Hinayaan ko lang na ganun ang sitwasyon namin (o sitwasyon ko) araw araw. Titingin sa malayo, hihintaying ngumiti at tumawa siya, bibilangin ang subo at ni minsan ay hindi naglakas loob lapitan siya. Hindi ko talaga alam kung bakit pero naduduwag talaga ako. Natatakot akong mareject, natatakot ako na baka pag kinausap ko siya hindi na siya magpakita sa akin kahit sa cafeteria lang.
Paano ba naman, sino ba ang hindi magagalit kung aksidente mo siyang nahalikan, sa lips pa, at para bang yun ang first kiss niya? Tss nangingiti na lang ako pag naiisip ko iyon.
Sana hindi na lang siya nagalit para nakausap ko siya at nagawa ang first moves ko. Pero wala eh, natakot na naman ako. Ako na ata ang pinaka-coward sa storyang ito. How unfai.
"Someone's really inlove here" narinig kong komento ni Quiro.
"Yeah, buti naman at nainlove ka na sakin Honey." Sabat ni Celeste. Tss isa pa itong babaeng ito. Ilang beses ko bang dapat sabihin na wala akong gusto sa kanya?
"Magtigil ka nga Celeste, hindi kita type." Sabi ko.
"Aray, ang sakit mo namang magsalita Angelo!" Hinawakan niya yung dibdib niya at umaktong tila nasasaktan "Eh sino bang type mo, sya?" Dugtong pa niya sabay turo sa direksyon nila Jahzel. Agad ko namang hinawakan ang braso niya pababa upang walang makakita nito. Natawa naman sila sa ginawa kong iyon.
"Wag ka ngang epal diyan. Hindi ka nakakatulong eh" sabi ko.
"Angelo, honey, kung gusto mo, ibigay ko sayo lahat ng informations about kay Jahzel, even the smallest detail. Basta ba, pasasayahin mo ako" sabi nito na nakangiti at parang natatawa. Pero nagliwanag ang mata ko dun. Every single details malalaman ko, magagamit ko yun sa diskarte ko sa kaniya. Pero imposibleng malaman ni Celeste yun. Is she some sort of investigator? Tss may masabi lang 'to.
"Bakit? Imbestigador ka ba para malaman mo yun?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya.
"Ha! You don't know me yet." Sabi niya habang maangas na sinusubo isa isa yung fries niya. She's looking directly in my eyes.
Oo nga no? Hindi pa namin siya totally kilala. Parang kabute kasi tong bigla na lang sumusulpot sa buhay naming apat.
+++
Nandito ako ngayon sa mall at nagpapalamig. Wala akong kasama kasi I feel like being alone, alam niyo na, mag-iisip isip. Kanina pa din tumatawag si Gelo at nagyayaya mag-bar pero ayoko na talaga. The last time I've been there, I really got crazy. Weekend naman kaya gusto ko muna magmalling.
Umikot ako sa ilang bilihan ng damit at accessories. Kelangan ko nga pala ng bagong damit para sa kasal nung pinsan namin. Next week na yun kaya kelangan ko na bumili. Wala pa naman ako nung tinatawag nilang 'fashion', malay ko ba diyan, diba?
Bago pumunta sa boutique na binibilhan ko ng mga damit ay naisipan ko munang maglunch. Akmang papasok na ako sa isang fine dining restaurant ng may isang babae ang biglang humila sa akin sa braso.
At first I'm really shocked at hindi ko alam kung paano magrereact. 'Sino ba to?' Naisip ko. Pero parang pamilyar sa akin ang likod niya, ang buhok niya at ang black leather jacket niya. Kung hindi ako nagkakamali siya si...
"Jahzel?!" hindi ko alam kung patanong ba yun o pasabi.
"You stole my first kiss, pay for it!" Sabi niya. What the-
Sunod lang ako ng sunod sa kaniya. Hanggang sa pumasok kami sa isang restaurant. Teka, anong gagawin namin dito? Bakit niya ako dinala dito? Panic attack! Panic attack!
"Mom, Dad, siya po yung sinasabi ko sa inyo. Meet Angelo Gonzaga. Angelo, meet my parents." Tingin ko kelangan ko ng hangin.
+++
BINABASA MO ANG
Totally Opposite
Teen FictionMagkaibang tao. Magkaibang magkaiba. Ugali, pananaw, pangarap, opinyon at pagkatao. Ni hindi magkasundo sa kahit anong bagay. May posibilidad bang mag-tama ang mga puso nila? Istorya ng babaeng inlababo to the highest level sa kanyang tutor. Tutor n...
