Ceska's POV
"Oh my God! Girl look oh! Ang pogi nya."
"Asan? Asan?"
"Ayun, sa may hallway palapit satin."
"Ay oo nga! Sana pareho kami ng course."
"Oo nga. Look oh. He's so hot. Ang macho. Ang sexy. Ang gwapo!"
"Pero girlfriend ata yung kasama nya eh."
"Kaya nga girl. Sayang naman."
Teka, kami ba pinag-uusapan nila? Hmm. Tiningnan ko si Quiro, nakaheadset, tapos naka-pamulsa. Well, hindi ko naman sila masisisi. He is definitely handsome. Ibang-iba sa Quiro na payat, dati. Sobrang nadeveloped yung katawan nya. Pati nga ako nagugulat na lang sa transformation nya eh. Yung muscles lumabas, pero siya pa rin yung matalino, tahimik at supladong Quiro.
Pero teka, nasaan na ba kami?!
Welcome to Malaya University. Dito kami mag-co'college ni Quiro. Dito ito somewhere here in Makati. Mga 25 minutes lang from our house pag naka-kotse. Pero 'pag naglakad ka, siguro mga 10 years XD. First day of school ngayon kaya hindi pa kami naka-uniform. We are taking business major in Accountancy here. Kaya good luck samin.
Si Gelo at Angelo dito din sila kasi ayaw daw nyang malayo samin. Arte nga eh. Si Trix, nasa States kasi dun sya pinag-aral ng mga mgulang nya. Miss ko na nga yun :( di pa sya natawag simula... kahapon. Si Juno naman, sa ibang school pumasok. So kami lang talagang apat ang nandito. Teka nasaan na ba yung kambal? Sabi nila andito na daw sila eh.
Anyway, porma kung porma kami ni Quiro ngayon. Hehehe. Kaya naman napakadami na ang tumitingin sa amin. Lalo na dito sa kasabay ko :/ nakakainit ng ulo ah.
Tumingin sakin si Quiro. Sinabit ko kasi yung kamay ko sa braso nya. Aheeem. Chansing meeeen :D
"Heheh, baka madapa ako, madulas." ngumiti lang sya ng tipid. Para-paraan Ceska ah.
"Saan ba tayo pupunta? Room N408 tayo oh!" bulyaw ko sa kanya kasi papalayo na kami at hindi ko alam kung saan kami pupunta.
"Canteen. Nagugutom ako eh."
"What? Gutom ka na naman Quiro?! Eh kakakain lang natin sa bahay ah. Napakatakaw mo talaga! Kaya ka tumataba eh." himalukipkip ako.
Nagulat naman ako kasi bigla bigla na lang nya akong hinigit pabalik. OMG, eto na naman yung aura nyang hindi ko nagugustuhan. Scary >_< Mukha syang aburido? Galit? Dis-appointed? Scary... OMO
"Wait, akala ko ba kakain tayo?"
Hala ka Ceska! Ayaw nya sumagot. Nagalit ata sayo! Ikaw kasi eh.
Nakarating kami sa room at umupo. Magkatabi kami ni Quiro.
Itong katabi ko, ayaw magsalita. Tell me, may nasabi ba akong masama guys? Galit ba sya sakin? Dahil ba hindi sya nakakain?! Tell me!! Tell meeee!!
"Hoy, Quiro! Galit ka ba? Gutom ka ba talaga? May biscuits ako dito." sabi ko sa kanya. Tumingin lang sya sa labas. Ang taray ah! Nagsusungit na naman sya!
"Hoy! Ok, sige, mamaya after class, kakain na tayo."
Pero 'di pa din sya naimik :/ ok di wag!
Nagbukas na lang ako ng phone at nagselfie then... post! #FirstDayOfCollege #Silence
"Hi!" nakakagulat naman 'tong katabi ko. I looked at him. Hmm. Cute. Ok yung katawan. Gwapo. Maganda yung mata, parang may lahi? Maputi kasi eh tapos bluish yung mata. Tapos ang tangos pa ng ilong. Kamukha sya ni... sino ba yung napapanuod ko sa Hollywood movies? Basta, bida sya dun eh. Anyway...
"Uhh, hello ^__^" sabi ko.
"My name is Paul Mendoza.. You are?"
Ahh. Si Paul Mendoza pala. Pero mukha syang... American? May Mendoza ba na American surname?
"Hi Paul, ako naman si Ceska Reanzares? Kamusta ka?"
