Eyz's POV
Nandito kami ngayon ni Zyde sa dati kung room. Kwarto ko ito mula nong bata pa ako. Dito sa bahay narin natulog ang mga kaibigan namin ni Zyde.
Hindi pa masyadong gising ang ulirat ko ng maramdaman ang paghilab ng tiyan ko kaya mabilis pa sa kidlat akong napatayo at mabilis na tumakbo papumunta sa sink at
Aaaccckkkkk....
Bwwaaackkkkk....
Sh*t ito ang mahirap sa mag buntis eh!! Sobrang hustle talaga. Nahihilong bumalik ako sa Kama habang pawis na pawis. Sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko.
Tinignan ko ang Asawa kung nakatihayang natutulog, gumapang ako sa kama at humiga sa dibdib nito at niyakap siya.
"Zyde, I'm not feeling well" nanghihinang bulong ko rito dahilan upang magising ito.
"Babe, what's wrong? Are you okay?" Tanong nito sa namamaos na boses. Umiling ako as a response
"I'm dizzy at ang sakit ng katawan ko" nanghihinang sumbong ko sa kanya dahilan para mapabangon ito sa pagkakahiga.
"Sh*t pawis na pawis ka na, sandali lang ah humiga ka muna and don't move at baka mahilo ka pa lalo" saka niya ako inalalayang makahiga ng maayos. Binuksan niya ang closet at kumuha ng damit do'n tsaka niya ako binihisan. Tapos lumabas siya ng kwarto. I don't know where he go. Hindi naman siya nagpaalam.
Mga ilang minuto rin ang nakalipas bago siya nakabalik sa kwarto at may dala na itong tray. Nilapag niya ito sa bedside table at agad na sumampa sa kama. Pumunta siya sa uluhan ko at pinahiga ang ulo ko sa mga hita nito at nilagyan ng ointment ang sentido ko at hinilot-hilot.
"Ano bang nararamdaman mo?"
"Masakit lang ulo ko, tsaka nahihilo rin ako. I think normal lang yata to" sumbong ko rito habang nakapikit.
"Ito inumin mo, sabi ng katulong niyo, herbs daw to kung saan nakakatulong sa pag lessen ng nararamdaman mong hilo. Hindi ko alam kung ano to. Peru, sa tingin ko Artemisia vulgaris ang Scientific name nito 'di ko lang alam ang English name!....inumin mo to, dahan-dahan lang mainit to at baka mapaso ka" inalalayan nya akong uminom ng anong tawag niya do'n.
Pagkatapos kong inomin ay pinagpatong-patong nya ang lahat ng unan namin tsaka nya ako pinahiga do'n. Kumuha sya ng bimpo at pinahiran ang Noo ko saka niya tinaas ang damit ko at pinahiran ng ointment ang tummy ko.
"Don't worry, binili ko talaga to. Sabi nong Pharmacist para daw to sa pregnant women. Kaya safe ka rito ay si baby" explanation nya hindi ko naman tinatanong. Kasi alam ko naman na hindi niya hahayaang malagay kami sa panganib ng anak niya
Maingat na hinaplos niya ang ointment sa buong tummy ko ng dahan-dahan.
"Baby, 'wag niyo naman pahirapan si Mommy ohh. Nakakaawa naman ng Mommy niyo. Behave kayong dalawa sa tummy ni Mommy ah" parang bata na sabi nito habang kinakausap ang tummy ko habang hinahaplos. Nakikinig habang nakapikit ako sa mga pinagsasabi nito.
Wala parin itong tigil sa pag haplos sa tummy ko kaya binuksan ko ng kaunti ang mga Mata ko at nakita ko siyang pawis na pawis, kawawa naman Asawa ko.
"Babe, mag bihis ka na muna. Baka ikaw nanaman magkasakit niyan" sabi ko dito at ngumiti lang sya sa akin at hinalikan ako sa labi.
"Yes, Mommy, Mag relax ka lang diyan, 'wag mo na akong alalahanin, baka makakasama pa sayo at sa Baby natin!!.... I Love You"
YOU ARE READING
Marrying The Playboy (COMPLETED)
General FictionThere's a saying: "A successful marriage requires falling in love many times, always with the same person." Peru, paano kung pinakasal ka sa isang lalaking Babaero at sobrang yabang. Do you think having a successful marriage is necessary to fall i...