Six: Offer

27 5 4
                                    

Quiro

Matapos ang hapunan kila Ceska ay umuwi na din agad ako. Nakatapos na din kami ng assignment sa Physics at nakapagreview sa Economics. Haaay :/ inaantok na ako. Nag-inat ako ng kamay pagkababa ko ng bus.

Nakakapagod ang araw na ito. Masyadong madami akong iniisip at ginawa. Muntikan ko pang mahalikan si Ceska kanina. Dyahe talaga. Kasi naman eh, kung makatitig. Nakakahipnotismo. Parang ang lambot kasi nung pink nyang mga labi. Buti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Kung hindi baka nilamon na ako ng lupa ngayon. Ba't kaya nakapikit pa sya kanina?

Pagpasok ko ng bahay ay naglinis lang ako at natulog na.

+++

Ilang araw pa ang lumipas at ganun pa rin ang routine ko sa araw araw. Bahay, school tapos kina Ceska. Wala na akong ibang pinupuntahan pa.

Tuloy tuloy pa din akong nakakatanggap ng libro. Siguro twice a week may bagong libro na dumadating sa locker ko. May mini library na nga ako sa bahay eh.

Ang nakakapagtaka lang, kung ano yung mga libro na dinadaanan ko sa bookstore eh yun yung mga napupunta sa locker. Sino kaya ang nagbibigay nun? Siguradong papasalamatan ko sya ng madami. Mind reader sya siguro.

Ok naman ang tutorial namin ni Ceska. Natututo naman sya kahit papano. Ang weird nga nya eh. Ibang iba sya sa school at sa mga panahong tutor niya ako. Para sya may split personality. Tapos nung isang araw, nakita ko pa sya sa books section ng bookstore. Nakakapagtaka lang na bibili ata sya ng book.

+++

"Magmeryenda muna kayo oh" pumasok yung yaya nila Ceska na si Aling Meding ata, dala ang ilang slice ng cake at juice. Kararating lang namin galing school at narito ulit kami sa study room. Parami ng parami ang dapat aralin dahil malapit na ang exam.

"Salamat po Yaya" sabi naman ni Ceska. Hindi na namin inuungkat pa yung nangyari last time. Baka wala na akong maisip na palusot pa pag nangyari ulit yon :3

Tumigil muna kami saglit sa pag-aaral. Kumakain na kami ng biglang nagsalita si Ceska.

"Magkwento ka naman" sabi nya. Tinataas-taas pa nya yung hawak nyang tinidor.

Hindi ako umimik. Wala ako sa mood magkwento. Tsaka bat naman ako magkikwento sa kanya?

"Ok, kung ayaw mo, ako na lang" sabi nya.

"Alam mo ba na wala akong nanay?" umpisa nya. Nakinig lang ako kahit hindi naman ako interesado.

"Iniwan nya kami ni Dad nung 5 years old ako. Inaakusahan nya kasi si Dad na may babae daw, pero wala naman. Tapos ngayon, asa Japan na sya. Ewan ko lang kung may pamilya na sya o kung ano ng nangyari sa kanya" pagpapatuloy nya. Minsan ay tumitingin pa sya sa kisame at kumukunot ang noo.

"Ang hirap kaya ng walang nanay. Walang magsusuklay ng buhok mo, walang maghahanda ng baon mo, walang makakaintindi sayo dahil babae ka, alam mo yun?" medyo naluluha na sya sa mga sinasabi nya. Agad naman nya itong pinupunasan gamit ang kamay nya.

"Pero hindi naman ako galit sa kanya, Hahaha ang weird nga eh. Hahaha ang drama ko no?" nagpeke nya ng tawa at tinuloy ang pagkain nya habang nagpupunas ng luha.

"Wala rin akong tatay" nasabi ko na lang. Parang may nagudyok lang sa akin na sabihin yon at damayan sya. Natigilan sya bigla sa sinabi ko at napatingin naman sya sakin na parang nagtataka.

"Talaga? Bakit naman?" tanong nya sakin.

"Ini..." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang pumasok si Mr. Reanzares.

"Ces, anak. Umakyat ka muna sa kwarto mo at may pag-uusapan lang kami ni Quiro." sabi nya. Tiningnan ko naman si Ceska na mukhang frustrated. Mukhang inis na inis sya kay Zach.

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon