---PRIO DRAKE
"Mukhang mas magiging maayos na ang pag kain ni Sir. Gio ah!"
Nilingon ko ang matandang babae na katulong daw dito sa bahay. Hindi ko siya kilala dahil ngayon lang naman kami nagkita. Tinutulungan niya ako na ipaghanda si daddy ng dinner.
"Bakit po? Hindi po ba siya kumakain madalas ng dinner?"
"Hindi po sir." Hindi ako sumagot at naghintay pa ng sasabihin niya. Napansin niya yata ang pagtitig ko sa kanya kaya tila nataranta siya. "..ay kasi po sir , madalas ay madaling araw nang umuuwi ang daddy niyo mula sa trabaho! Mas gusto niya po ang nag i-stay sa office kesa ang umuwi dito! Madalas ay sinusundo niya si gia at clio dito sa bahay para sabay-sabay silang kumain nang hapunan dahil palage silang nag-aaway ni Madam Kristel sa tuwing nagkikita sila dito sa bahay.." Napabuntong hininga ako sa mga narinig ko.
"Wala po ba siyang rest day?"
"Depende po kapag inaaya siya ng mga kapatid mo na pumasyal o kaya ay magluto dito sa bahay! Bonding na kasi nila ang pagluluto pero syempre nangyayari lang iyun kapag wala dito sa bahay si Madam!" Dagdag niya pa.
Matamis siyang ngumiti at diretso akong pinagmasdan.
"Mas madalas ka sa aking i-kwento ng daddy mo!" Bigla akong nakaramdam ng pagkailang. "..palage niyang sinasabi na mabait ka at nakuha mo ang magandang ugali nang iyong ina! Palage ka niyang ipinagmamalaki sa akin , hindi lang sa akin kundi sa lahat kaya wag ka na magtaka kung bakit kilala ka nang mga kaibigan at business partner niya dahil proud sayo ang daddy mo!" Inilagay niya sa tray ang hiniwa niyang prutas para kay daddy. "..sa tuwing pagod na pagod siya ay madalas nasa kwarto mo siya at duon siya natutulog! Nakakatulugan na din niya ang pagmasdan ang litrato mo at ganuon din ang larawan ng iyong ina!" May kumirot sa dibdib ko dahil sa mga kwentong naririnig ko sa kanya.
Wala akong maisagot. Walang salita na lumalabas mula sa aking bibig.
Nanatili akong tahimik at nakikinig.
"Sige na sir , baka gutom na ang daddy niyo!" Ngumiti ako sa kanya.
"Prio na lang po , nay!" Nakangiti kong sagot sa kanya. Mas lalong gumanda ang kanyang ngiti at tumango.
"Sige prio!"
"Salamat po , nay!" Ngumiti lamang siya kaya dinala ko na ang pagkain at tumungo na sa kwarto ni daddy sa itaas.
Bumukas ang pinto at si gia ang bumungad sa akin. Tipid siyang ngumiti at binuksan nang malaki ang pinto ng kwarto.
"Nakahiga na siya! Pagod eh!"
"Sige!"
"Puntahan ko lang si mommy.."
Tumango ako at ngumiti naman siya 'tsaka siya lumabas ng kwarto. Tahimik akong pumasok sa loob at isinara ang pinto gamit ang aking paa. Inabutan ko si clio na hinihilot ang sintido ni dad habang mahina niya itong kinakantahan.
"Tulog na ba?"
"Not yet , kuya. Hinihintay ka niya!"
Pagkasabi ni clio 'nun ay nagmulat si dad at diretsong tumingin sa akin. Namumula ang mata niya at bahagya na namang namumutla ang kanyang balat.
"Dinner po.."
"Thank you!"
Tumayo si clio kaya ipinatong ko sa gilid nang kama ang dala kong pagkain.
"Nagluto po ako nang ginataang manok pero naalala kong bawal sa inyo ang sobrang chicken kaya nagluto ako saglit ng gulay! Pasensya na po natagalan!"