Nevermind, kumain na lang tayo" sabi niya habang tungong-tungong kumain. Ano bang nangyayari?

Tumunog ang aking cellphone mula sa bulsa kaya naman agad ko itong kinuha.

1 new message from: Celeste Alonzo
"Good morning Quiro. How are you?"

I replied.

"Good. Thanks. Good morning din. Musta?"

Hindi pa man ako nakakasubo ay nakapagreply na siya.

"Okay lang. I'm actually preparing for school na. Naisipan ko lang itext ka."

Nagreply ulit ako.

"Ahh. Salamat. Nag-almusal ka na?"

Message sent.

"Sino yang katext mo?" Sabi ni Ceska na mukhang tapos na kumain.

"Ahh, si Celeste. Nangungumusta lang." Sagot ko naman.

Hindi na siya umimik at agad na tumayo papuntang sala. Sinundan ko lang naman siya ng tingin. Ano kayang problema nun?

She replied again.

"Yeah. Kanina pa. So, see you when I see you."

Hindi na ako nagreply at tinapos na din ang pagkain ko.

+++

Angelo's POV

Matindi pala talaga kapag tinamaan ka ng pag-big, 'no? Yung tipong, kakalimutan mo muna kung sino ka, kung nasaan ka at kung sino ang kasama mo kapag nakikita mo siya. Naisip ko lang, sana hindi lang mukha ang pareho samin ni Gelo para kahit papano eh, marunong din akong pumorma sa mga babae, the way he do.

Pero itong kakambal ko, seryoso yan kahit playboy. Kapag tinamaan ng pag-ibig, eh di, siya ng tinamaan. Hahaha. Hindi lang yan nagpapahalata pero halata pa ding mahal niyan si Juno.

At ako? Eto, nananatiling nakatingin sa kaniya sa malayo. Bakit ganun, dito lang sa cafeteria ko siya nakikita. I mean, oo malaki yung school namin pero, napaka ironic naman kung dito ko lang siya makikita, malayuan pa. Ang saklap lang. Naramdaman kong siniko ako ni Quiro. Tumingin lang ako sa kaniya.

"Bakit di mo kaya lapitan?" Sabi niya.

"Tss. Ikaw kayang lumapit sa kanya? Kaya mo?" Sabi ko.

"Well, I can live kahit wala siya. Eh ikaw?"

Natahimik ako dun, tapos nagsalita naman si Ceska.

"Alam mo Angelo, pagdating sa pag-ibig, gagawin mo lahat para malaman niyang mahal mo siya. Walang nabubuhay sa ligaw tingin." Sabi niya pagkatapos ay tumingin kay Quiro. Tss. Nakakabitter, oo!

Tinapos ko na lang ang pagkain ko at umalis na din sa cafeteria. Iniwan ko sila dun ng walang paalam. Ganito talaga ako pag inis. Ayoko muna ng may kasama.

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon