BIRTHDAY PARTY
Zyde's POV
Tinignan ko si Eyz pababa ng hagdan she wear a color Gold long gown na may mataas na slit na abot hanggang hita.
She's beautiful, perfectly beautiful. Tumayo ako sa pagkaka-upo at sinalubong s'ya habang bumaba nang hagdan, nakangiting kinawit ko ang kamay nito sa braso ko.
"You're so beautiful" nakangiting compliment ko sa asawa ko habang titig na titig dito at tanging napakagandang ngiti lamang n'ya ang tugon sa akin. Tsaka kami lumabas at pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Inalalayan ko naman s'yang maka-upo sa Backseat.
Pagdating sa location kung saan gaganapin ang Birthday Party ni Dad ay nawindang ako sa dami ng bisita. Hindi ito kadami ang expectation kung darating sa Birthday ng Daddy ko.
"May Media yata rito, Zyde" si Eyz habang nakatingin lang sa loob
"Halos lahat kasi ng bisita ni Dad, puro kilalang tao, kaya may Media." sagot ko sa Kanya saka kami pumasok sa loob at agad namang yumuko ang mga Guards na nagbabantay sa labas.
"S'ya ba ang Anak ni Arnaldo? Ang gwapo naman pala"
"Uy bagay sila. Diba sya yung Asawa ni Zyde? na i feature pa nga sa Magazine ang kasalan nila at patok yun sa Masa at isa pa live kaya yun napanuod mo ba?"
"Oo inabangan ko talaga yung kasala nila sa Paris ba yun? hindi ko na maalala, ang ganda rin kasi ng Asawa ni Zyde. Kahit anong ipadamit mo r'yan ang ganda talaga! lalo na nong kasal nila napaka ganda"
"Kasama ko yan sa Modeling Agency noon ang ganda nya talaga ang bait pa unfortunately isang beses lang yun"
"Wow si Eyz at si Zyde bagay talaga silang dalawa"
"Hoy Friends si Zyde ang pogi heheehehehehe OMG he is so handsome talaga"
"Ang ganda nga rin ni Eyz"
"Huhuhuhuh naiinggit ako sa couple na yan perfect na perfect"
rinig kung usal ng mga tao sa paligid. Hindi ko man gustong pakinggan peru ang lakas ng mga boses kaya maririnig mo talaga ang mga sinasabi ng mga to.
Nsa paglalakad namin ni Eyz ay nakita ko si Xian at mga kaibigan ko sa di kalayuan habang may kanya-kayang kausap.
Lumingon sa direction namin si Xian at nakangiting lumapit habang yung mga Mata n'ya ay nasa Asawa ko!
"Baby Eyz" tawag nito. Bw*sit na lalaking ito may pa baby Eyz pa sya! Animal sya!. Akmang hahalikan n'ya sana si Eyz ng agad ko itong inakbayan at dinikit sa akin.
"Seloso nito" sabi nya at agad na nag pout. Kadiri 'to akala mo naman Babae. Nag-uusap lang silang dalawa at nilibot ko naman ang paningin ko sa kabuuan ng lugar.
Bakit nandito tong Stella na to? Hindi ko naman sya in-invite ahh? may kausap s'yang lalaki. Hindi ko makita kasi nakatalikod yung lalaki sa akin.
"Xian, Sumama ka sa akin" sabi ko Kay Xian at inakbayan ko naman si Eyz.
"Pwedeng kayo nalang muna? Kakausapin ko lang mga old friends ko nong college" sabay turo sa isang table na puros Babae ang naka-upo.
Tinignan ko ang kausap ni Stella and good thing tumalikod din si Stella at umalis. Lumingon sa amin ang kausap nito and it's Bianchie yung lalaking investor ng kompanya namin.
"Mr. Carter nice meeting you" wala na ba s'yang ibang line pag magkikita Kami? lagi nalang Mr. Carter nice meeting you? My Pleasure to meet you? Bw*sit nakakasawa na.
YOU ARE READING
Marrying The Playboy (COMPLETED)
General FictionThere's a saying: "A successful marriage requires falling in love many times, always with the same person." Peru, paano kung pinakasal ka sa isang lalaking Babaero at sobrang yabang. Do you think having a successful marriage is necessary to fall i...