"Uhh, I'm sorry, I cannot understand Tagalog that much." sabi nya.
My God! Mapapasabak ata ako dito sa englishan ah.
"Oh! Yes. I'm sorry, I thought, you're a Filipino because of your surname."
"Ohh. Hehe, my Mom is an American, my father is a Filipino, so..." ang cute nya tumawa.
"Ah I see. Kaya pala, I mean, that's why you look like an American. By the way, my name is Ceska Reanzares. How are you?" sabi ko naman.
"I'm fine thanks, how 'bout you?" ganda ng accent. Ang hot ng boses. Tsk!
"I'm good, excited in my college life." hindi ko alam kung tama pa ba ang grammar ko.
Marami pa kaming napagkwentuhan at nalaman ko na kalilipat lang nila from the States kaya hindi sya masyadong marunong magtagalog.
"Really? Hahah. I can teach you how to do that but.... ayyy!! Ano ba Quiro! Ba't bigla-bigla mong hinihigit upuan ko?! 'Pag nahulog lang talaga ako. Ano bang problema mo?"
Nakakainis tong taong to. Bigla-bigla nanghihila ng upuan >_< kung hindi lang talaga kita mahal! XD
Anyway galit ako sa kanya. Ito naman, ayaw magsalita! Tinatanong eh -___-
Nakatingin lang sya sa labas at hindi namamansin. Seriously? Ano bang problema nya? Galit ba sya? O baka nagseselos? KYAAAAH ^\\\^ OMG! Nagseselos sya kay Paul. Hahaha ang cute *_*
Inikot ko yung upuan nya paharap sakin.
"Quiro dela Fuente, tell me! Bakit ka na nagkakaganyan?!" medyo galit-galitan kong sabi.
"Tumataba na ba ako?" sabi nya ng hindi nakatingin. Ano daw? Tumataba? Sa naman nya nakuha yun? May nagsabi ba sa kanya kaya sya nagkakaganyan? Sino kaya yun. Isip isip isip...
"napakatakaw mo talaga! Kaya ka tumataba eh!"
"kaya ka tumataba eh"
"kaya ka tumataba eh"
"kaya ka tumataba eh."
oh my God! Dahil ba dun?
Waaaaaaaaaah >\\\< HAHAHA. ang cute cute cute nya! Sa kanya ba talaga nanggaling yun? Hahah natatawa ako.
"HAHAHA. Dahil dun nagpapakaganyan ka?" My God Quiro. Hahaha." tawa ako na tawa dito. Ang sakit na ng tyan ko promise! Para syang dalaga na sobrang concious sa katawan nya. Hahaha. Hinampas hampas ko pa sya sa braso katatawa. Hindi ko talaga mapigilan. Sabog na nga luha ko dito eh XD
Natigilan ako ng mapanin kong tahimik sya. Omo. Eto na naman. Yan! Tawa ka kasi ng tawa Ceska eh.
"Sorry. Hindi ka naman tumataba, ang ganda nga ng katawan mo eh. Tinatamad lang talaga ako kanina pumunta sa canteen." iniba ko yung direksyon ng ulo ko para hindi nya mahalatang tumatawa ako. Nakita ko naman si Paul na parang nagtataka. Natawa tuloy lalo ako.
Dumating na yung teacher kaya naman umayos na kami ng pwesto. Naglabas na ballpen at papel si Quiro. Ang ganda nung ballpen nya ah. Kunuha ko ito at tiningnan.
Kinuha naman nya kaagad ito kaya iniwas ko pakaliwa.
Inabot nya ulit pero hindi ko pa natitingnan kaya sa kanan naman.
"Saglit titingnan ko lang." ang damot nya ah.
Kinuha nya ulit kaya itinaas ko ito. Para kaming nag-aagawan sa laruan.
"Yes Miss, please come in front and introduce yourself. You volunteered right?"
Say what?! Anong sabi mo Proffesor? Pero hindi ako nag'volunteer Miss! Ayoko mauna magpakilala!!! Quiro dela Fuente!!!
BINABASA MO ANG
Totally Opposite
Fiksi RemajaMagkaibang tao. Magkaibang magkaiba. Ugali, pananaw, pangarap, opinyon at pagkatao. Ni hindi magkasundo sa kahit anong bagay. May posibilidad bang mag-tama ang mga puso nila? Istorya ng babaeng inlababo to the highest level sa kanyang tutor. Tutor n...