Eyz's POV
"Ma'am Eyz, ready na po ang mga models natin" ani ng Secretary ko habang papasok sa office, nakangiting tinignan ko ito saka ako tumayo at nilapag ang picture frame ni Zyde sa table.
"susunod ako, ayusin ko na muna ang lens ng camera" tugon ko sa Kanya sabay kuha sa camera at mga lens nito at inayos.
"Yes po, Ma'am Eyz" sagot ng secretary ko habang nakangiti saka ito lumabas at sinirado ang pintuan ng office.
"If it is real that you're still alive, Zyde. I'll wait for you, no matter what. Always remember Zyde, Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko at hindi kita ipagpapalit kahit kanino man at sana nga Zyde, buhay ka. Kasi umaasa talaga ako sa salitang you're alive' " habang kinakausap ang larawan nito na nasa mesa.
Kinuha ko ang bag na lagayan ng camera at do'n pinasok ang camera at mga lens saka ako naglalakad paalis. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Mabilis akong napa hawak sa ulo ko at huminto ng ilang segundo bago nagpatuloy sa pag-alis kahit ramdam ko parin ang hilo at sakit ng ulo ko.
I have a photoshoot kaya hindi ko dapat iniinda ang pagkahilo ko. Kailangan ko na kasi I submit yun malapit narin kasi ang due date. Pagdating sa Area nilabas ko ang camera ko at sinet-up yun at sinimulan ang pagkuha ng mga litrato.
Mga ilang oras din akong kumuha ng litrato ng hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ko kaya tumawag na ako ng substitute at naupo na muna ako sa upuan.
"Suan!" tawag ko sa secretary ko.
"Yes, Ma'am Eyz?"
"Ikuha mo nga ako ng tubig, please!!" utos ko sa kanya
"Yes po Ma'am Eyz" sabi nito saka siya kumuha ng tubig. Ang sakit talaga ng ulo ko. Simula no'ng nawala si Zyde wala na akong ayos na tulog.
"Bhesy" si Mhegs at sabay halik sa pisnge ko. "Oh anyari sayo? are you okay? you look so pale, are you sick?"
"No, I'm okay Bhesy, me-medyo su-sumakit la-lang ang ulo ko" nakapikit na sagot ko sa kanya saka ito nakisiksik sa upuang inuupuan ko at sumandal sa balikat ko habang nakayakap sa bewang ko ang braso nito
"Sigurado ka? diba gu-gumaling na yung inooperahan sa ulo mo? at isa pa wa-wala ka ng sugat uh! bakit sumasakit parin ulo mo?"
" Hi-hindi ko ala-
"OH MY GOD!!! Beshy!!" yun lang ang huli kung narinig bago nag dilim ang paningin ko...............................
minulat ko ang mga Mata ko at ang unang tumambad sa akin ay ang puting kisame binaling ko ang paningin ko sa kamay ko na naka swero at sa lalaking nakatayo di kalayuan sa akin.
"She need to get more sleep and rest. Kaya siya nahimatay kasi sobrang stress nang katawan niya and she needs more strength para bumalik ang lakas nito" sabi ng doctor kausap nito si Xian.
"may paraan ba para maka gain siya ng strength? kasi pag magising nanaman 'to magpupumilit nanaman 'tong umalis, doc. Nag-alala lang ako sa kalagayan niya at baka may worst pang mangayari sa katawan nito"
"Actually, naturukan ko siya ng pampatulog, aapekto yan maya-maya lang, kailangan niya na munang matulog as of now para magkaro'n siya ng lakas.if you don't mind, sumama ka muna sa akin may ibibigay lang ako sayong vitamins na para sa kanya" dagdag nito. Bw*sit naman uhh!! Kagigising ko lang tapos patutulugin nila ulit ako. Gusto ko na ngang umalis dito eh!
YOU ARE READING
Marrying The Playboy (COMPLETED)
Ficción GeneralThere's a saying: "A successful marriage requires falling in love many times, always with the same person." Peru, paano kung pinakasal ka sa isang lalaking Babaero at sobrang yabang. Do you think having a successful marriage is necessary to fall i...