Nine: New Friends

18 3 0
                                    

Ceska

"Ang hirap naman. Wala bang mas madali?" reklamo ni Trix.

"Ano ka ba, pano ka matututo kung puro madali lang ang gagawin mo." sabi ko.

"Hayyyy." inihilig ni Juno ang ulo nya sa braso nya na nakapatong sa mababang lamesa. Mukhang pagod na rin sya mag-isip. May dalawang oras na din kaming nag-aaral. At nakakapagtaka kasi hindi na mainit ang ulo nila pagdating kay Quiro.

"Ay 'Day, may chika nga pala kami sayo." biglang nabuhayan ng dugo si Juno.

"Ano yon? Ano yon?" excited kong sabi. Lumapit din si Trix.

"Alam mo ba? Si Marcus tsaka si Jessa na! Kalat na kalat na kaya sa campus." -- Juno

"Kaya nga Sis. So sad. Ang pangit pangit naman ng Jessa na yun eh. Yung taga-kabilang section na nanalo sa pageant last year kasi nandaya :3" -- Trix

"Talaga? Sabi na nga ba at punong puno ng kahaliparutan yang lalaking yan eh. Porket alam nya na matitake for granted nya ang mga babae."-- ako.

"Tama ka dyan 'day. Walang pinipili kahit hipon pinapatos." -- Juno

"At eto pa, alam nyo ba na sinugod nung ex ni Marcus si Jessa sa school nung friday? Grabe kayang eksena"-- Trix

"Oh? Ba't diko alam yun?" -- ako.

"Kasi diba, ang aga mong umuwi nung friday?" -- Juno.

"Ay oo nga pala. Anong nangyari?" -- ako.

"Ayun, nagsabunutan talaga sila ever dun. Kung ano-anong sinasabi nung girl na taga kabilang school ata." -- Juno.

"Grabe no. Buti na lang talaga hindi ako katulad ng iba diyan na patay na patay kay Marcus." pagpaparinig ko sa kanila.

"Aysuss. Atleast kami, cute at gwapo ang crush namin hindi katulad ng iba dyan na ang asdfghjkl"

Hindi ko na pinatapos si Trix sa sasabihin nya dahil siguradong makakahalata si Quiro. Tinapalan ko ng aking kamay ang bibig nya.

"Eheem. Baka pwede nyo ng ituloy yang ginagawa nyo? Sayang ang oras natin." sabi ni Quiro. Napalingon kami sa kanya. Nagtinginan at saka muling bumalik sa ginagawa namin sa papel. Sa mga tinginan talaga nagkakaintindihan na kami na 'KJ yang isang yan'. Wala eh. Hindi talaga maiwasang mag-chikahan lalo na pag magkakasama kaming tatlo.

+++

Quiro

Ang sakit sa mata -_- Pabagsak akong humiga sa kama at tumitig sa kisame. Kamusta na kaya ang mama?

Hinubad ko ang salamin ko at pinikit ang aking mata. Masyadong napagod ang utak ko sa pagrereview sa tatlong makukulit na yon.

Kinabukasan, pumasok ulit kami ng magkasabay ni Ceska. At nandun pa din nakabantay si Kuya Rudy.

"Good Morning class" bati ng aming adviser na si Mrs. Burgos.

"Good Morning Mrs. Burgos" sabay sabay naming sabi.

"Today, may bago kayong makakasama sa klase. Welcome them, Angelo (An-jelo) and Angelo (Ang-helo) Gonzaga" pumasok ang dalawang lalaki na sobrang magkamukha. Twins. Humarap sila ng sobrang laki ng mga ngiti.

"Hi!" sabay nilang sabi.

"Angelo (An-jelo)" sabi nung isa. Sabay turo sa sarili niya.

"Angelo (ang-helo)" sabi naman nung isa at ginawa din ang ginawa ng kambal nya.

"Sana maging magkakaibigan tayo :)" sabay ulit nilang sabi. Marami ang kinilig. Bakit? Alam nyo na.

"Thank you twins. Uhhh, I think dito na kayo sa tabi ng valedictorian natin umupo? Wala kasing vacant eh." tiningnan ko ang katabing upuan ko at wala ngang nakaupo. Ok -___-

Totally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon