CHAPTER 11

3.8K 96 10
                                    

Eyz's POV

"Zyde, who are they!!? Ba-Bakit ganon ka makikipag laban!!? Ano ka ba!?" pagdating namin sa Hotel agad ko syang tinanong ayaw kung magkaroon sya ng mga kaaway natatakot ako. Baka pagkagising ko isang araw, isang malamig na bangkay na ang bubungad sa akin, di ko kaya yun.

"Listen to me, Eyz, Hindi mo pwedeng malaman kung ano ako" mahinang sambit nito habang nasa mukha ko ang dalawa nyang mga Palad.

"Zyde, bakit Hindi pwedeng sabihin sa akin? Nag-aalala ako sayo. Ayaw kung may mangyari sayong masama! Zyde, Please naman di ko kayang ma-mawala ka na-nawalan na a-ako ng Ama da-dahil sa Ta-tama ng Bala. A-Ayaw ku-kung maulit ang nangyari sa Ka-kanya!!" di ko na talaga mapigilang hindi mapaluha sa mga sinasabi ko.

"I promise, hi-hindi ako mawala. Hindi kita iiwan... Papahirapan pa kita"

"Ano ba Zyde!! I'm serious 'wag mong gawing biro ang nangyari!! Sino sila ah?... Sino ang mga yun?.... Anong kailangan nila sayo!!? Zyde!!Answer my Damn questions!! Gusto kung malaman ang lahat!"

"Eyz!! Can you please stop!!!.... Stop!!!!..... Stop!!!... Stop!!!... I told you hindi ko pwedeng sabihin sayo kung sino sila!! Please!! Stop asking this time.... Masakit na ang ulo ko sa kaiisip, I'm tired! I need to rest!" tinignan ko lang sya habang naka Facepalm at nagpalakad-lakad. "magpahinga ka na. Mag-uusap nalang tayo bukas sumasakit ulo ko" saka sya lumabas sa Veranda.

nakatulalang tinignan ko lang ang dinadaanan nya. Sino ka ba talaga? At bakit hindi ko pwedeng malaman?

Bw*sit naman uh!!. Humiga ako sa kama habang nag-iisip. Nagalit ba sya sa akin dahil ang daldal ko? curios lang naman ako sa pagkatao nya. Nakakatakot yung nangyari.

Ginawa ko lang naman to baka kung ano pang mangyari sa Kanya at baka hindi ko makuha ang mana ko sa Pamilya ko kung sakaling mawala sya. Hindi pwedeng mangyari yun,  Peru naguguluhan na ako sa sarili ko.

Kailangang magkabati Kami, hindi pwedeng tumagal ang away namin dahil lang sa ganong klaseng gulo. Hindi ko pa nakuha ang pamana sa akin. Kaya hindi pwedeng mag-away kami at humantong sa hiwalayan.

Peru, bakit ganon? Iba ang sinasabi ng utak at ang tinitibok ng Puso ko. Aaminin kung pareho naming gusto makuha ang yaman na ipamamana sa amin, hindi namin Mahal ang isa't isa, peru bakit ako nasasaktan sa tuwing may Babae sya at sa tuwing nasasaktan sya, nasasaktan din ako, sa tuwing nahihirapan sya, nahihirapan din ako.

Di kaya'y Maha- hindi.... Hindi pwede, gusto ko lang sya, Peru hindi ko sya mahal. Magkaiba ang like sa Love..... Tandaan mo Eyz at itatak mo sa isip mo na Magkaiba ang like sa Love.

Pinikit ko ang mga Mata ko. Peru, hindi talaga ako makatulog. Kailangan makapag-sorry ako, ayaw kung lumaki ang gulong to. Pagkatapos nito, hindi ko na sya kukulitin kung ano sya at kung sino sya. Hahayaan kung sya mismo ang magsabi sa akin non. Susuportahan ko parin naman sya kahit ano pa sya. Bumangon ako sa pagkakahiga at pumunta sa Veranda.

Nakita ko syang nakahiga sa Kama habang nakatabon sa mukha nito ang Unan at wala rin syang suot na damit.

Gumapang ako sa kama nya saka ako humiga sa tabi nito at umunan sa braso nya.

"I'm sorry. Don't worry next time, hindi na ako mangungulit sayo" hindi parin sya sumagot at nasa ganon parin syang position.

"Hey, I said sorry... Ga-galit ka ba talaga sa akin?' tanong ko sa Kanya.

"Tawagin mo akong Babe... Sabihin mo I'm sorry, Babe" mahinang sabi nito habang hindi parin kumilos at nakatabon lang sa mukha nito ang unan.

Marrying The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now