Nineteen: Merry Christmas and Happy New Year!

12 2 0
                                        

Quiro

December 24, 2014

"Ate Rose, dito yan. Yaya, pakikuha nga nung plastic na pula dun."

Utos na naman ng utos si Ceska. Palibhasa abala sa pag-aayos ng lamesa. Si Mama naman nasa kusina, luto ng luto. Mabuti na lang, umuwi na sya. Ang laki na talaga ng utang na loob ko kay Tito Zach. Sila kasi yung nagpauwi kay Mama eh.

"Quiro, halika nga, tulungan mo ako dito." napatayo ako sa pagbabasa ng Twilight dahil sa tawag ni Mama. Nadaanan ko si Ceska. Pawisan na sya oh.

"Oh." inabot ko yung towel na nasa balikat ko sa kanya.

"Gagawin ko naman dyan?" takang tanong nya.

"Ilagay mo sa mesa, baka pwede?" sabi ko. Obviously naman na pamunas yun ng pawis.

"Alam mo ikaw, magbasa ka na nga lang nyang libro mo!" inis nyang sabi. Nakakatawa yung mukha nya. Hehehe

"Punasan mo kasi yang pawis mo oh." pinunas ko yung pawis nya sa pamamagitan ng towel. Pagka-alis ko nung towel sa mukha nya, pulang pula sya. Luhhh. May lagnat ba to?

"Ok ka lang? Namumula ka?" tanong ko.

"Wala! Alis na dali!" tinulak nya ako papasok sa kusina. Sungit.

Pagpasok ko...

"Hiwain mo yang patatas dali, tapos itong karne, palambutin mo na. Yung manok, intindinhin mo nang i-roast. Yung cake pa pala, nakabili na ba?" ohhh. Ang daming utos. Stress na stress lang Mama?

"Baka naman masobrahan kayo sa pagod nyan Ma?" sabi ko habang hinihiwa yung patatas.

"Ay nako anak, konti pa lang to kumpara sa trabaho ko sa America." sabi naman nya habang hinahalo ang niluluto nya.

Nilapitan ko sya at hinalikan sa pisngi.

"Ano ba Quiro, amoy pawis ako!" sabi nya mukhang irita na.

"Mama kasi, dahan dahan lang, 6 pm pa lang oh. Tsaka wag mo ng alalahanin yun, tutulungan ko kayo." sabi ko.

"Naku. Sige na nga. Sya bilis, yung patatas." sabi naman ni Mama na naka-smile.

Ok patatas, here I come.

+++

"Merry Christmas!" sigaw ni Tito Zach pagpatak ng alas-dose ng hatinggabi. Nandito kaming lahat sa may dining table kasama ang mga Yaya, drivers, at mga tauhan ni Dad na mga hindi nakauwi sa kani-kanilang pamilya ngayong pasko. Inabutan nya kami ng tig-iisang regalo at ganun din si Ceska.

"Merry Christmas Mama! Eto po oh para sa inyo." inabot ko yung regalo kong kwintas kay Mama sabay hinug ko sya. Mahal na mahal ko 'tong Nanay kong 'to.

"Nako. Salamat anak. Maligayang pasko din. Ang sweet mo naman." hinalikan pa nya ako sa pisngi.

"Merry Christmas :)" sabi sakin ni Ceska sabay abot ng regalo.

"Salamat. Merry Christmas din. Eto oh." inabot ko yung binili kong bracelet para sa kanya.

"Woooaaah. For real?" parang hindi pa sya makapaniwala. Ganun na ba talaga ako kasungit sa kanya?

"Yeah? Ayaw mo ba?"

"No no no no no. Thanks."

"Good :)"

Kumain kami ng sama-sama sa isang hapag. Ngayon, wala muna daw Sir, at Yaya sabi ni Tito Zach. Sabi nga, ang Pasko daw ay panahon ng pagkakapantay-pantay, pagmamahalan, pagkakaisa at pag-sasama-sama. Pinagsalu-saluhan namin ang mga hinanda nila Mama kanina.

Bandang 1:30 am, nagligpit na sila at nagpahinga naman yung iba. Hindi ako makatulog kaya tumambay ako sa may pinto.

"Nag-enjoy ka ba?" tanong sa akin ni Ceska. Lumapit sya sakin dito sa may pinto. Nakasuot sya ng above the knee creamy pink dress tapos heart shape sa may dibib. She looks so young, fresh, feminine, innocent and... beautiful. Yeah. Really beautiful. Hey wait! What is happening to me? Lub dub lub dub. Ang... ang... bilis ng tibok ng puso ko.

"Yeah. So much. Salamat nga pala sa Cellphone." bumalik ako sa pagkahalukipkip at humarap ulit sa labas ng bahay.

"Wala yun. I should be the one thanking you sa bracelet. I appreciated it. Di ko inexpect na bibigyan mo ako nito. Buti na lang pasko." sabi nya, pero hindi ko naintindihan yung huli nyang sinabi. Medyo napahina eh.

"Ano yun?"

"Wala. Sabi ko, salamat."

Hmm. Okay.

"Ingatan mo yan." nasabi ko na lang.

"Oo naman. Sayo galing to eh." sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"I mean, importante sakin... lahat!... Lahat ng regalo na natatanggap importante. Oo. Importante nga oo." sabi nya.

Ahhh okay?

+++

Ceska's POV

SHEEEMS naman oo! Bracelet? Kahit plain silver at mukhang hindi ganun kamahal, iingatan ko talaga ito. Mahalaga pa 'to sa buhay mo oy! Echos lang. Pero, OMG! First gift from Quiro. Isama mo yan sa world record dali!

Andito ako sa kwarto at pinagmamasdan ang silver na bracelet na bigay ni Quiro. Plain lang sya at parang chain style. Agad kong sinuot iyon at viola. Bagay na bagay *_*

+++

Nung new year na, pumunta lang kami sa Baguio kasama si Tita Nina. 4 lang kami kasi umuwi ng probinsya yung lahat. Eh wala naman daw pupuntahan sila Quiro kaya, sumama na lang samin. Pabor naman sakin yun no. Aarte pa ba ako? XD

Totally OppositeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon