Eight: Apartment

32 4 2
                                    

Ceska

NAKAKAINIS! Nakakainis talaga! Sobra akong naiinis ever! >.<

Ba't ba ang daming umeeksenang tao?! Hoy awtor, lovestory ko 'to! Bakit mo sinisira ang kapalaran ko ah?! Boseeeet na Celeste yun. May balak pa atang angkinin si Quiro! Nasigawan pa tuloy ako :'( UWAAAAAAH T^T

"Hindi ka dapat nakikipag-usap sa kanya. Una, hindi kayo friends. Pangalawa, hindi natin alam baka may masamang balak sa atin yung Celeste na yun. Lalo pa ngayon at nakatira ka sa bahay namin!" mahaba kong sabi kay Quiro dahilan upang mapatigil ito at tumingin sa akin. Oh My, galit sya >< Palabas na kami ng mall.

"Sa tingin mo ginusto kong tumira sa inyo? Kasama ka? Ang hirap kasi sayo, masyado kang mapang-mata. You judge people according to your standards! Di hamak na mas gugustuhin ko pang maging kaibigan ang taong tulad nya kesa sa'yo"

OUCH (_ _) ang sakit ng mga sinabi nya. Ngayon, galit na sya sakin. Huhuhu. Pa'no na ako ngayon? Kung kelan naman medyo okay na sya sakin T___T

Nagpipilwag ako sa ibabaw ng kama habang nakatakip ng unan at sumisigaw. I really can't believe this is happening. Hindi na ba nya ako papansinin? Aalis na ba sya? Tutor ko pa kaya sya? Nababaliw na ako >_<

Basta! Kelangan kong mag'sorry. Kelangan kong magbago para naman magustuhan na din ako ni Quiro.

Napagpasyahan kong bumaba para humingi ng sorry sa kanya. Ay mali, baka nasa kwarto sya. Papasukin ko kaya? Pano kung naliligo sya? O kaya nagbibihis? >\\\<

*tok tok tok* Walang sumagot. Isa pa. *tok tok tok* "Quiro?"

Walang sumasagot. Wala ata sya sa loob. Bahagya kong binuksan ang pinto ng kwarto nya. Isinilip ko ang ulo ko sa loob upang i-check kung may tao.

Ang linis. Ang ayos ng mga gamit nya. Nakita ko yung mga books na binigay ko sa kanya na nakasalansan. Medyo madami na pala talaga.

Isinara ko ulit ang pinto at napagpasyahang bumaba.

"Ya, nakita nyo ba si Quiro?" tanong ko kay Yaya Meding na naglilinis ng bahay.

"Ah, umalis ata kanina nung pagkarating nyo eh. Hindi ba dapat nag-aaral kayo?"

OMG O_O Umalis? Lumayas na sya? My goodness. San kaya sya pumunta? Hindi naman sya mahilig lumabas ng bahay ah.  Baka magkikita sila ni Celeste? Hindi maaari. Hahanapin ko sya.

"Umalis? May dala ba syang gamit? Maleta? Travelling bag? Kahon?!" Tiningnan ako ni Yaya na parang nagtataka.

"Ha? Okay ka lang ba Ceska? Bakit naman sya magdadala noon? Wala. Sya lang."

Ahh, okay. So makikipagkita nga sya kay Celeste! Pero baka hindi naman. Hahanapin ko sya.

"Sige Ya. Salamat"

Lumabas ako ng bahay ng bigla akong harangin ni Kuyang Bodyguard. Bata pa sya at siguro ay around 25 yrs.old lang.

"Miss, san po kayo pupunta? Bilin po ng Daddy nyo na 'wag na kayong papalabasin ng bahay." sabi nya. Craaap >.< Paano ako makakalabas nito. Wag ka namang KJ kuya!

"Kuya, saglit lang. Hahanapin ko lang si Quiro."

"Naku Miss. Hindi po talaga pwede. Baka po mapagalita... Miss Ceska teka lang" hindi pa sya tapos magsalita ay hinigit ko na sya.

"Samahan mo na lang ako."

Sumakay kami sa kotse. Tanong sya ng tanong at salita sya ng salita pero hindi ko sya pinapansin. Abala ako sa pagtingin sa kalsada at baka makita ko sya rito.

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon