CHAPTER 23

2.3K 83 8
                                    

Zyde's POV

"Hahahaha bw*sit, ganon na nga, Sobrang Mahal ni Bruise si Eyz, madaming sinakripisyo si Bruise para lang sumaya si Eyz, Peru, hindi yata materialistic tong Asawa mo kaya mahirap kunin ang loob nito, mas lalong nadismaya si Bruise ng Malaman na hindi itutuloy ang kasal nila ni Eyz, sapagkat mababayaran ng Pamilyang Carter ang utang ng mga Anderson. Matalino si Mr. Anderson, lingid sa kaalaman ng lahat na marami pa palang yaman ang pamilyang Anderson na hindi pa nagalaw. Isang pa-in lang pala ang ginawa ni Mr. Anderson, at do'n niya napa-in na ang Pamilyang Bianchi ay isa palang mga kalaban. Na isa sa mga nagnakaw ng Pera at stock ng company dahilan para bumaba ang income ng company.  Nang malaman nila ang sikreto ng Pamilya Anderson na kung saan ginawa silang pa-in at nalaman din nila na ikaw Zyde ay ang ikakasal kay Eyz. Kaya sa galit ng pamilya Bianchi sa pamilyang Anderson ay kinidnapped nila si Eyz. Sabi nga nila. Si Eyz ang karma ng Pamilya Carter and Anderson dahil sa ginawa niyong pag traydor sa pamilyang Bianchi. But, I thinkk hindi naman yun totoo"

Unti-unti kung naikuyom ang kamao ko ng maalala ang pagmamakaawa ng Asawa ko sa katarantaduhang ginawa nya sa Asawa ko. Alam kung hindi niya nagalaw ang Asawa ko dahil virgin pa si Eyz nong nakuha ko sya. Peru, ang trauma at pang momolisya sa Kanya yun ang hindi ko matanggap.

Hindi ko matanggap kung paano niya pagsasampalin, sikmuraan at hawakan ang masisilang parti ng katawan ni Eyz, naisip ko palang parang gusto ko siyang pira-pirasuhin.

"Kasabay ng pag kidnapped kay Eyz, ay ang pagdukot din nila sa Ama mo Zyde!" sa pagkakasabi nya agad akong nag-angat ng tingin. Hindi ko alam to.

"What do you mean!?" interesadong tanong ko sa kanya. Wala akong alam dito dahil nag-aaral ako sa Italy sa mga panahong ito.

"Mahigit tatlong araw nawawala si Eyz, ayon sa Investigation na kung saan bigla nalang nawala sa lahat ng Social Media Site at kahit sa mga news kung bakit hindi ko alam kung bakit biglang natahimik ang issue na ito no'n. Peru, isa lang ang sigurado, binabayaran nila ang Media para hindi mailabas ang Kahit na anong Issue tungkol sa Pamilya ninyo. Ayon sa Primary Source, tatlong araw na nawala si Eyz, unang namatay ang Daddy mo bago ang Mommy mo, Zyde. Ang taong tumawag sayo na kung saan nagsabi na patay na ang Mommy mo ay walang iba kundi ang Kakambal ng Daddy mo tama ba ako?" agad kung naikuyom ang kamao ko sa sobrang galit na nararamdaman ko. Agad na nabuhay ang galit sa puso ko ng maalala ang sinapit ng Daddy ko. Kung Paano nila tinoture, binugbog, nilapatan ng mainit na bakal ang iba't ibang parti ng katawan tsaka nila ito pinugutan ng ulo.

Mga Hayop sila ginawa pa nilang katatawanan ang ginawa nila sa Daddy ko.

"Ang katotohanan kung bakit nabundol ang Mommy mo ay dahil sa gusto niyang takasan ang kamatayan. Ang news na nilabas no'n tungkol sa Mommy mo ay isang fake. May Bomba ang sasakyan na ginamit ng Mommy mo. Kaya sa kagustuhang maligtas ang sarili, bumaba sya ng sasakyan at tumakbo para makalayo sa sasakyan na yun. Ngunit aksidenteng nahagip ng sinasakyan ni Eyz ang Mommy mo, lahat ng nakasulat sa Dyaryo ay 50 percent accurate at 50 percent do"n ay pawang mga gawa-gawa lamang. Ang pagkamatay ng Daddy at Mommy mo pati narin ang Pagkamatay ng Daddy ni Eyz lahat ng yun ay kagagawan ni Bruise Bianchi at ang ama nito dahil sa Pagmamahal Kay Eyz at dahil sa Pera at politika nakung saan humantong sa ganong sitwasyon. Kaya ngayon Zyde, nakakasiguro akong hindi malayong mailagay din sa panganib ang Buhay mo at lalo na kay Eyz. Tignan mo rin ng maagi ang lahat ng larawan na nakikita mo sa TV na yan dahil lahat sila ay mga kalaban. Lahat sila ay kasama sa pagpatay at pag torture sa pamilya mo at sa Asawa mo" madali lang patayin ang mga yan!

Marrying The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now