Itinupi ko ang page ng librong 'A Walk to Remember'. Kelangan ko pang magreview sa Physics baka kasi may surprise quiz mamaya.
Tumayo ako at kinuha ang aking bag. Dadaan muna ako sa locker para kunin ang Physics book ko.
Aalis na sana ako sa paborito kong lugar ng mapansin ko na parang may nagkakagulo sa cafeteria. Si Ceska. Ang kaklase ko na pangakong hinding hindi ko makakasundo. Mukhang nakikipag-away na naman sya. Tsss. Turn-off. Pero hindi ko naman sya gusto.
Quiro dela Fuente is the name. Senior dito sa school kung saan iilan lang ang tulad kong seryoso at subsob sa pag-aaral. Invisible kumbaga. I am nobody sa labas pero I am 'the' body sa loob ng classroom. Yes. I am in the top of the class. Siguro dahil na rin sa sitwasyon ko ngayon kaya ako nag-aaral ng mabuti. Dalawa ng lang kami ng nanay ko. Tapos nasa America pa sya para magtrabaho at ng may pampa-aral sa akin. Samakatwid, mag-isa lang ako dito sa Maynila. Nakatira sa isang maliit na apartment at nagpapakabuhay mag-isa. Ang tatay ko? Diko na nakilala kasi iniwan si Mama nung malaman niya na ipinagbubuntis nya ako.
Hindi ko nga alam kung bakit nakapasok ako sa eskwelahang tulad nito na para lang sa mga anak ng mga kilalang tao. Salamat na lang sa scholarship.
+++
*plak* nalaglag ang isang brown envelope pagkabukas ko ng locker ko. Ano to? Pinulot ko iyon at agad na binuksan.
Woaaahh. Totoo ba to? Isa sa mga libro ni William Shakespeare? Pero kanino kaya to? Siguro sakin kasi nasa locker ko. Kanino kaya galing? Ang tagal kong pinangarap na bilhin to. Ang mahal kasi. Lagi akong bumibisita sa National Bookstore makita lang to. Pinaplano ko pa lang syang pag-ipunan meron na agad.
Sino kayang nagbigay nito? Salamat talaga sayo :) Napangiti ako at agad din namang pinalis iyon. Baka may makakita, sabihin pa na nasisiraan na ako ng ulo.
Nilagay ko ito sa bag at saka pumasok sa room.
+++
Ceska
"Please get one fourth sheet of paper" sabi ni Mr. Mercado pagpasok nya ng room.
Ooohhhmmmiiiiigaahhddd >.< Don't tell me may surprise quiz na naman sya sa Physics? Patay. Di pa naman ako nag-aral. At isa pa, wala akong naintindihan sa lecture nya kahapon :/
"Number one. What is the formula used in finding the speed?" craaap :-/ diko alam.
Natapos ang quiz at nakakuha ako ng lowest score. 5 over 20 items. Nakakahiya. Si Quiro na naman ang highest na may perfect score. Kahit papano masaya na ako at nakaperfect sya. Hahah :D
"Ms.Reanzares, we need to talk later" sabi ni Mr. Mercado. Patayy >< save me Quiro :( Tumingin silang lahat sakin?
"What?!" sabi ko. Agad silang umiwas ng tingin lahat.
+++
"I need to talk to your parents. Ang baba ng grades mo sa lahat ng subjects" sabi ni Mr. Mercado. Andito kami sa harap ng table nya. Nakayuko lang ako at nagkukot-kot ng kung ano.
"Hey, are you listening?"
"Y-y-yes Sir."
"Good. Kung hindi sila pupunta dito maaari kang hindi maka-graduate" -- Sir
"What?! Sir, hindi pwede. I have dreams to fulfill" maarte kong sabi. Ceska, aminin mo na kasi na wala ka pa talagang balak dyan sa buhay mo! =_=
"Aba'y mag-aral ka kung ganun. Basta I need your parents as soon as possible. You may go" lumabas ng office nya. Naghihintay dun sila Trix at Juno.
BINABASA MO ANG
Totally Opposite
Teen FictionMagkaibang tao. Magkaibang magkaiba. Ugali, pananaw, pangarap, opinyon at pagkatao. Ni hindi magkasundo sa kahit anong bagay. May posibilidad bang mag-tama ang mga puso nila? Istorya ng babaeng inlababo to the highest level sa kanyang tutor. Tutor n...